Althea
"Next time knock before you enter, Reggie." bilin ko kay Reggie habang nagdidinner kami, dahil sa pagpasok niya kaninang umaga sa room namin ni Jade.
"I entered because it's not locked." balik rason niya sa akin." And besides, you're not yet on your honeymoon di ba?"
"Reggie!" saway ko sa kanya. "You're just fifteen!"
"What!? I'm already fifteen, Tita Althea at I know what honeymoon means." sagot niya sa akin. "And besides I know you won't do it kasi hindi pa naman---"
"Ok. Enough. Ok?" pigil ko na sa kanya. "You're embarrassing me infront of Jade."
"Why embarrassed? She's you're wife now? Di ba Tita?" baling ni Reggie kay Jade na palipat lipat lang ng tingin sa amin.
"Hayaan mo na MK, she can enter our room anytime naman eh." nakangiting kampi ni Jade.
"Oh no she won't and she knows that, we respect each other's privacy. Siya mismo ang nagrequest na matulog na siya sa kabilang kwarto when she turned twelve." pangangatwiran ko.
"Yes, I did pero I can go to your room anytime lalo na pag hindi ako makatulog di ba?" depensa ng isa.
"Yes, but you always knock." paalala kong sabi at tumahimik siya. See? she lost this time.
"Ok, I'm sorry Tita. Next time I will knock na po." sabi niya sabay subo ng pagkain. Nakita ko na lang na napailing si Jade at napangiti.
"Ahm, ok lang ba kung pagusapan natin ang tungkol kay Samantha especially pag dumating na siya?" mahinang tanong ni Jade at nagtinginan kami ni Reggie.
"What about?" tanong ko. "I mean kung sakaling dumating siya at malaman niya, magwawala lang siya but she should accept the fact that she's totally out of my life and my system." sagot ko.
"Mismo!" segunda ni Reggie.
"Pero Althea---"
"Please let's not talk about her, Jade?" pakiusap ko.
"Yes, please. Tita?" segunda ulit nong isa, well kakampi ko siya this time. Sabi ko sa loob loob ko, iisa kami ng saloobin na ayaw naming pagusapan si Sam.
"She'll just ruin our moment, kahit ang isipin siya ayaw kong gawin." dagdag ko pang sabi para maramdaman ni Jade na ayaw talaga naming pagusapan ang babaeng yon.
"Me, too!" - hirit ulit ni Reggie. Talagang nasa side ko siya ngayon, masayang isip ko.
Hindi na nakapgsalita si Jade at tahimik na lang na kumain. Hindi na rin siya umiimik kaya hindi namin maiwasang magsenyasan ni Reggie. Nagtaas siya ng kilay na parang nagtatanong at sinagot ko naman ng pagkunot ng noo na parang sinagot siya ng "malay ko". Para kaming mga sira na pinipilit magusap sa isip at tingin lang.
"Ahm, Mahal Ko. May gusto ka pa bang bilhin na gamit mo or anything ?" pagbasag ko sa katahimikan dahil puro tunog na lang ng kutsura at tinidor ang naririnig namin.
"Wala na, MK. Thank you" sagot niya at balik tahimik ulit.
Wala ng imikan hanggang matapos ang kainan at puro sulyap at eye contact lang kami ni Reggie. Nagumpisa ng magligpit si Jade ng lamesa ng sinenyasan ko si Reggie kaya umakto siya na siyang maghuhugas pero inunahan siya ni Jade.
"Ok lang, Reggie ako na. Gawin mo na lang schools notes mo." nakangiting sabi nito.
Senyas ulit ako at nakuha ni Reggie agad.
"Ok Tita, ipasyal ko lang muna si Migs sa baba." paalam niya at kinuha ang tali ng aso at tinawag ito saka sila lumabas.
"Tulungan na kita." alok ko kay Jade ng kaming dalawa na lang.
BINABASA MO ANG
Walang Dahilan
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang isang tao...wala kang makitang dahilan. Basta ang alam ng puso mo mahal mo siya. My second story para sa sa mga pusong Rastro/Jathea bilang pasasalamat sa pag suporta niyo sa unang story ko. Hindi po ako professional writ...