Chapter Sixty

1.9K 96 5
                                    

      Habang naghihintay sina Dei ibigay ang isuot nila ay pumasok ang assistant photographer nila para iorient sila.

       " Okay guys, may off shore shoot tayo ha. Gagamitin natin ang yacht ni Sir Miggy. Pero bago yun may mga shots tayo sa mga cottages at iba ibang places dito. By batch ang sakay sa yacht ha. Yung iba bukas na pag di inabot. Mamaya malalaman nyo kung sino sino ang magkakasama sa batches. Okay get ready na ha. Mahaba ang araw natin ngayon." ang sabi sa kanila.

      Sabay sabay naman silang nag yes Mam. Di naman nagtagal ay lumapit na sa kanila ang taga wardrobe at inabot ang isusuot nila. Napahinga nang maluwag si Dei nang makitang one piece ang isang swimsuit at ang isa ay parang cover top sa isang two piece.

      " Hhhhaaayyy salamat naman at ganito na ngayon ang isusuot ko." sabi ni Dei.

      " Bakit bagay naman sa iyo ah. Nakakainis nga. Nakakainggit yung katawan mo. Di mo kailangan mag effort ng husto. Mantalang ako naku kailangan laging diet at excercise. Okay lang sana kung sexercise eh. Bet na bet ko yun." sabi ni Crissia.

      " Ikaw ang bastos mo talaga." natatawang sabi ni Dei.

      " Oh bakit totoo naman ah. Wag mo sabihing ikaw ayaw mo? At wala pang nagyayari sa inyo ni Chard. Eh sa itsura nyong dalawa eh nakarami na kayo at sa mga tingin sa iyo ni Chard akala mo eh laging gusto kang ikulong sa kwarto nyo at isexcercise ng isexcercise eh. Hahahha" malakas na tawa ni Crissia na ikinapula ng mukha ni Dei.

       " Ikaw talaga Cris puro ka kalokohan." sabi ni Dei na pulang pula.

       " Oy di kalokohan yun no. Pero umamin ka. Totoo bang energizer ang battery ni Chard?" tanong ni Crissia.

       " Huh? Anong energizer? Bakit kailangan ng battery?" takang tanong ni Dei.

       " Energizer, pangmatagalan. Usap usapan kasi noon lalo na nung mga madadaldal na nakadate nya pang marathon daw si Chard pagdating sa kama. Parang di daw napapagod. Ikaw na lang yung magsasabi na tama na awat na pagod na ako. Totoo ba?" tanong ni Crissia.

       " Ha? Hhhhmmmm..." ang sagot ni Dei.

       " Huy sige na curious lang ako. Matagal ko ng naririnig yan eh." pangungulit nito kay Dei.

       Lalong namula ang mga pisngi ni Dei na umabot na sa leeg nya.

       " Ahhhmmm... Ano kasi Cris. Ano aahhhhmmm... " nauutal na sabi ni Dei.

       " Ano nga?" tanong ni Cris.

       " Eh kasi.... Di pa naman nagtatagal na may nangyari sa amin eh. Nung gabi lang na bago tayo umalis ng Pilipinas." ang nahihiyang sabi ni Dei.

       " Ha?!  Talaga?!  Buti nakatiis si Chard ng ilang bwan?!" ang gulat na tanong ni Crissia.

       Nahihiyang tumango lang si Dei.

       " Ate how to be you po? Grabe ka Dei! Kasi ang alam ko wag kang magagalit ha. Di pumapayag si Chard na di nakaka iskor sa babae kahit bago lang nya nakilala. Kaya super how to be you po?" seryosong sabi ni Crissia.

        " Grabe ka naman sa akin Cris. Actually alam ko naman yun kaya nga grateful ako kay Chard na nakatiis sya ng matagal lalo na nung nasa isla kami. Alam ko yung hirap na pinagdaanan nya at ang sabi nya handa naman daw sya maghintay hangga't ready na ako." ang sagot ni Dei.

       Iiling iling si Crissia sa sinabi ni Dei.

       " Next time ikwento mo sa akin yang island adventure nyo ha. Gusto kong marinig yan. Pero for now naiinggit ako sa iyo." kinikilig na sabi ni Crissia.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon