Chapter Seven

2.1K 112 1
                                    



                      Natapos ang tawag ni Dei sa Nanay nya at parang wala sa sarili na inilapag nya ang cell phone sa kama at tumayo. She went out to the balcony na para bang wala sa sarili. Ang balcony ng hotel room nya ay nakaharap sa swimming pool ng hotel. May recliner doon ay umupo doon ang dalaga at tumingin sa malayo. Pinagmamasdan lang sya nina Chard at Nico na parehong walang imik. Natahimik din ang palabirong si Nico sa nakitang itsura ng kapatid. Kahit sya man ay nagulat sa naging reaction ng kanilang Nanay. Sa ama nila ay ganun ang reaction na ineexpect pero parang nabaligtad ata sitwasyon. Wala man syang magawa sa sitwasyon ay nag aalala pa rin sya para sa kapatid. Kaya tumayo sya at imbes na si Dei ang nilapitan ay si Chard ang nilapitan nya.

                      " Chard, iiwan ko na muna kayo ha. Ikaw na ang bahalang kumausap kay Dei. Ussually kasi sa ganitong sitwasyon ang mga ate nya ang nakakausap nya eh." ang sabi ni Nico kay Chard.

                      " Sige Nico, ako na ang bahala kay Dei. She shouldn't worry. I'll prove to your family na worth it ako. That I love her so much." ang madamdaming sagot ni Chard.

                      " I know pare. I can see that. Don't worry pare Nanay is just probably testing you. Oh pano alis na ako, ikaw na bahala dito." ang sabi ni Nico.

                     " Sige pare salamat sa tiwala." ang sagot ni Chard. 

                     Ihinatid ni Chard si Nico sa may pintuan at sinarado na ito ng binata. Pumasok na sya uli. Nasa balcony pa rin si Dei. Sandaling pinagmasdan muna ng binata ang dalaga.  Dinampot nya ang comforter mula sa kama dahil malamig sa labas. Lumabas sya at isinara nya ang pinto ng balcony para di lumabas ang lamig ng aircon para pagpasok ni Dei. Inilagay nya sa balikat ni Dei ang comforter at naupo sa tabi nito sa recliner. Inakbayan nya ang dalaga at isinandal nito ang ulo sa balikat nya.

                      " Okay ka lang?" ang panimulang tanong ni Chard sa dalaga.

                      " No." Dei answered with a sigh.

                      " Halika nga dito." ang sagot naman ni Chard. 

                      Sumandal ang binata sa recliner at inabot ang kamay nya kay Dei. Pinaupo nya sa pagitan ng mga hita nya si Dei at pinasandal sa dibdib nya. Inayos nya ang comforter na nakatakip sa kanilang dalawa dahil lumalamig na lalo ang gabi. Niyakap nya ang dalaga mula sa likod habang ang baba nya ay naka tuntong sa ulo ng dalaga. Bumuntung hininga uli si Dei Kaya inabot nya ang kamay ng dalaga at hinawakan ito habang hawak hawak nya.

                      " Wag ka nang malungkot. Baka nagulat lang sya. Ikaw rin siguro magugulat na naging tayo agad kahit na sa plane lang tayo unang nagkita." ang sabi ni Chard kay Dei.

                      " Its not that eh. I was shocked with her reaction. I was ready for Tatay na magkaroon ng violent reaction but not Nanay. Ussually she doesn't object she'll just remind me to be careful. That's why I was not hesitant to tell her. Pero si Tatay ang laging 'NO' ang sagot. Sa lahat ng nagtatry na mangligaw sa amin." ang paliwanag ng dalaga.

                     " No? As in NO? Eh bakit si Jake? Yumakap pa sa iyo at walang reaction ang Tatay mo?" ang tanong ng binata.

                     " Jake is different." ang sagot ng dalaga.

                     " How different? Care to elaborate?" ang muling tanong nya na nakakunot ang noo.

                     " Well, Jake is... Jake is my college friend. He has been courting me since freshman year. And he has been visiting our house since then. " ang parang alanganing paliwanag ni Dei. Naramdaman ni Chard na parang alanganin si Dei kaya di nya napigilan ang magtanong pa.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon