Chapter Ninety-eight

876 60 12
                                    


     Habang nagmamartsa papasok ng simbahan si Dei ay nag iiyakan din ang mga taong close sa kanila ni Chard dahil alam ng mga ito ang magandang kwento ng pag ibig ng dalawa. Kung paanong ng dahil sa isang aksidente ay pinagtagpo sila ng tadhana at hanggang sa nauwi sa pag iibigan ang pagtatagpo nila na yun. Kung paanong tinalikuran ni Chard ang nakaraan nya para kay Dei at kung paanong natutunan ni Dei na muling magmahal. Masayang masaya ang mga kaibigan at pamilya ng dalawa dahil finally kinakasal na ang dalawa.

     Nang makapwesto na sila Dei at Chard sa harap ng altar ay di napigilan ng pari na mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa. Kitang kita nya kasi ang pagmamahal sa dalawang nasa harapan nya kaya masaya din sya.

    Di maalis ni Chard ang mga mata nya kay Dei at di rin nya mabitiwan ang kamay nito. Di nila namalayan ang misa hanggang sa kinailangan nilang tumayong dalawa para sa pagpapalitan nila ng singsing. Kinalabit pa RD ang balikat ni Chard para makuha ang attention nito na ikinatawa ng mga bisita nila. Tumayo ang dalawa at nagbigayan ng singsing. Hanggang sa dumating na sa punto ng pagbibigayan nila ng vows. Napagkasunduan nila na sila ang gagawa ng sarili nilang vows.

     " Handa na ba kayong ibigay ang pangako nyo sa isa't isa?" tanong pari sa kanila.

     " Yes Father." sabay na sagot ng dalawa.

     " Okay Richard mauna." sabi ng pari.

     May dinukot si Chard mula sa likod ng pantalon nya. Isang papel yun na sa tingin ni Dei ay tissue paper. Napangiti sya.

     " Sorry sa tissue ko lang naisulat kasi kumakain ako nun nung maisip ko yung gusto kong sabihin sa iyo. So here it goes." sabi ni Chard. 

     Tumikhim muna ang binata at nag umpisa ng basahin ang nakasulat sa tissue.

     " Before I met you I never planned anything for myself. Everything was for my family. Sinabi ko naman sa iyo na psaway ako bago kita nakilala. You were not my type. And you know it. When I first saw you, you sparked a curiosity at nang hinayang ako. Naisip ko sayang si ko na sya uli makikita. But destiny had different plans for me, for us. Nakita kita uli and here we are. And I was so thankful to God that he gave me you. I was so happy na nakilala kita. Love you know I always say this to you, I prayed for you. And I may not be the perfect husband, I may not be the perfect partner, we may have ups and downs, and I'll be expecting those, maging sumpungin man ako, tumanda man tayo at kumulubot. I will promise you this in front of everyone and in front of God. That I will never hurt you, I will never make you cry, your tears will only be tears of joy and I will love you in this life and after. Maging mataba ka man dahil sa panganganak ng isang dosena nating anak. I will still love you. Dahil pinagpray kita. Nakakahiya naman kay Lord kung sasayangin ko yung kasagutan nya sa prayer ko diba. I love you." sabi ni Chard.

     Di napigilan ni Dei na tumulo ang mga luha nya sa sinabi ni Chard. Pero may ngiti sa mga labi nito.

     Si Dei naman ang magbibigay ng message nya kaya kinuha nya ng pinagsulatan nya sa loob ng maliit nyang wallet na nakakabit sa bouquet. Natawa si Chard nang makita ang inilalabas nya mula sa maliit na bag na yun. Nagulat din ang mga bisita dahil ang inilabas nya ay tissue na kagaya ng kay Chard.

      " Sorry ito lang yung malapit na papel nung maisip ko yung sasabihin ko sa iyo." sabi ni Dei.

      Di naman maalis ang ngiti ni Chard sa mukha nya.

     " This past week I had doubts. Di sa hindi kita mahal, I love you so much that I'm willing to do anything for you. Doubt with myself, am I worthy of you. Am I the right person for you. Will I make you happy. Those are the things that run through my mind. Then I realize, yes I am. You have showed me in so many ways that I am. Why should I doubt myself na ikaw nga lakas ng bilib mo sa akin. And I know na kung kulang ako pupunuin mo. I know that you will always be with me no matter what. Kaya nahiya ako. Nahiya ako na nagduda pa ako sa sarili ko na I should have known that you will never see me lacking. That's how you showed me how much you loved me. I will never be the perfect one for you but I know that you don't want perfect. Sabi mo nga kaya mo ako mahal kasi siraulo ako. Sabi mo nga again and again that I am your prayer. And you will not waste your answered prayer. And for me you are my salvation. Ikaw ang nagligtas sa akin mula sa mababang tingin ko sa sarili ko. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano paniwalaan ko ang sarili ko. Ikaw ang naging sadigan ko nung mga panahon na di ko akalain na kakayanin ko lahat. You made me realize that I am more that the person that I thought I am. We both know that this relationship will never be perfect and who likes perfect anyway right? But Mahal I will promise you this. I will be your resting place. I will be your best friend, and I will always listen to all your stories. And I will try to be the best adventure partner that you will have. I will not be the perfect wife but I will try to be the best wife for you. And as you said, sayang naman yung prayer mo diba? And I love you too." ang sabi naman ni Dei.

     Si Chard naman ang di mapigil ang luha sa mga mata nya. Di na nya napigil kaya niyakap nya si Dei ng mahigpit.

     " Congratulations Mr. and Mrs. Faulkerson. Richard you may now kiss your wife." ang masayang sabi ng pari.

     Naghiwalay ang dalawa mula sa pagkakyakap. Hinawakan ni Chard ang dulo ng belo ni Dei at unti unti itong itinaas. Sandaling nagtitigan ang dalawa at dahan dahang inilapit ni Chard ang labi nya kay Dei. Punong puno ng pagmamahal na naglapat ang kanilang mga labi. Nagpalakpakan naman ang lahat ng nasa simbahan pati na si Father ay nakikipalakpak na din. Pagkatapos ay naghiwalay na ang labi nila. Di pa rin tumitigil sa pagpapalakpakan ang mga tao. At masayang hinarap sila ng bagong kasal. At mayabang na itinaas ni Cahrd ang kamay nilang dalawa na may singsing na ikinatawa ng lahat.


********************************************************************************************


Hi guys. Malapit na tayong matapos. Kailangan ko ng tapusin itong kwento nila Dei at Chard dahil may bagong akong gustong simulang kwento. Iniisip ko kung dadaanan ko pa ang reception o diretso na tayo sa honeymoon? ano sa tingin nyo?

Dont forget to comment and vote. sa mga di pa nagpafollow sa akin pafollow naman po... Thank you

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon