Chapter Seventy-six

1.9K 108 8
                                    



Nagising si Dei sa tunog ng cellphone nya. Agad nya itong inabot mula sa bedside table at tiningnan ang caller. Nang makita nyang si Chard ang tumatawag ay bigla syang napabangon at sinagot ito.

" Hello Mahal?" Sagot ni Dei.

" Nagising ba kita?" Tanong ni Chard.

" No its okay, malapit na ring tumunog yung alarm ko eh." Sagot ni Dei.

" Bat ang aga mong gigising?" Tanong ni Chard.

" Nangungulit kasi si Coleen na samahan ko daw sya mag jogging kaya pag bibigyan ko. Alam mo na kailangan sexy daw sya sa wedding nya. Hahahaha." Kwento ni Dei.

" Ah okay, Love sorry ha. Sorry ngayon lang ako nakatawag. Sobrang busy kasi ngayon lang ako nakasingit." Sabi ni Chard.

" Okay lang Mahal, busy din ako dito eh. Parang kulang nga yung time namin sa preparations. Tapos ang hirap pa ng mga gusto ni Coleen. Basta Mahal sa wedding natin gusto ko simple lang para wala tayong stress. Dun na lang natin ibuhos yung bongga sa honeymoon natin at sa future." Kwento ni Dei.

Napangiti si Chard sa sinabi ng dalaga.

" Eh pano yan Love, gusto ko bongga ang kasal natin kasi diba sabi nila minsan lang ikakasal ang babae kaya kailangan bongga. Kaya nga ako nandito para pandagdag panggastos sa kasal natin." Sagot naman ni Chard sa sinabi ni Dei.

"Hindi lang kaya minsan ako ikakasal." Sabi naman ni Dei.

" Ha? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Chard.

" Syempre una yung wedding natin, tapos yung sa. Twenty fifth anniversary natin, tapos yung sa fiftieth wedding anniversary natin, tapos sa seventy fifth anniversary. Oh diba maramig beses?" Natatawang sabi ni Dei.

" Oo nga ano? Kung gusto mo every year pakakasalan kita eh."sabi ni Chard.

" Wag ng ganun. Okay na ako on those dates." Sagot ni Dei at nagkatawanan silang dalawa.

" God I miss you. Pero di bale malapit ng matapos ito. Makakauwi na ako." Sabi ni Chard.

"I miss you too. I asked for a week off pagdating mo and pumayag naman si Nanay kasi ang laki na raw ng eyebags ko kaya kailangan ko ng magpahinga." Sabi ni Dei.

" Good! Magkukulong lang tayo sa apartment ko ng isang lingo." Pilyong sabi ni Chard.

" Gusto ko yan. I'm going to cook for. Tapos we can watch movies. We. Can go on dates. Excited na ako Mahal." Sabi ni Dei.

" Excited na rin ako. Miss na miss na kita na para bang kulang ang isang linggo." Sabi naman ni Chard.

" Don't worry Mahal, malapit na ang kasal ni Coleen, mas may time na tayo after that. Tapos wedding naman natin ang aasikasuhin natin." Masayang sabi ni Dei.

" Yes Love. Love I have to go na. Medyo pagod na ako eh. Pumipikit na rin ang mata ko."pag papaalam ni Chard.

" Sige Mahal. Bumangon na rin si Coleen eh. Mamaya if you could tawagan mo ako uli ha. Hihintayin kita." Bilin ni Dei.

" Yes Love I will. I love you." Sagot naman ni Chard.

" I love you too." Ganti naman ni Dei at inend na nya ang call.

Muling humiga ang dalaga. Masyado pang maaga. Nagsinungaling sya kay Chard na magjojogging sila ni Coleen. Sinabi nya lang yun para di maguilty ang binata dahil naistorbo ang tulog nya. Naka ngiti ang dalaga na bumalik sa pagtulog.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon