Chapter Thirty-five

1.8K 91 4
                                    



                  Quarter to six ng hapon nang nagpark si Chard sa harap ng isang di kalakihang bahay. Pinagmasdan ni Dei ang bahay na hinituan ni chard. She loves the feel of seeing his home for the first time. The sight was very welcoming. Parang whoever goes here is very welcome. Unang bumaba ng sasakyan si Chard at umikot ito sa side ni Dei. Nakaramdam naman ng nagliliparang paruparo sa loob ng tyan ang dalaga. Excited na kinakabahan syang makilala ang ibang myembro ng pamilya ni Chard.

                  Binuksan ni Chard ang pintuan ni Dei at inalalayan nya itong makababa ng kotse. Bahagyang inayos ni Dei ang kanyang dress at ang kanyang buhok. Sign na ninenerbyos talaga ang dalaga.

                  " Maganda ka na, so stop fidgeting. They'll like kahit mukhang taong grasa ka pa." ang natatawang bulong ni Chard kay Dei.

                  " Taong grasa talaga? Would you even give me a second glance kung taong grasa nga ako?" ang natatawa na ring tanong ni Dei sa binata.

                  " Kahit ano pang itsura mo makikilala ka pa rin ng puso ko di man ng mata ko. Kaya lilingon at lilingon pa rin ako." ang malambing na sabi ni chard kay Dei.

                  " Asus tara na nga. Tama na ang bolahan natin. Baka mamaya kung saan pa mapunta yung usapan eh." ang natatawang sabi ni Dei.

                  " Totoo naman ah." ang natatawa ding pilit ni Chard.

                  " Oo na sige na naniniwala na ako." ang sabi naman ni Dei.

                  Inakbayan na lang ni Chard si Dei at inalalayang pumasok sa loob ng gate. Tahimik pa ang loob ng bahay nila sign na di pa alam ng mga tao sa loob na dumating na sila. Nakasarado ang pinto at dahan dahang binuksan ito ni Chard. Nakaupo sa sala ang Lolo nya at ang bunsong kapatid na si Angel. Agad na nakita ni Angel ang kuya RJ nya kaya tumayo ito at tumakbo palapit sa binata.

                  " Kuya RJ! Lola nandito na po sila Kuya RJ!" ang sigaw ng bata at tinawag ang Lola nila.

                  Lumapit sina Chard at Dei sa lolo ng binata at nagmano dito.

                  " Good evening po Pa. Si Dei po girlfriend ko po." ang pagpapakilala ni Chard kay Dei.

                  " Good evening po." ang bati ni Dei at nagmano sa matanda.

                  " Naku napakandang bata nire RJ. Linda halika na dito at nandito na ang hinihintay mo." ang sigaw nito sa Lola ni Chard.

                  " Eto na. Ano ba kayo kung makatawag eh masusunog yung nakasalang ko." ang sagot naman ng lola ni Chard.

                  Sinalubong ni chard ang Lola Linda nya at nag mano dito at humalik sa pisngi nito.

                  " Ano po bang niluluto mo? Andito na yung gustong gusto mong makilala." ang sabi ni Chard sa Lola nya. 

                  Nakatayo lang si Dei sa tabi ng Lolo ni chard at nakangiting nakatingin kay Chard at kay Lola Linda. Lumapit sina Chard at Lola Linda kay Dei at ipinakilala ng binata ang dalawa sa isa't isa.

                  " La si Dei po girlfriend ko po." ang sabi ni chard.

                  " Good evening po Lola Linda. Nice to finally meet you po." ang sabi ni Dei at sabay mano sa Lola ni Chard.

                  " Naku iha totoo ngang napakaganda mo. Finally nakilala na rin kita. Halika nga dito at payakap ako." ang sabi ni Lola Linda kay Dei. Niyakap nito ang dalaga at masayang nakangiti si Chard habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng pinaka importante sa kanya.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon