Chapter Fifty-eight

1.6K 97 11
                                    


Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ni Dei nang batiin at kausapin ni Chard si Miggy. At parang hihimatayin sya nang humarap ito sa kanya at ipakilala ni Chard. Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay si Miggy pa ang naging kababata ni Chard? Bakit sa dinami dami pa ng tao sa mundo ay si Miggy pa ang isa sa mga boss nila. Matagal na nyang hindi nakikita ang binata.

" Talaga love? You know each other? Paano?" nagtatakang tanong ni Chard kay Dei.

Para nang nagising sa isang panaginip si Dei na dahan dahang tumingin kay Chard. Pagkatapos ay kay Miggy. Pagkatapos nun ay parang biglang nagdilim ang paningin ng dalaga at nahimatay ito. Agad naman syangsinalo ni Chard at si Miggy din ay biglang napalapit para saluhin din sya pero naunahan sya ni Chard.

" Dei? Dei. Love?" ang natatarantang pagkausap ni Chard kay Dei na sinabayan nya ng mahinang pagtapik sa pisngi ng dalaga. Nagsilapit naman sina Crissia, Paul at John sa kanila. Ganun din sina Nay Carl at Mama Ten. Lahat sila ay nag alalang alala sila kay Dei. Maya maya naman ay nagkamalay na si Dei. Unti unting nagmulat ng mata si Dei.

" Love how are you? What happened?"tanong ni Chard sa dalaga.
" I'll tell you later. Can we go back to our cottage na?"sabi ni Dei.

" Sure sure. Kaya mo na ba?" paniniguro ni Chard.

" Oo kaya ko na." sagot ni Dei.

" Nay Carl balik na lang muna kami sa cottage. Pare maiwan ka muna namin ha." paalam ni Chard.

" Sige pare don't worry about us. Asikasuhin mo muna si Dei. You go and take a rest first. Carl have someone bring foods for the in ther cottage." ang sabi ni Miggy.

" Thank you. Alis na kami." paalam ni Chard.

Tumayo na si Chard at inalalayan si Dei na tumayo. Hinawakan nya ang dalaga sa baywang at agad namang humilig ito sa balikat nya. Hinabol naman sila ng tingin ni Miggy. May lungkot sa mga mata nito.

" Matagal na ba sila?" tamong ni Miggy kay Nay Carl.

" Ang alam ko po sir mag iisang taon na sila." sagot naman nito.

" Matagal na pala." bulong ni Miggy sa sarili pero narinig ni Nay Carl.

" Opo sir. At si Dei ang unang girlfriend na ipinakilala ni Chard sa amin. Napaka playboy nyang bata na yan noon bago nya nakilala si Dei. Halos araw araw ibang babae ang kasama." pangtsitsismis ni Nay Carl kay Chard.

" Ah ganun ba? Thanks for the info." wala sa sariling sabi ni Miggy.

Nakarating naman sa cottage nila sina Dei at Chard. Agad na pumasok sila sa kwarto nila. Inalalayan ni Chard na makahiga si Dei. Inalis nya ang sandals na suot ng dalaga.

" Gusto mo bang magbihis muna ng pantulog?" tanong ni Chard.

" Can you sit beside me and hold my hand? I'll explain to you kung bakit ako hinimatay kanina." sabi ni Dei.

Agad namang umupo si Chard sa harapan ni Fei at hinawakan ang kamay nito. Dinala nya sa labi nya ang kamay ng dalaga at hinalikan ito. Huminga muna ng malalim si Dei bago sya nagsalita.

" Miggy was my ex." sabi ni Dei.

Di nakapagsalita si Chard sa marinig. Si Miggy ang first boyfriend ni Dei na natagalan bago nalimutan ni Dei. Si Miggy ang dahilan kung bakit natagalan bago nakamove on si Dei. Si Miggy rin ang dahilan kung bakit natagalan bago natutong magmahal si Dei.

" Huy umimik ka naman dyan. Say something." sabi ni Dei na bahagyang pinisil ang kamay nito na nakahawal sa kamay nya.

" Medyo nagulat lang ako. Ibig sabihin sya yung sinasabi mo na ex mo noon?" sabi ni Chard.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon