Chapter Six

1.9K 106 2
                                    



                     Natapos ang hapunan ng buong grupo at bumalik sila sa kwarto ni Dei. Ang Daddy at kuya ni Chard ay bumalik sa kwarto nito. BUkas na lang tatawag si Chard sa lola at kapatid nya. Ang tatay at kuya ni Dei at si Chard ang kasama nyang bumalik sa kwarto nya. Nang maiset up ang cellphone ng ama ay iniwan na sila nito para makapag pahinga. Nagpaiwan si Nico at gusto rin nyang makita sa video call ang pamangkin na si Matti. Nanginginig ang kamay ni Dei habang hinihintay sumagot ang ina sa tawag nila. Nang sumagot ang nasa kabilang linya ay di napigilan ni Dei ang luha na tumulo sa mga mata nya. 

                   " Nay?" ang bungad na bati ni Dei sa ina.

                   " Menggay?" ang sagot naman ng ina nya. 

                   Tumutulo na rin ang luha sa mga mata ng nanay nya. Nasa likod nito ang mga kapatid nya na umiiyak din sa kaligayahan.

                   " Dei dei!!" ang sabay sabay na sabi ng mga kapatin nya.

                   Napahagulgol ng iyak ang dalaga sa nakikita. Si Chard naman ay nakaupo sa tabi nya at hinihimas ang braso ng dalaga para mapatahan ito. Hindi na makapagsalita ang dalaga dahil sa kaligayahang nararamdaman nya na nakita uli ang pamilya nya. Napigil nya ang pag iyak kanina nang makita ang ama at kuya nya pero di na nya napigilan nang makita ang ina at ang iba pang kapatid. KInuha muna ni Nico ang cellphone sa kamay ni Dei dahil nanginginig na ito sa kakaiyak at para mapayapa dina nag dalaga. Yumakap ang dalaga kay Chard at sa balikat nito humagulgol ang dalaga. Nag paliwanag na si Nico sa Nanay nila na di napigilan ni Dei ang pag iyak. 

                    Hinihimas himas ni Chard ang likod ni Dei to calm her down. Napansin ni Coleen ang lalaking yakap ng kapatid nang bahagyang nahagip ni Nico ang likod ni Dei kaya tianong nya ang kuya nya.

                   " Kuya sino yun?" ang tanong ni Coleen.

                   " Sino? Si Dei yun." ang sagot ni Nico.

                   " Hindi yung kayakap ni Dei." ang sagot uli ni Coleen.

                   " Ah si Chard yun. Yung nakasama ni Dei sa isla. Dei okay ka na?" ang baling naman nito kay Dei.

                   Tumahan na si Dei pero pasinghot singhot pa rin ang dalaga. hinihimas pa rin ni Chard ang braso ng dalaga. Ngumiti ang dalaga sa binata kaya hinaplos ni Chard ang pisngi ng dalaga. Pinahid nya ang natitira pang luha sa pisngi ng dalaga. Lahat ito ay nawiwitness ni Nico. 

                  " Okay ka na? Naghihintay sila sa iyo. Miss na miss ka na nila." ang tanong ni Chard sa dalaga.

                  " Oo okay na ako. I just got emotional. I missed them so much. Kuya akina ang phone." ang sagot ng dalaga at kinuha ang cellphone sa kuya nya. 

                  Inabot ni Nico ang cellphone kay Dei at may ngiti na sa mga labi ng dalaga nang muling humarap sa ina at mga kapatid. Nagtawanan at nag kumustaha sila. Ang Nanay nya ay patuloy ang pagtulo ng luha pero masaya ito at nakita na sya. Si Chard ay nakikinig lang sa kanila at paminsan minsan ay napapangiti ang binata. Nakatitig lang sya kay Dei. Maya maya ay bumaling sa kanya ang dalaga.

                  "Nay, I would like you to meet someone." ang umpisa ni Dei pero kay Chard sya nakatingin.

                  " Sino anak?" ang tanong ni Nanay Mary Ann. Pero may hinala na sya at sa ngiti na nakikita nya ngayon sa labi ng anak ay may isa pa syang hinala.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon