Chapter26 Bakit?

2K 40 2
                                    

Trix Pov
Hindi ako makatulog naiinis ako kay beatice.
Naalala ko bigla si ella nasa bar nga pala siya matawagan nga baka ano ng nangyari sa kaibigan kong yon.

Hello bess??

si-sino to??

hoy ella? Nasaang bar ka? sabihin mo at pupuntahin kita!
Lasing na talaga si ella kinakabahan ako sa kanya baka kung ano ng nangyari sa kanya.

Ba-bakit i-inom ka rin? Hali-halika na dito sa da-dati..

Pagkatapos nun ay nagbihis na ako at pupuntahan ko si ella sa bar kung siya naroon. Ano bang problema ng babaeng yon at umiinom na naman.
After 30 mins. Ay nakarating na ako dito sa bar dumiretso ako na ako sa loob at habang naglalakad ako andami kong nakikita na SPG grabe naman nakakadiring tignan. Ng makarating na ako sa loob napaka ingay ang baho amoy alak. Palingon lingon ako kung nasaan na si ella hindi ko siya makita Nakakainis naman pinagtitinginan na ako dito asan na ba yong babaeng yon kase.. habang nakatayo ako may lumapit sa akin na isang lalaki.

Hai miss, may hinahanap ka ba? Huwag mo ng hanapin nandito naman ako eh...

Hindi ko na lang pinansin tong lalaking nasa harap ko at tuloy lang ako sa paghanap kay ella ng maramdaman kong hinawakan ng lalake ang hita ko dahilan para mapasigaw ako.

Bastos! Lumayo ka nga!
Nagulat ako sa ginawa ng lalaki nakashort kase ako.
May napatingin sa gawi ko at yong iba ay walang pakielam. Ng hindi ko na mahanap si ella ay lumabas na ako pero pagharap ko sa likod bigla na lang akong napaiyak sa nakita ko. Gusto ko na sanang tumakbo at umalis na dito pero parang may sariling mundo ang mga paa ko at ayaw gumalaw. Tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko at nakatingin ako sa kanilang dalawa. Ang sakit grabe! kaibigan ko si ella pero bakit ganun?
Napatigil silang dalawa sa paghahalikan ng napatingin si ella sa akin.

Be-bess???

bakit ella? Bakit?
patuloy pa rin ako sa pag iyak habang kaharap ko silang dalawa. Tumingin ako kay acezer at walang karea reakyon ang mukha niya.

be-bess so-sorry lasing a--ako,

tumakbo na ako ng mabilis wala na akong pakielam kahit saan na ako papunta kahit gabing gabi na ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makalayo sa kanila. Sobra akong nasaktan sa ginawa nila.

Napahinto ako dito sa isang bench at umupo ako iyak pa rin ako ng iyak hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nakaupo lang ako dito maliwanag naman at may naglalakad pang mga tao. Naglakad na rin ako papuntang kotse ko gusto ko ng umuwi at gusto kong ibuhos ang sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.

Pagkadating ko sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko napasalampak na lang ako bigla at pagod na pagod na ako nararamdaman kong parang mawawalan na ako ng malay tumayo ako at humiga na ako sa kama ko.

Kinabukasan.........

Pababa na ako ng makita ko si acezer na nakaupo sa sala habang nagkakape. Napahinto ako saglit at napatingin ako sa kanya dumiretso na ako sa kusina para magtimpla ng kape hindi ko siya pinansin at ng makapagtimpla na ako ay umupo ako.

Sorry.......

Nagulat ako ng magsalita siya, nagsosorry siya?

Sorry about what happened last nyt!

Tumingin siya sa akin ramdam kong sincere siya sa pagsosorry niya pero ansakit pa rin talaga. Naiisip ko pa rin yong ginawa nila na harap harapan kong nakita.

Sorry? Madali lang naman sabihin yan eh, sana bago mo naisipang gawin yon inisip mo muna sana na may masasaktan ka!

Sorry trixie, I'm sorry!
-Acezer

Diyan naman kayo magaling eh, puro kayo sorry kung gagawa kayo ng mali isipin niyo yong mga taong masasaktan niyo.
Ang manhid niyo kaseng mga lalaki wala kayong pakielam sa nararamdaman naming mga babae!
Tumingin ako kay acezer at kunot noo lang siya. Parang hindi niya naiintindihan ang mga sinabi ko.

Nasaktan ako acezer, nasaktan ako dahil Mahal kita! OO Mahal kita!
Tumingin siya sa akin ng seryoso ang mukha. Napayuko ako bigla dahil sa nasabi ko! Matagal din siyang di nagsalita nagulat ba siya sa sinabi ko? Eh yon ang totoo ehh...

I'm sorry.......

Naghintay ako sa sagot niya pero "I'm sorry" lang yong sinabi niya. Inamin ko na yong Nararamdaman ko pero bakit balewala pa rin sa kanya? Hindi niya ba talaga ako gusto? Ansakit huhuhu.... hindi ko na naman napigilan tong mga luha ko para akong tangang umiiyak dito mag isa.
Pagkatapos niyang sabihin ang I'm sorry umalis na lang bigla. Ano bang wala sa akin? Bakit ganun? Sana hindi na lang ako nagpakasal sa kanya ako itong nakakaranas ng sakit dahil sa mga ginawa niya.

Nanghina ako at napaupo sa sahig ipinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko. Pagod na pagod na akong umiyak at masaktan!!!

ilang oras din akong nakaupo dito na parang wala ako sa sarili ko. Naisipan kong tawagan si mama.

Hello anak, napatawag ka?

Ma, punta ako diyan sa inyo.
matamlay kong sabi

May problema ba? Sige hihintayin kita.....

Sige ma!

Tumayo na ako kaagad at umakyat sa kwarto para maligo. Binilisan kong mag ayos at inayos kona ang sarili ko ayokong humarap kay mama na ganito itsura ko. Alam ni mama na maayos kami ni acezer at nagmamahalan kami pero ako lang naman yong nagmamahal eh.. napakasakit isipin pero wala na akong magagawa.








Enjoy^_^

Marrying My Enemy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon