Chapter Sixty-two

1.9K 104 4
                                    


Hinihintay na sila ni Crissia nang marating nila ang cottage. Nakapamaywang ito nang datnan nila.

" Grabe ha ang tagal nyo ha. Nagdate pa ata kayo eh." sabi ng nakasimagot na si Crissia.

" Hinintay pa kasi yung paglubog ng araw para sa shots ni Dei." paliwanag ni Chard.

" Magbibihis lang muna kami then we'll go. You better change too mag siswimming kami. Join us para masaya." sabi ni Dei.

" Sige. Sandali lang. Wag na kayong magtagal ha. Baka kung ano pa ang gawin nyong dalawa." sabi ni Crissia sa dalawa.

" Hindi po manang." natatawang sagot ni Chard.

Pagpasok nila ay agad niyakap ni Chard si Dei.

" Huy ano ba magbihis na tayo at mamaya ay sisigaw nanaman yun si Crissia." sabi ni Dei.

" Payakap lang saglit. Namiss kitang yakapain maghapon eh." sagot naman ni Chard.

Humarap si Dei kay Chard at gumanti ng yakap dito. Niyakap sya ng mahigpit ni Chard. Namiss nya rin ang yakap ng binata kaya napabuntong hininga ang dalaga.

Naghiwalay din sila after a few minutes at nag kanya kanya ng bihis ng damit panligo. Nang matapos silang magbihis ay lumabasa na sila. Sakto ring labas ni Crissia sa kwarto nila. Sina Paul at John ay nasa sala na at nakaupo. Agad silang lumingon pag labas nila Dei sa kwarto nila.

" Magsiswimming daw kayo?" tanong ni Paul sa dalawa.

" Oo gusto nyong sumama?" tanong ni Chard sa dalawa.

" Di pwede eh. Maaga kami bukas. Enjoy na lang kayo." sagot ni John.

" Nagdinner na ba kayo?" tanong ni Dei sa dalawa.

" Oo dun kami galing kanina. Di na namin kayo naantay kasi maaga pa kami." sagot ni Paul.

" Okay sige. Ano girls let's go? Gutom na ako eh." sabi ni Chard.

" Let's go. Ako din gutom na." sabi naman ni Crissia.

" Tara na." sabi naman ni Dei.

" Alis na kami." paalam ng tatlo sa dalawa.

Kumaway lang ang dalawa sa kanilang tatlo. Lumakad na silang tatlo papunta sa dinning area. Nang makarating sila dun ay agad silang kumuha ng mesa sa may bandang dulo. Lumapit muna sila sa buffet table at kumuha ng makakain at umupo na.

" Kain muna tayo ha mamaya na ang Q and A." sabi ni Chard kay Crissia.

Tumango lang ang dalaga at kumain na. Busy sila sa pag kain, walang imikan. Naunang natapos si Dei kumain. Tumayo sya para kumuha ng juice nang maabutan nya si Miggy sa buffet table.

" Dei. Kanina ka pa? Sinong kasama mo?" tanong ni Miggy kay Dei.

" Miggy, ahhh si Chard at si Crissia. Oo kanina pa kami. Kakatapos ko lang kumain. Nasa table pa sila Chard at di pa tapos kumain." sagot ni Dei.

Sa table naman nila Dei nakita ni Chard ang paglapit at pagkausap ni Miggy kay Dei. Napakunot noo ang binata. Pinanood muna nya ang nangyayari.

" Dei can I talk to you?" tanong ni Miggy kay Dei.

" Aren't we talking right now?" tanong ni Dei.

" No, what I mean was talk. may mga gusto akong sabihin sa iyo kaya gusto kitang makausap. Yung tayo lang dalawa." sabi ni Miggy.

" What is there to talk about?" sabi ni Dei.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon