Ika-18 Dahilan

6.9K 285 18
                                    

Jade

Nasa coffee shop nanaman si Reggie, pero since Sabado ngayon maaga siyang tumambay doon. Birthday na pala niya bukas. Isang linggo na rin pala ang nakalipas mula ng nagpunta kami sa resort. Hindi matapos tapos ang pasasalmat niya sa treat namin sa kanya na mismong araw ng birthday niya ay nakalimutan na ata niya. Nasa taas nanaman at nagbabasa ng manga comics pero pag umakyat ang Tita Althea niya ay yong school books ang hawak niya.

Marami na ring nakakalilala sa akin sa coffee shop at mukhang ayaw ni Althea yon. Selosa lang.

"Jade, you can start working here at the office after ng minor renovation para magkaron ka ng table just before our office." derektang sabi ni Althea at lumingon ako kay Batchi na nakangiting nagtatanong.

"Why?" tanong ko pagbaling ko kay Althea.

"You'll be our secretary. Marami na ring gagawin at para may magasikaso din sa HR dahil hindi na rin maharap ni Batchi dahil balak namin mag branch out." paliwanag niyang hindi tumitingin.

"Bakit ako? Marami naman mas matagal sa akin na nagtatrabaho.Si Abby at Wila." tanong ko ulit.

"Kailangan si Abby at Wila sa labas para magmonitor sa coffee shop." rason ni Althea.

"Yong totoong dahilan?" kulit kong tanong.

"Sabihin mo na kasi, Tsong."- Batchi.

"Althea?" baling ko sa kanya. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin. Halatang nagdadalawang isip magsalita.

"I'm waiting?" sabi ko.

"Kasi. Nagse---" hindi na naituloy ni Althea ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Reggie na humahangos at mukhang takot o nabigla na hindi mo maintindihan.

"Tita!" sigaw niya.

"Bakit Reggie?" gulat na tanong ni Althea.

"Sam's here." tanging nasabi lang ni Reggie. Natigilan si Althea habang si Reggie nakatingin lang sa kanya at sunod ay tumingin si Althea sa akin bago bumaling ulit kay Reggie.

"It's alright Sweetheart, kailangan na natin siyang harapin. It's now or never." sabay ngiti niya sa pamangkin para pakalmahin ito. Tumango lang si Reggie.

Hindi pa kami nakakarecover sa pagkabigla ay nagbukas na ulit ang pinto at iniluwa ang isang Fil-Am brunette at matangkad na babae, halatang kagagaling ng airport dahil sa mga paper bags na may tatak duty free na dala ng kasama niya. Nagtama agad ang paningin namin at kita ko agad ang talim ng tingin niya sa akin, hinagod ako mula ulo hanggang paa. Nakatayo ako malapit kay Althea kaya mas lalong matalim ang pagkakatingin niya. Nakita niya si Reggie at agad nilapitan.

"Glad to see that the birthday girl's here. Got something for you, Sweetie." lapit niya pero humakbang paatras si Reggie at nagulat si Samantha sa inasal niya.

"I told you I don't need those. I haven't open any of the gifts you gave me." Matapang na sagot ni Reggie. Makikita ang inis na gumuhit sa mukha ni Samantha saka tumingin kay Althea at lumapit iikot sana papunta sa upuan niya pero tumayo na si Althea.

"Just stay there, Sam. I don't think my wife would want to see me being kissed by another woman in front of her." deretsang sabi ni Althea at bakas ang taka at dilim mg mukha ni Sam.

"What the he.ll are you talking about, Althea?" balik tanong ni Sam. Lumapit ako kay Jade at hinawakan ko ang kamay niya na may singsing.

"Sam I'd like you to meet my wife, Jade. Mahal ko this is Sam." pakilala niya sa amin at biglang bumulusok ang galit sa mukha ni Sam at pasugod na naglakad papunta sa amin pero maagap si Althea. "Don't you dare touch her, Sam. I'm warning you. I can give you he.ll if that's what you want."

Walang DahilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon