Chapter Thirty-three

1.8K 88 2
                                    



                Napabilis ng lakad si Dei papunta ng kusina dahil naririnig nya ang tawanan ng mga tao duon at nangingibabaw ang boses ni Chard. Natigilan ang dalaga nang pagbungad nya sa pintuan ay nakita nyang masayang nagtatawanan sina Ate Josie, Ate Daisy, Ate Pepe at Ana. Pinagtatawana nila si Chard na may frosting ang ilong at concentrated sa ginagawana hindi maintindihan ng dalaga kung ano. Tumayo muna sya sa may pintuan dahil naaliw syang panoorin ang mga kasama sa bahay na nagtulong tulong na mapalaki silang magkakapatid na kasundong kasundo ni Chard. Matagal nyang pinagdasal na sana ay makakilala sya ng lalaki na hindi lang sya ang mahal kundi pati ang buong pamilya nya. At masaya sya na natagpuan nya yun kay Chard. Naramdaman sigro ni Chard na nadun na sya kaya lumingon ito. Ngumiti ng matamis ang binata. Lumapitb si Dei sa kanila.

                " Mahal ano ba yang itsura mo? Parang yang mukha mo ang nilagyan mo ng frosting hindi yang mga cupcakes eh." ang sabi ni Dei paglapit.

                Kumuha sya ng tisuue at pinunasan ang frosting sa ilong ng binata at konti sa pisngi at baba nito. Pinisil ni Dei ang ilong ni Chard nang matapos nya itong punasan.

                " Di ko namalayan na meron narin pala akong icing sa ilong. Kaya pala sila tawa ng tawa pero worth it naman. Look love oh for you." ang sabi ng binata na ipinagmalaki ang ginawa.

                " Wow naman mahal ang ganda naman nito. Are these for me?" ang tanong ni Dei kay Chard.

                " Hay naku Dei kanina nya pa ginagawa yan. Pag alis mo pa lang yan na ang hinarap nya." ang sabi ni Ate Pepe.

               " Syempre para sa iyo yan. Kanino pa ba?" sagot naman ni Chard sa dalaga.

               " Grabe Dei ang sweet sweet naman ni Kuya Chard. Sana makakita din ako ng katulad nya." ang sabi ni Ana.

               " Naku Ana nag iisa lang itong si Chard at sorry akin na sya." ang natatawang sabi ni Dei.

               Nagkatawanan sila uli dahil sa sinabi ni Dei. 

               " Ay naku Chard iho mag hugas ka na at pumunta na kayo sa kumedor. Maya maya ay baba na sina Mary Ann." ang sabi ni Ate Josie.

               " Opo Ate Josie. Love mauna ka na sa diing area susunod na ako." ang sabi ni Chard kay Dei.

               Tumango lang si Dei at lumabas na sya. Di pa man nakakaupo so Dei ay dumating na si Derrick at agad na umupo sa tabi nya.

               " Ahhhmmm excuse me may nakaupo na dyan." ang sabi ng dalaga kay Derrick.

               " Where? I don't see anybody." ang pilosopong sagot ni Derrick.

               " Nasa kitchen lang naghuhugas ng kamay." ang sagot ni Dei.

               Sya namang labas ni Chard mula sa kusina.

               " Love may problema ba?" ang tanong ni Chard.

               " Love?" ang takang tanong ni Derrick.

               " Wala naman mahal. Ah by the way this is Derrick, Patricia's older brother. Derrick this is Richard," ang sabi ni Dei na pinutol ni Chard.

               " Pare Chard, Dei's boyfriend." ang putol ni Chard kay Dei.

               " Boyfriend? Since when and how come I didn't know of this Dei?" ang tanong ni Derrick na nagpataas ng kilay nina Dei at Chard.

               Napatingin si chard kay Dei. Tingin na nagtatanong.

              " Well Derrick, you and I are not close. Last time we saw each other was when we were still in Elementary. And lastly whoever I choose to date or choose to be my boyfriend is none of your business. Matagal na kami ni Chard at wala kang pakialam dun." ang mataray na sagot ni Dei.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon