Chapter 25 It Hurts

2K 38 1
                                    

Gabi na ng makarating ako dito sa bahay nadatnan ko si acezer na nakaupo sa sala at kunot ang noo.

Ano bang pag uusapan natin acezer?
nakatingin lang ako sa kanya.

Magkaibigan na lang kami ni beatrice trixie, ano ba ang hindi mo maintindihan doon?

Ano bang pinagsasabi mo?
Naguguluhan ako sa sinasabi ni acezer.

Huwag kang umasta na parang wala kang ginagawa, nagsumbong sa akin si beatrice sinugod mo daw siya at inaway.

Hah? Wala akong ginagawa ni hindi nga kami nagkita ng beatrice na yon eh.
Letcheng beatrice anong gusto niyang palabasin? Gumagawa siya ng kwento di naman totoo sinisiraan niya ako kay acezer.

Ayoko sa mga sinungaling trixie! Walang ginagawa sayo si beatrice ano bang problema mo sa kanya?

wala akong problema! Yang beatrice na yan ang may problema! Hindi ako nagsisinungaling acezer wala akong ginagawa sa kanya. Pero kung naniniwala ka talaga sa mga sinasabi niya wala na akong magagawa!
nyemayss nakakainis, parang gusto kong umiyak sa binibintang niya.

Itatak mo sa isip mo na magkaibigan lang kami! Nothing more. Huwag mo ng uulitin yong ginawa mo baka kung ano pa ang magawa ko!

Magkaibigan? Magkaibigan nga lang ba acezer? Eh sino si "bheko"? Si beatrice yon diba?
Naiinis na talaga ako sa kanya.

Bakit trixie? Bakit ganyan ka makareact? It seems that you like me C'mon trixie gusto mo na ba ako?

Asawa mo ako acezer! Kaya may karapatan akong magreact ng ganito para sabihin ko sayo Hindi kita gusto asa ka pa.....
Nakangisi ang loko..
Pero ang sakit pala kapag dineny mo yong nararamdaman mo sa kanya.

Well, hindi rin naman kita gusto! Kaya nga ginagawa ko lahat ng gusto ko diba? At yong bheko na yon hindi si beatrice yon!

Kung hindi si beatrice yon, edi ibang babae?
Ang sakit ng pagkakasabi niya, hindi niya ako gusto? naiiyak ako Ang sakit naman nun. Pinigilan ko ang luha kong gusto ng pumatak ayokong ipakita sa kanya na apektado ako.

Don't worry wifey, they are just my toy!

Wifey? Wifey niya mukha niya sinasaktan niya yong feelings ko. Letcheng mokong na yon.

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at dumiretso na ako sa taas. Humiga agad ako sa kama at niyakap ko ang unan ko buti pa tong unan laging nandyan kapag umiiyak ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag iyak ang sakit sakit kase ng mga sinabi ni acezer eh.
Hindi niya ako gusto at nakikipagtxt pa siya sa mga ibang babae oo alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan never niya akong magugustuhan... naiyak tuloy ako...

Naisipan kong tawagan si ella para mapagaan man lang sana yong pakiramdam ko.

Hello ella?

He-hello bess?

Ang ingay naman dyan, nasa bar ka?

Oo bess, halika dito dali inuman tayo bess Woahh!!! Nandito yong asawa mo si acezer kainoman namin!

Hoy bess?? Toot..toot..toot...
ugh!! Pinatayan niya ako tsk.

Flashback..........

Sigurado ka ba sa gagawin mo beatrice?
Girl1

Watch me!
naglakad na ako papunta sa office ni acezer

Anong ginagawa mo dito beatrice?
-Acezer

Acezer, sinugod ako ng asawa mo wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Inaway niya ako acezer huhuhu!!;( hindi ko alam kung anong problema niya basta na lamang niya akong sinugod.

Tahan na, kakausapin ko siya pag uwi ko. Sige na umuwi kana at marami pa akong gagawin.

Ang sakit ng pagkakasampal niya sa akin acezer hindi ko alam kong bakit niya ginagawa to.. ang sama niya ang sama sama ng asawa mo! Huhuhu
Aalis na ako acezer pagsabihan mo si trixie.....
Hawak hawak ko pa rin yong pisngi ko para totoong totoo talaga ang pag arte ko.

Hoy beatrice, mala artista kong umarte ang kaibigan ko hahaha..... God job beatrice!
Girl 1

sabi ko naman sayo eh.. hahaha kawawang trixie!

End of flashback

***************
Acezer pov

Pag uwi ko sa bahay ay nadatnan kong walang tao hinahanap ko si trixie pero hindi ko siya nakita kaya tinawagan ko si tita kristelle baka nasa bahay nila. Pinuntahan ko nga si trixie sa hospital at gusto ko siyang kausapin dahil sa ginawa niya kay beatrice pero hindi ko rin siya nakausap at hinintay ko na lang siya dito sa bahay.
Nainis ako sa kanya bakit kase kelangan niya pang sugurin at awayin si beatrice sinabi ko na ngang magkaibigan na lang kami eh di niya pa rin maintindihan.
At dahil sa inis ko kay trixie pumunta na lang ako sa bar para uminom at nadatnan ko naman si ella na kaibigan ni trixie at yong mga barkada ko na always present sa bar nakisalo ako sa kanila pansin ko na may tama na sila mga adik talaga tong mga kaibigan kong to!












Marrying My Enemy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon