Chapter Eight

1.9K 107 1
                                    



                        " NICOMAINE DEI MENDOZA!!!" 

                       Biglang napabalikwas ng bangon sina Dei at Chard mula sa reclining chair. Nagulat sila sa sigaw na gumising sa kanila. Sigaw na nanggaling sa ama ng dalaga. NApatayo sila pareho. Galit ang mukha ng Tatay ni Dei. Naabutan sila nitong natutulog s recliner. Nakahiga si Dei sa dibdib ni Chard at nakayakap ang binata sa kanya habang nakabalot sila ng comforter.

                       " Ano sa palagay nyo ang ginagawa nyo?" ang tanong ni Tatay Teddy sa dalawa.

                       " AAAhhh Tay nakatulog siguro kami kagabi pagkatapos kong makausap si Nanay. Napaiyak po kasi ako sa reaction nya kay Chard. Then we talked for a while. We didn't realize na nakatulog na po pala kami." ang paliwanag ni Dei sa ama.

                       " Opo sir. Wala po kaming ginawang masama. Di po namin namalayan na nakatulog po kami dito. Di ko naman po intention na makatulog dito. Pinakalma ko lang po si Dei. Pasensya na po." ang sabi naman ni Chard.

                      " Tay pabayaan nyo na yung dalawa. Natulog lang naman sila eh. At saka siguradong napagod sila kahapon dahil sa mga nangyari kaya di na nila namalayan na nakatulog sila. At saka kailangan na nating magmadali. Di na makapaghintay si Nanay." ang singit naman ni Nico.

                      " Sige palalagpasin ko ito. Nakwento na nga sa akin ni Nico ang reaction ng Nanay mo. Okay ka lang ba?" ang kumusta nito sa anak.

                     " Yes po Tay. Pinaliwanag na sa akin ni Chard na baka nagulat lang si Nanay kaya ganun ang reaction nya. At sabi rin ni Chard that he will try his best para magustuhan sya ni Nanay. Kaya okay na ko Tay." ang nakangiti namang sagot ni Dei.

                     " Buti naman. Kakausapin ko na rin ang nanay mo tungkol dun. Sige na mag asikaso na kayo at mag almusal. Pagkakain ay uuwi na tayo. Chard ang daddy at kuya mo ay kanina ka pa hinahanap." ang sabi naman uli ni Tatay Teddy.

                    " Ah ganun po ba sir? Sige po pupuntahan ko muna sila. Dei, Puntahan ko muna sila Daddy ha. Kumain ka ng marami ha. Susunduin kita dito ha, hintayin mo ako ha." ang sabi ni Chard kay Dei habang nakangiti ng matamis sa dalaga.

                    " Sige dadamihan ko ang kain ko pero wag mo na akong sunduin magkita na lang tayo sa baba mamaya. Call your grandma at your sister. They're probably excited to hear from you. Kagabi ka pa nila hinihintay. Okay lang ako, sige na sila naman ang intindihin mo." ang nakangiti ring sabi ng dalaga.

                   " Okay sige just make sure na kakain ka ng maayos ha. Di kita mababantayan." ang sabi uli ng binata.

                   " Opo sir!" ang sagot ng dalaga sabay saludo.

                   Sa exchange na yun ay nanonood lang ang tatay at kuya nya. Parang wala silang kasama. Parang sila lang ang tao. Napapangiti si Tatay Teddy. Si Nico naman ay piang mamasdan ang Tatay nya. Natutuwa sya sa reaction nito sa dalawa.

                  " Sige po sir alis po muna ako. Puntahan ko po muna sila Daddy." ang paalam ni Chard kay Tatay Teddy.

                  " Sige iho. See you later." ang sagot naman nito.

                  Lumabas na ng kwarto si Chard at dumaan muna sa kwarto nya para maligo. Binalingan naman ni Tatay Teddy si Dei.

                  " Kumain ka na Dei at maligo iiwan ka muna namin ng kuya mo." ang sabi nito kay Dei.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon