Chapter One

3.4K 124 1
                                    


       

                         Natatanaw na nila ang helicopter na parating. Bigla parang may naramdaman si Chard sa kanyang dibdib. Parang ayaw na nyang umalis sa islang ito dahil hindi nya alam kung ano ang kakaharapin nya pagbalik nila sa city na pinanggalingan nila. Kaya ibinaling nya ang atensyon sa dalaga. 

                        " You know I love you right?" ang tanong nya kay Dei.

                        Humarap ang dalaga sa kanya at humawak sa mga pisngi nya. Ngumiti ng matamis ang dalaga at tumitig sa mga mata nito. Biglang tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga.

                        " Yes Chard I know you love me. And I love you too." ang madamdaming sagot ng dalaga.

                        Idinikit ni Chard ang noo nya sa noo ng dalaga at tinitigan ito sa mga mata. Nagsisikip ang dibdib nya dahil sa tindi ng nararamdaman.

                        " Natatakot ako Dei." ang honest na sabi ng binata.

                        " Me too." ang sagot naman ng dalaga.

                        Nagyakap ang dalawa ng mahigpit. MAs malapit na ang tunog ng helicopter at lumalakas na ang hangin sa paligid nila. Sign na malapit na ang helicopter na magiging kaligtasan nila. Naghiwalay sa pagkakayakap at nagtinginan uli.

                       " Promise me nothing will change. Promise me everything will stay the same." ang malakas na sabi ni Dei kay Chard dahil malakas na ang ingay ng helicopter at naghahanda na itong lumapag kaya kailangan nyang lakasan ang boses nya.

                      " Eveything will be different, coz I will love you more when we're home. I'll show you more how much I love you." ang sagot naman ni Chard. Napangiti ng husto si Dei.

                     " Promise?" ang tanong uli ni Dei.

                     " Promise." at nag pinky swear silang dalawa.

                     Nilingon na nila ang helicopter na pababa at by this time ay natatanaw na nila kung sino ang mga sakay nito. Biglang napatili si Dei nang makilala ang mga taong sakay ng chopper. Nagulat din si Chard sa kanyang nakikita. Naglulundag si Dei habang kumakaway sa mga nakasakay sa chopper. Gumanti din ng kaway ang mga nasa loob sa dalawa. Parang baliw ang dalawa na tumatawa at umiiyak sa sobrang saya nila.

                     " Chard ang tatay at kuya ko! Nakita na nila tayo! Nakita na nila tayo! Makakauwi na tayo!" parang nun lang nag sink in kay Dei na makakuwi na sila. Niyugyog nya nag braso ni Chard sa sobrang saya nya. 

                     " Oo Dei kasama nila ang Daddy ko! This is it makakauwi na talaga tayo." ang sagot naman ni Chard at umakbay sya kay Dei.

                     Nakalapag na ang chopper na susundo sa kanila hinihintay na lang ila bumaba ang mga sakay nito. Halo halo ang nararamdaman ng dalawa. Excitement, happiness, nervousness at takot. Pero alam nila na magkatulong silang haharap sa kahit ano mang problema ang pagdaanan nila. Unti unti ng tumigil ang ikot ng elisi ng chopper. Di pa man tuluyang tumitigil ito ay bumaba na ang tatay ni Dei at ang daddy ni Chard. Sinalubong nila ng takbo ang kani kanilang mga ama. 

                    " Tay!!!" ang sigaw ni Dei.

                    " Dei!!!" ang sigaw naman ng taya nya at tumakbo na ngang palapit ito.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon