Chapter Thirteen

1.8K 104 2
                                    



                      Nang matapos ang pananghalian nila Dei ay nilapitan nya ang Nanay nya at kinausap. Gusto nyang malaman kung bakit ganun ang naging reaction nito kay Chard.

                      " Nay, pwede ka pong makausap?" ang bungad ni Dei sa ina.

                      " Oo naman halika. Dun tayo sa garden." ang sabi ng Nanay nya.

                      Pumunta sila sa garden at naupo sa garden table. Malawak ang bakuran nila Dei. Pero ang pinaka paborito nyang lugar sa garden nila ay ang gazebo. Nang makaupo na sila sy sinimulan na rin nya ang tanong sa ina.

                      " Nay gusto ko lang po malaman kung bakit ganun ang naging reaction nyo kay Chard? Ussually si tatay ang ganun ang reaction. I never expected your reaction po." ang sabi ng dalaga.

                      " Nagulat ka ba? Pasensya na anak." ang sagot ng nanay nya.

                      " Opo nagulat po ako. Kahit si kuya nagulat din." ang sagot ng dalaga.

                      " Nagulat din ako sa binalita mo. Kaya siguro ganun ang naging reaction ko. Kasi anak ikaw yung tipo ng babae na mahirap ligawan, tingnan mi si Jake. Ikaw yung mahirap mapaibig. Kaya nagulat ako na sa ilang bwan na nagkasama kayo eh boyfriend mo na. At nanibago din ako na hindi ko nalaman kung kelan mo sya unang nakilala at nagustuhan. Kaya siguro ganun ang reaction ko. Yun lang naman yun anak." ang paliwanag ng ina.

                      " Yun po pala yun? Akala ko kasi ayaw nyo kay Chard." ang sabi ni Dei na parang nakahinga ng maluwag sa sinabi ng ina.

                      " Hindi sa ayaw ko sa kanya. Gusto ko syang makilala. Lalo akong nacurious sa sinasabi ng Tatay mo at ni Nico. Parang ang bait bait na bata. At nagulat ako sa Tatay mo ha. Pero tama lahat ng sinabi nya kanina na utang namin kay Chard na nandito ka ngayon. Kaya willing ako na kilalanin sya." ang sabi uli ng nanay nya.

                     " Naku Nay di po ako mapapahiya sa inyo. Tama po lahat ng sinabi ni Tatay at ni Kuya Nico tungkol sa kanya. Matutuwa po kayo sa kanya." ang masaya na uling sabi ni Dei sa ina.

                     " Oh sya sige na pumasok ka na muna sa loob at magpahinga ka na. Para maganda ka mamaya pagdating ng bisita mo." angsabi ni Nanay Mary Ann sa kanya.

                     " Opo Nay. Thank you Nay." ang sabi ni Dei sa ina.

                     " Welcome anak. Namiss kita ng sobra." ang madamdaming sabi ng nanay nya kay Dei.

                     " Namiss ko din po kayo Nay. Sobra!" ang sagot naman ng dalaga sa ina. 

                     Tumayo na ang dalaga at pumasok sa loob ng bahay nila. Umakyat sya sa kwarto nila ni Coleen. Nang makarating sa kwarto nila ay nagulat ang dalaga dahil nandun sina Nikki at Coleen naghihintay sa kanya. Tumakbo ang dalaga papunta sa higaan ni Coleen at nagiyakan silang nagyakap na tatlo.

                     " Buti nandito kayong dalawa. I have so many stories and questions to ask you." ang masayang sabi ni Dei sa mga ate nya.

                     " Kwento ka muna dali. Yung mga nangyari sa isla." ang masaya ring sabi ni Nikki.

                     " Oo nga Dei yung mga nangyari sa inyo ni Chard. Hahahaha. May nangyari na ba?" ang tawa ng tawang sabi ni Coleen.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon