Chapter Sixty-three

1.9K 91 4
                                    

         The next day ay naramdaman ni Dei na parang may nakatitig sa kanya kaya dahan dahang nagmulat ng mata ang dalaga. Pagmulat ng mata nya ay ang mukha ni Chard ang namulatan nya na matamis ang ngiti sa kanya. Malalim ang dimple nito. 

         " Good morning beautiful." bati ni Chard sa kanya.

         " Good morning." ganti naman ni Dei.

         " Nasabi ko na ba sa iyo?" tanong ni Chard sa kanya.

         " Na ano?" tanong din ni Dei.

         " Na ako ang pinaka swerteng lalaki sa buong mundo." sagot naman ni Chard.

         " Why?" maiksing tanong ni Dei.

         " Kasi I have you, the most beautiful and loving girlfriend in the world." sagot naman ni Chard.

         Ngumiti naman si Dei sa sinabi ni Chard at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng binata at hinila ito palapit sa mukha nya. She gave him a smack on his lips. Lalo namang lumapad ang ngiti ni Chard.

         " Ako din. Ako din ang luckiest girl in the world." malambing na sabi ni Dei sa binata.

         " Tara shower na tayo tas breakfast na baka mamaya kung ano nanaman ang maisipan ko." sabi ni Chard kay Dei.

         Nakangiti namang tumayo si Dei na nakabalot ang katawan. Naiwan si Chard sa kama wearing a smile and nothing else.

         " Mauna na akong maligo kasi parang may ibang plano si Junjun eh." natatawang sabi ni Dei.

         " Sige na nga. Pero pag uwi natin ng Manila di ka namakakaiwas sa akin." sabi ni Chard.

         " I'm not planning to." mahinang bulong ni Dei na may ngiti sa labi.

         " I heard that!" sabi ni Chard sa nakatalikod na si Dei.

         Lumingin lang si Dei at nang aakit na tumingin kay Chard at saka binitiwan ang kumot na nakabalot sa katawan nya at pumasok sa banyo. Dali dali namang tumayo si Chard at pumasok sa loob ng banyo. Ilang sandali lang ay di lang lagaslas ng tubig ang maririnig mula sa banyo.

         After thirty minutes ay lumabas na magkaholding hands sina Chard at Dei sa cottage nila. Dumeretso sila sa dinning area ng resort at doon ay nakita nila si Miggy na kumakain mag isa. Humanap sila ng table na malayo sa binata at nag order ng makakain nila. Dumating din agad ang order nila kaya kumain na sila. Minsan ay nagsusubuan ang dalawa at nagtatawanan. Ang di nila alam ay pinanonood sila ni Miggy.

        Maya maya ay tumayo ang binata at lumapit sa table nila. Di namanlayan ng dalawa na palapit sya hanggang sa nasa tabi na sya ni Chard. Napatingala ang dalawa sa kanya. Agad na tumayo si Chard sa kinauupuan nya at si Dei naman ay napahawak sa kamay ng binata.

        " Relax pre. Gusto ko lang kayong makausap na dalawa. Dalawa kayo ni Dei ang kakausapin ko." sabi ni Miggy kay Chard.

        Nagkatinginan sina Dei at Chard. Tumango lang si Dei at umupo na si Chard. 

        " Go ahead join us." sabi ni Chard kay Miggy.

        Umupo naman si Miggy sa harap nilang dalawa. Nang makaupo ito ay tiningnan silang dalawa.

        " I want to apologize sa inyong dalawa." bungad ni Miggy sa kanilang dalawa.

        Tahimik lang sila na hinihintay ang susunod na sasabihin ni Miggy.

        " Sorry with the way I acted at sa pagpipilit ko na kausapin si Dei. Nakalimutan ko na ikaw na pala Chard ang boyfriend nya. Honestly when I saw her I saw the young Dei. Nakalimutan ko na maraming ng nangyari sa ilang taon na di kami nagkikita. At nakalimutan ko lahat ng mga kasalanan ko sa kanya at sa pamilya nya. Sorry Dei sa mga nagawa ko sa iyo before. Bata pa rin ako at di nag iisip na baka nasaktan kita sa mga ginawa ko. Masyado akong bilib sa sarili ko noon pero aaminin ko mahal na mahal kita. Sorry pre pero hanggang ngayon mahal ko pa rin pala si Dei. Narealize ko lang nung nakita ko sya uli." paliwanag ni Miggy.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon