Chapter Thirty-nine

1.8K 78 7
                                    



               Pagdating nila Dei at Chard sa bahay nito ay nandun na ang mga kapatid ni Dei. Agad na lumapit si Nico sa kotse ni Chard para pagbuksan ng pinto ang kapatid at alalayang bumaba. Biglang kinabahan si Dei sa itsura ng mukha ng kuya nya. Parang foreboding ang nararamdaman nya. Hindi sya sasalubungin ng kuya nya sa pagbaba ng kotse kung walang problema. Napalingon silang lahat nang biglang may lumabas sa pintuan at nagsalita sa maarte nitong boses.

              " Oh finally you arrived! I thought we would wait for you the whole day and waste it." ang maarteng sabi ni Patricia.

              Napatingin si Dei sa kapatid at nagtatanong ang mga matang tumitig dito.

              " Sasabihin ko sana sa iyo kaya kita sinalubong kaso naunahan ako. Nakiusap si Nanay na isama daw namin yung dalawa para makapamasyal daw at makapagbonding sila ni Tita Vicky." ang bulong ni Nico kay Dei.

              " Eh di sana dinala nyo sa mall at iniligaw dun. Bakit nyo sinama yan dito masisira nanaman ng araw ko. Maganda na eh, Kuya naman eh di ka man lang nagtext." ang himutok ni Dei sa kapatid.

              " Love let's go inside na. Dun na natin yan pag usapan. Nico pare kumusta ang byahe." ang sabi ni Chard.

              " What? Aren't you gonna aknowledge our presence? Where are your manners? Hi Richard, I missed you." ang sabi ni Patricia na nagpacute kay Chard.

              " Oh hi Patricia. Dyan lang muna kayo ha magreresady lang kami ni Dei para makaalis na tayo." ang sagot ni Chard.

              " I can help you get ready." ang sabi ni Patricia sabay kapit sa braso ni Chard.

              Dahan dahan namang inalis ni Chard ang kamay ni Patricia sa braso nya.

              " Ahhhmmm excuse me Patricia pwede ba keep your hands off of my boyfriend. Mahal tara na nga baka mawala ang ethics ko dito. Coleen, Kuya Nico sumama kayo sa amin." ang sabi ni Dei sabay hila kay Chard.

              Nagpapasalamat sya at wala ang pamilya ni Chard sa sala para mawitness ang mga nangyari. Nakakahiya sa mga ito kung nagkataon. Umakyat sila sa kwarto nya at nang makapasok ay agad nyang isinara ang pinto at hinarao ang mga kapatid.

              " Bakit naman kayo pumayag na isama yung mga bruho at bruha na yun? Alam nyo namang panira ng buhay koo yung magkapatid na yun eh." ang maktol ni dei sabay upo sa kama.

              " Love lalabas muna ako at magbibihis ha. Babalik ako sandali lang ako." ang paalam ni Chard.

              " Sige Mahal. Pasensya ka na sa outburst ko with Patricia. I can't help it." ang sabi ni Dei.

              " Don't worry Love, I loved it. Gusto ko yung pagiging possessive mo." ang nakangiting sabi ni Chard.

              Napangiti si Dei sa sinabi ni Chard. Nang makalabas si Chard ay binalingan nya ang mga kapatid. Naupo sa tabi nya si Coleen.

              " Ikaw naman, para namang makakahindi kami kay Nanay. Alam mo namang minsan lang humiling yun eh. Tapos samahan pa ni Tita Vicky. kaya ayun isinama na lang namin ni Kuya. Wag mo na lang pansinin yung dalawa." ang sabi ni Coleen.

              Napaisip si Dei. Kung sabagay tama si Coleen bihira ngang humiling ang Nanay nila. Ate kahit sino sa kanila ay hindi mahindian ang Nanay nila pag humiling. O kaya kahit ang Tatay nila. Napabuntung hininga ang dalaga dahil alam nyang talo na sya.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon