Chapter Thirty-one

2K 91 4
                                    



                  Exactly six am nang gumising si Dei. Bumangon ang dalaga at naligo at nag toothbrush. Nang matapos ay nagsuot ng kumportableng pambahay na shorts at sleeveles shirt. Gusto nyang kumportable ang suot nya pag nagluluto sya para hindi sya pagpawisan. Natutulog pa si Coleen sa kama nito dahil nine am pa ang alis nito papunta sa mga opisina nila. Agad nang bumaba si Dei sa kusina. Nandun na ang Ate Pepe nya at nagkakape na ito. Ang kusinera naman nilang si Ate Josie ay nag uumpisa ng mag prepare ng almusal at katulong nitong maghanda ang kapatid nitong si Ate Daisy. Si Ate Daisy ang labandera nila na kagaya ni Ate Josie ay asawa rin ng isa sa mga driver nila. 

                   " Good morning po, Ate Pepe, Ate Josie at Ate Daisy. Ano pong breakfast natin?" ang masayang bati ni Dei sa mga nadatnan.

                   " Oh Dei ang aga mo naman nagising? Good morning din sa iyo." Ang sabi ni Ate Pepe.

                   " Oh Dei ano ba ang gusto mong kainin? Ipagluluto kita anak. Di porket marunong ka ng magluto eh di na kita pwedeng ipagluto." ang malambing na sabi ni Ate Josie.

                   " Naku kahit ano po Ate Josie. Alam ko namang lahat ng iluluto nyo eh masarap. Ate Pepe mag babake po ako ng cake na dadalhin ko kila Chard mamaya." ang sagot ng dalaga.

                   " Pupunta ka pala kila Chard mamaya?" tanong ni Ate Pepe.

                   " Opo susunduin nya po ako. Naglambing po ng cheesecake at ng cake daw po para sa lolo't lola nya." ang sagot ng dalaga. 

                   Lumapit sya sa coffee maker at kumuha ng kape nya. Tinimpla nya ito sa gusto nyang lasa at pumunta sa lamesa para maupo.

                   " Dei ang gwapo ng boypren mo ano?" sabi namna ni Ate Daisy.

                   " Naku Daisy si lang gwapo mabait pa. Nung nandun ako sa condo tinanong ako kung ano daw ang gusto kong pasalubong pag nakita kami uli. Sayang daw at di nya alam na nandun ako di sana daw nakapagdala man lang daw sya ng kahit ano para sa akin. At magalang na bata. Bagay na bagay sa alag ko." ang pagbibida ni Ate Pepe.

                   " Talaga ba Pepe. Naku yung mga bata nga eh kinikilig nang malaman na yung model daw pala dun sa mall yung boypren ni Dei." ang sabi naman ni Ate Josie.

                   " Ay bakit ah. Maganda naman ang Dei natin ah. Di alangan sa kanya. At mabait at maalaga kaya itong dalaga natin." ang sabi naman ni Ate Daisy.

                   " Lahat naman sila ganun eh. Kahit may pagkapilyo yung dalawang lalaki pero mababait ang mga alaga ko." ang sabi ni Ate Pepe.

                   " Sabagay tama ka dyan. Mababait silang lahat. Ano Dei nakaisip ka na ba ng gusto mong almusal?" tanong ni Ate Josie kay Dei.

                   " Ano po ba ang kakainin nyo?" tanong din ng dalaga.

                   " Silog daw ang sa mga Nanay mo at sa mga bisita nyo. Tapos kami dito ay sinangag tapos may tuyo na dala yung pinsan ko kagabi at itlog. Yun lang siguro at yung tirang ulam kagabi." ang sagot ni Ate Josie.

                   " Ay sige po yun na rin lang po ang sa akin. Kung ano po yung aalmusalin nyo. Dito na lang po ako kakain namiss ko na pong kasalo kayo eh." ang sagot ng dalaga.

                   " Ay oh sige ikaw ang bahala. Namiss ka na rin naming makasabay kumain." ang sagot naman ni Ate Josie.

                   " Nasan nga po pala si Ana? Magpapatulong po sana ako sa kanya." ang hanap ni Dei sa isa pa nilang kasambahay na katulong sa bahay at sa kusina.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon