Chapter Sixty-four

1.8K 97 3
                                    

Maghapong nagliwaliw ang dalawa. Kung saan saan sila nakarating at kung ano ano ang ginawa nila. Para silang honeymooners. Nang mag gabi na ay bumalik na sila sa cottage nila para magbihis para sa dinner. Naabutan nila na kumpleto ang mga kasama nila.

May inabot si Crissia kay Dei. Isang sobre ito na galing kay Miggy. Tahimik na kunuha nya ang sobre at umupo sa sofa. Curious naman na nakatingin lang sina Pau, John at Crissia. Nasa tabi nya rin si Chard. Pagbukas nya ay may nakalagay na dalawang roundtrip ticket papuntang Maldives para sa kanila ni Chard. Open ticket ito kaya kahit kelan pwede nila itong gamitin. May kasama ding note.

Dei and Chard,

I wish you all the happiness. This is my way of saying sorry, thank you and goodbye. You can use it anytime you like. Enjoy your future vacation here.

Always,
Miggy

Kasama ng ticket ay accomodatin for two wala ring nakalagay kung ilang araw. Nagtinginan sina Dei at Chard.

" Huy anong sabi sa note?" usisa ni Crissia sa dalawa.

" Ha? Open ticket daw bigay nya gamitin namin kung kelan namin gusto." di pa rin makapaniwalang sabi ni Dei.

" Wow grabe! Anong neron at binigyan kayo ng ganyan ni Sir Miggy?" takang tanong ni Paul.

" Ha?" di makasagot si Dei.

Tumingin sya kay Crissia na para bang humihingi ng saklolo. Naintindihan naman agad ni Crissia.

" Wag nang maraming tanong. Baka natuwa sa sweetness nilang dalawa kaya binigyan ng ganung gift. Kaya next time na may project tayo with him make sure na kasama mo jowa mo. Malay mo makakuha ka rin ng kagaya ng nakuha nila Dei." sabi ni Crissia.

Nakahinga ng maluwag si Dei. She mouthed thank you and Crissia just slightly nodded her head. Di pa rin makapaniwala si Dei sa ibinigay ni Miggy. Napansin naman ni Chard at kinuha ng binata ang kamay ni Dei at piniga ito ng bahagya.

" Nagdinner na ba kayo?"Pag iiba ni Chard sa usapan.

" Hinihintay nga namin kayo para sabay sabay tayo." sabi ni John.

" Ah ganun ba? Magbibihis lang kami. Wait lang. Tara mahal magbihis na tayo. Saglit lang kami." sabi ni Dei at tumayo na.

Agad silang pumasok sa kwarto at nagbihis. Di naman nagtagal ay lumabas din sila agad.

" Let's go." sabi ni Chard sa tatlo.

Tumayo naman agad ang mga ito at lumabas na sila ng cottage. Nang marating nila ang dinning area ay agad na nag libot ng paningin nya si Chard. Hinahanap nya sj Miggy para pasalamatan. Pero wala ang kababata. Nakita nya si Mama Ten.

" Love tatanungin ko lang si Mama Ten kung nasan si Miggy ha." paalam ni Chard kay Dei.

" Guys paki orderan na lang kami. Mahal sama ako." sabi ni Dei.

Tumango lang si Chard at nilapitan na nila si Mama Ten.

" Hi Ma, Ma nakita mo ba si Miggy?" tanong ni Chard.

" Si Sir Miggy? Kanina pa umalis." sagot ni Mama Ten.

" Ah ganun ba? What time ang balik nya?" tanong uli ni Chard.

" Hindi na babalik yun. Umuwi na ng Pilipinas yun. Nagulat nga kami akala namin sasabay sya sa atin eh. Kasi yun ang sabi nya. Tapos kanina biglang nagsabi na uuwi na daw sya. Baka may tawag galing Manila." paliwanag ni Mama Ten.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon