Chapter Two

2.4K 121 1
                                    



                      Nagkukukwentuhan sila Daddy Ricky at si Tatay Teddy sa labas ng kubo at palakad lakad naman sa paligid si Nico. Pinagmamasdan nya ang paligid ng tinirhan ng kapatid nya ng ilang bwan. Nakita nya ang maayos na pagkakagawa ng kubo na tinitirhan ng kapatid. Ang makeshift bonfire com lutuan nila at kung ano ano pang that made him proud of his sister. Naisip nya na kung yung iba siguro nyang kapatid na babae ang natrap dito sa isla na ito malamang nabaliw na ang mga yun at namatay na. Kaya proud na proud sya kay Dei na tumagal ito ng ilang bwan na nasa maayos na kalagayan. Mabuti na lang at mahilig din sa out door ang kapatid nya. Nilingon nya ang ama at si Mr. Faulkerson na nagkukwentuhan. Nakikita nya sa mukha ng ama na nakahinga na ito ng maluwag dahil nakita na nila ang bunsong kapatid na babae. Sigurado sya na matutuwa din ang Nanay nila at mga kapatid sa balita na dala nila. Pero may isa pa syang napansin. Napansin nya ang tinginan ni Dei at ni Chard kanina. Ganun ang tinginan na nakikita nya sa Ate Nikki nya at sa Kuya John nya eh. At kay Coleen at kay Mike na boyfriend nito. Di kaya tama ang hinala ni Dean na may relasyon na sila Dei at Chard? Well seeing Chard and how he took care of his sister, there's a big chance na nainlove na ang elusive nyang kapatid. Maya maya ay nakita nyang palabas na sila Dei sa kubo kaya lumapit na sya. Napansin nya na magkahawak kamay ang dalawa. Kaya tumahimik muna sya.

                    Magkahawak ang kamay na lumabas ng kubo sila Dei at Chard. Hawak ni Chard sa isa nyang kamay ang mga dadalhin nilang remembrance ng isla. Tumingin sya kay Dei. Lumingon naman si Dei sa kanya at ngumiti ng matamis. Ngumiti din sya sa dalaga. Si Nico naman ay nagmamasid lang sa dalawa. hindi pa napapansin ng mga ama nila na lumabas na ang dalawa.

                   " Ehem! Ah Dad, Mr. Mendoza sir, Nico, may gusto po sana kaming sabihin ni Dei sa inyo." ang umpisa ni Chard. Sya na ang nauna. 

                   Lumingon ang dalawang ama sa mga anak nila. Nakangiti si Daddy Ricky at seryoso naman ang mukha ni Tatay Teddy.

                   " Ano yun Chard?" ang tanong ni Tatay Teddy.

                   Napalingon si Chard kay Dei. Napalunok sya ng laway. Bigla syang kinabahan sa tanong ng tatay ni Dei. Nginitian lang sya ng matamis ng dalaga that seems like encouraging him. Parang sinasabi ng ngiti ni Dei ' Kaya mo yan, nandito lang ako susuporatahan kita and I love you.' Napangiti na rin sya. Pag nginingitian sya ni Dei pakiramdam nya he can conquer all. kaya huminga sya ng malalim at hinarap ang kanilang mga ama.

                   " Sir, I would like you all to know na kami na po ni Dei. Girlfriend ko na po sya. And I promise that I will do everything in my power to always make her happy." ang sabi ni Chard.

                   Lalong lumapad ang ngiti ni Daddy Ricky sa narinig. tumayo ito at luamapit sa dalawa. Niyakap nya ang anak nya at pagkatapos ay niyakap nya si Dei.

                  " Sabi ko na nga ba eh. Pagkakita ko pa lang sa iyo eh. Nakita ko ng In love sa iyo ang anak ko. I've never seen him look at a girl like he looked at you. I'm happy for the both of you. And welcome to the family. Don't worry iha sasapukin ko si RJ pag pinaiyak ka nito." ang masayang sabi ni Daddy Ricky dahilan para mamula ang pisngi ng dalaga.

                 " That won't happen Dad." ang mayabang na sagot ni Chard.

                 " Thank you po Tito." ang nahihiyang pasalamat ni Dei.

                 " Wow bro congrats. Nahuli mo rin ang mailap kong kapatid. Akala ko magmamadre na yan eh sa sobrang pagkapihikan." ang pagbibiro ni Nico.

                 " Kaya nga bro eh. Buti na lang di ako pianhirapan ng husto. Saka ako yata ang pinakagwapo dito, san pa sya. Hahahaha." ang yabang naman ni Chard.

                 " Eh wala naman ibang tao dito kaya natural ikaw ang pinaka gwapo. At ikaw kuay ha kanina tomboy ako ngayon naman madre. Isusumbong talaga kita kay Tatay." ang sagot ni Dei. At natahimik sya bigla nang mapansin na tahimik lang ang tatay nya at walang expression ang mukha nito. Kaya nilapitan nya ito at naupo sa tabi nito.

                 " Tay, galit po ba kayo? Bat ang tahimik nyo?" ang tanong ni Dei sa ama.

                 Tumungin si Tatay Teddy sa anak na dalaga. Bahagyang hianawi ang buhok ng dalaga sa tenga nito at ngumiti ito.

                 " Bakit naman ako magagalit? Dahil may boyfriend ka na? Anak sa nakikita kong kislap sa mga mata mo alam ko na masaya ka. At duon ay masaya na ako. Sapat na sa akin na ligtas ka at masaya ka. Okay lang sa akin na may boyfriend ka na." ang madamdaming sabi ni Tatay Teddy kay Dei.

                Napayakap bigla si Dei sa tatay nya sa sobrang saya nya. Istrikto kasi ang tatay nya pag dating sa pakikipagrelasyon. Marami itong requirements para makapasa sa kanya. Kaya natutuwa sya na hindi ito nagalit na may boyfriend na sya at hindi usual ang events ng pagkakaroon nya.

                " Thank you po Tay." ang bulong ni Dei sa ama.

                " Pero Chard, panghahawakan ko yang pangako mo ha. Na hindi mo sasaktan ang anak ko. Dahil pag ginawa mo yun lagot ka sa akin." ang sagot ni Tatay at hinarap si Chard.

               " Yes sir! I promise sir!" ang nabubulol na sagot ni Chard. Nagulat sya nang bigla syang imikin ng tatay ni Dei.

               " Lagot ka rin sa akin!" ang sbat naman ni Nico.

               " At sa akin." si Daddy naman ang sumali.

               Napakamot na lang sa ulo si Chard at napatingin kay Dei na malapad ang ngiti sa labi.

               " And you better start calling me Tito Teddy. Welcome to the family iho." ang nakangiting sabi na ni Tatay ay nag shake hands sila ni Chard.

               " Thank you po Tito." ang sagot ni Chard.

               Ang saya saya ni Dei habang pinanonood ang ama at ang lalaking mahal nya na maghand shake. Sobrang saya nya dahil hindi nya akalain na matatanggap agad ng ama si Chard.

               " Okay let's go. Tara na baka abutan tayo ng gabi s ere. Alam kong you're both dying to take a proper bath. At Dei si Nanay mo for sure matutuwa ng husto yun." ang sabi ni Tatay Teddy.

               " Let's go love" ang yaya na rin ni Chard. 

               Inakbayan nya ang girlfriend at muli nilang nilingon ang kubo na sinilungan nila ng ilang bwan. Ang saksi sa mga pinagdaanan nila sa isla na yun. Naglakad na sila palapit s achopper na sasakyan nila. Inistart na ng piloto ang makina para makaalis sila agad. Nang nasa pinto na sila ay muli nilang nilingon ang isla at nanagako sa sarili nila na babalik sila sa isla na ito. Sa tamang panahon.


***********************************************************************************************


Hi guys, ayan pabalik na sila... excited na ba kayo??? ako excited na. What will they face when they get back?? What or who would welcome them?

please vote and comment ha. thank you.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon