Chapter Seventy-four

1.7K 94 18
                                    



          Dalawang linggo nanaman ang lumipas na hindi nagkikita sina Dei at Chard. Sa sobrang busy nila ay hindi na nilang magawang makapag usap sa phone ng madalas. Kung minsan nga ay text na lang di gaya nung nakaraan na nakakapag video call pa sila. Naging mas lalong busy si Chard dahil nagkasabay sabay ang trabaho nya at malapit ng magbukas ang restaurant nya at kailangan nya ring lumabas ng bansa para sa trabaho.  Kaya wala syang time sa sarili at kay Dei. At si Dei naman ay naging busy din para sa kasal ni Coleen dahil sya ang magiging Maid of Honor.

        Nang gabing yun ay dapat magkikita sina Dei at Chard. Susunduin sya ng binata sa opisina nila pero last minute ay nag cancel ito para daw sa isang emergency meeting. Paalis ang binata kinabukasan papuntang Australia at yun lang ang tanging pagkakataon nilang magkita.

        ' Love sorry talaga, di ko lang pwedeng hindi puntahan itong meeting na ito eh.' Sabi ni Chard sa phone.

        ' Pero mahal kahit saglit hindi ba talaga pwede? I miss you so much tapos one week ka pa sa Australia.' Hinaing ni Dei.

        ' Sige ganito na lang, dadaan na lang ako dyan mamaya. Dyan ako matutulog. Tapos from there na ako manggagaling papuntang airport.' solusyon ni Chard.

        ' Have you packed your things na ba?' Tanong ni Dei.

        ' Shit! Wala pa pala. Sobra kasing busy Love eh wala na akong time mag empake.' Sagot ni Chard.

        ' Why not ako na lang ang pumunta sa apartment mo to help you pack tapos dun na lang ako matutulog?' Suggestion ni Dei.

        ' That would be even great. We can hit two birds with one stone.' Masayang sabi ni Chard.

        ' Okay, what time will you be home?' Tanong ni Dei.

        ' Hindi ko alam Love. I'll pick you up na lang from your place para you can take my car tomorrow para paguwi ko masusundo mo ako sa airport.' Masayang sabi ni Chard.

       ' Okay for me.' Sagot ni Dei na masaya na rin.

       '. So its settled, I'll pick you up later.' Sabi ni Chard

       ' Yes and I'll be waiting for you.' Sagot ni Dei.

       ' Love kumain ka na ng dinner ha. Baka late na kita masundo ha. Tapos madaling araw ang alis ko.' Ang bilin ni Chard.

       ' Kahit one hour lang. gusto lang kitang mayakap at mahalikan bago ka umalis.' Sagot naman ni Dei.

       ' One hour is not enough for me Love.' Sagot naman ni Chard.

      ' For me too.' Malungkot na sagot ni Dei.

       ' Pano Love aalis na daw kami. I'll see you later ha. Be prepared.' Pilyong sabi ni Chard.

       ' I'm always preprared.' Maiksing pero maharot na sagot ni Dei.

       ' Shit! Sige na bye na bago ko indyanin itong mga boss ko at pumunta na ako dyan. I love you.' Natatawang sabi ni Chard.

       ' Hihihihi sige na. I love you too.' Natatawang sabi ni Dei at inend na nya ang call.

       Miss na miss na nya si Chard at kung hindi sila magkikita ngayon ay magiging three weeks silang di magkikita dahil one week ito sa ibang bansa. Kaya kailangan nyang makita si Chard kahit sandali lang. kahit mag cuddle lang sila sapat na sa kanya. Tiningnan ni Dei ang relo at nakitang papagabi palang kaya inayos na nya ang mga gamit nya sa table para makauwi na. Nasa office pa sya dahil ang usapan nila ni Chard ay susunduin sya nito pero di natuloy dahil sa biglaang meeting. Maya maya ay nag ring ang phone ni Dei. Napangiti sya nang makitang ang kaibigang si Janeeva ang tumatawag.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon