Chapter Forty-three

1.8K 88 4
                                    


           Nang matapos ang dinner ay umalis na ang magkakapatid na Mendoza kasama sina Derrick at Patricia. Sina Sam at Je naman ay nakipagkwentuhan pa kay Daddy Ricky sandali at di nagtagal ay nagpaalam na rin. Naiwan sina Dei at ang pamilya ni Chard. Tumulong si Dei sa pagliligpit ng kinain nila kahit pilit na syang pinalalabas sa kusina ni Ate Virgie ay nagpumilit pa rin ang dalaga. Maya maya ay pumasok si Chard sa kusina at nakita si Dei na tumutulong habang nakikipagkwentuhan kay Ate Virgie.

          " Love di ka pa ba pagod? You've been active since very early this morning ah." ang sabi ni Chard sa dalaga.

          Lumingon si Dei at ngumiti ng matamis kay Chard.

          " I'm okay Mahal. Gusto ko lang tulungan si Ate Virgie magligpit para makapagpahinga na rin sya." ang sagot ni Dei.

          " Ay naku kanina ko pa nga pinapatigil yan ayaw naman. Rj kunin mo na nga si Dei dito at ako na ang tatapos nito. Sige na LUmabas na kayo dun sa garden o magpahinga na kayo. Kaya ko na ito Dei sige na." ang sabi ni Ate Virgie.

          " Sure ka Ate Virgie?" ang tanong ni Chard.

          " Oo sanay na ako dito sige na lumabas na kayo para matapos na ako." ang sagot naman ni Ate Virgie.

          " Tara na love dun tayo sa garden." ang yaya ni Chard kay Dei.

          Nilingon ni Dei si Ate Virgie dahil ayaw nyang iwan ito pero ngumiti ito at tumango sa kanya. Kaya ngumiti na rin sya kay Chard at nagpahila dito palabas sa garden. Naupo sila sa pwesto nila kagabi na hindi masyadong tanaw sa loob ng bahay pero malapit lang dito. May malamlam na ilaw sa tabi ng bench na kinauupuan nila. Romantic ang ambiance nila sa pwestong yun. Agad na umakbay si Chard kay Dei at isinandal naman ni Dei ang ulo nya sa balikat ng binata.

         " Pagod ka na ba?" tanong ni Chard kay Dei.

         " Medyo pero I'm happy." ang sagot ng dalaga.

         " Talaga? Buti naman. I'm curious about something." ang sabi ng binata.

         " About?" tanong naman ni Dei.

         " What happened kanina? With Patring?" ang sabi ni Chard.

         " Ah yun ba? She knocked on my door and asked if she could talk to me. So I let her in. Then she apologized sa lahat ng pang bubully nya noon sa akin." ang sabi ni Dei.

        " And then?" ang sabi ni Chard na lalong nacurious.

        " Then I told her na let's just forget everything and start again as friends. At first di sya makapaniwala. Then she told me the reason behind all her treatment. Naiinggit daw sya sa akin." ang patuloy ni Dei.

        " Naiinggit? Bakit naman?" tanong naman ni Chard.

        " She said I have everything daw." sabi ni Dei.

        " Tapos?" tanong uli ni Chard.

        " I said na mas mayaman ng sila panong I have everything. Then she explained that She may be richer than us pero I have loving and understanding parents. Naiinggit daw sya with the kind of family that I have. She never experienced it with hers daw. She said that Ninong and NInang never paid them any attention. They have their own lives." ang kwento ni ni Dei.

        " Kawawa naman pala sila ni Derrick." ang sabi naman ni Chard.

        " That's what I thought too. Then I told her na she should have been kind to me then. Eh di sana we have been friend a long time ago pa. Eh di sana noon pa lang member na sya ng baliw naming family diba mahal?" ang baling nya ng tingin kay Chard.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon