Chapter Ninety-seven

751 59 9
                                    



   Lumabas na ng suite room sina Dei at ang parents nya. nauuna sa kanila ang videographer at photographer para lahay ng kilos ni Dei ay captured. Yun ang gusto ni Chard dahil gusto nya lahat ng details ng kasal nila ay recorded dahil gusto nyang ipapanood ito sa mga magiging anak nila ni Dei.

    Sa labas ng hotel ay naghihintay ang isang simpleng puting kotse na puno ng mga magagandang bulaklak. Not the ordinary type na sa harap lang ang bulaklak dahil di lang labas nito ang decorated ng flowers kundi maging ang sa loob. Sumakay na sila sa kotse. Nauna na ang entourage sa simbahan maliban kina Dei.

    Sa simbahan naman ay busy ang coordinator sa pag aayos ng pila ng entourage. Nakatayo sa isang gilid si Chard in his dazzing tuxedo. Napakagwapo ng binata sa off white na suot nya. Bagong gupit ito at parang ang bango bango which he is. Halata mo sa mukha g binata ang excitement at nerbyos. Panay ang tingin nya sa relo nya to check kung anong oras na. Kumpleto na ang entourage pati sa pamilya ni Dei maliban dito at sa mga magulang nito. Pati ang mga ninong at ninang ay kumpleto na rin. 

    " Iho stop looking at your watch. Ang sabi ni John they're on their way. Naiistress ako sa iyo eh." ang sabi ni Daddy Ricky.

    " Excited lang ako makita si Dei Dad. At gusto kong matapos ito para masabi kong misis ko na sya." sabi ni Chard.

     " Sus sobra ka naman excited. Wag kang mag alala parating na yun." sabi naman ni Daddy Ricky.

     " Bro, okay na ang lahat. Sabi ni John on the way na daw sila. Pumunta ka na sa pwesto mo para pagdating nila magstart na tayo." sabi ni Je na isa sa mga abay sa kasal nila.

     " Sige brad. Dad let's go na." sabi ni Chard.

     Fifteen minutes na silang nakaayos at nakapila pero wala pa rin sina Dei. Dina mapakali si Chard.

     " Dad nasan na sila? Fifteen minutes na tayong naghihintay sa kanila ah." sabi ni Chard.

     " Baka natraffic lang. Relax ka lang. Normal yan na late ang bride." sagot ng daddy nya.

     " Baka kung ano na ang nangyari kaya wala pa sila." anxious na sabi ni Chard.

     " Relax ka lang. Wait tatanungin ko si Je kung ano ng balita." sabi ni Daddy Ricky.

     " Sige po." sagot ni Chard.

     " Je, anong balita bakit wala pa sila? Naiinip na yung kaibigan mo. Ilang minuto nga lang naman ang layo nito mula sa hotel." tanong ni Daddy Ricky kay Je.

     " Yun nga po Tito di sumasagot si John eh. Kanina ko pa po tinatawagan pati ni Nikki. Wala din daw cellphone dala ang parents ni Dei kaya si John lang po ang contact natin." sabi naman ni Je.

     " Naku sige. Wala bang pwedeng bumalik duon at icheck kung anong ngyari sa kanila?" sabi ni Daddy Ricky.

      " Sige po Tito I'll ask." sagot ni Je.

      Samantalang sa kotse nila Dei. Biglang huminto ito sa pag andar.

     " Naku Mam sorry po, parang nasiraan po tayo." sabi ng driver.

     " Ano!? Kuya naman bakit ngayon pa?" sabi naman ni Dei.

     " Di mo ba chinek yung makina?" tanong ni Tatay Teddy.

     " Okay naman po ito kanina Sir." sabi ng driver.

     Huminto din sa tabi nila ang motor ni John.

     " Anong nangyari Tay?" tanong ni John.

    " Nasiraan daw tayo. Tumawag ka nga sa kanila, magpasundo na lang tayo." sabi ni Tatay Teddy.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon