Chapter Twenty-nine

1.8K 88 5
                                    



                      Nang matapos ang dinner ng mga Mendoza ay magalang na nagpaalam si Dei sa mga magulang at sa mga bisita na magpapahinga na dahil pagod ang dalaga sa trabaho maghapon at sa pag byahe mula Makati hanggang Bulacan. Pinayagan naman sya ng mga magulang dahil halata na rin sa mga mata nya ang pagod nya. Agad na umakyat ang dalaga sa kwarto nila ni Coleen at nag handa para magshower bago matulog. 

                     Pumasok na sya sa banyo para magshower para masarap ang tulog nya. Nang lumabas sya ay nagulat ang dalaga dahil nandun na sina Coleen at Ate Nikki nya. Tiningnan nya muna kung dala ng ate nya si Matti para malaro nya muna ang pamangkin bago ito matulog. Napansin ata ng ate nya na may hinahanap sya kaya nagsalita ito.

                    " Wala na nakatulog na. Nandun na sila sa room namin." ang sabi ng Ate Nikki nya.

                    " Why are you bothe here na? Buti pinayagan kayo ni Nanay na umalis na dun sa baba?" ang tanong nya sa mga kapatid.

                   " Well I have an excuse. Nakatulog na si Matti kaya pwede na akong umeskapo." sabi ng ate nya.

                   " Ah okay. Thank God for Matti." ang sabi ni Dei na ikinatawa nilang tatlo.

                   " Eh ikaw Coleen ano naman excuse mo?" ang baling naman ni Dei kay Coleen.

                  " Sa field ako bukas. Meaning magiikot ako sa mga offices para sa mga papeles nila. At alam ni Nanay yan. Sya pa nga nag utos sa akin na matulog na raw at maaga pa kao bukas." ang smug ang ngiting sabi ni Coleen.

                  " Ah okay buti naman. Grabe I was really shocked with those two. Tama nga kayo, pano naging anak nila Ninang at Ninong yung dalawa na yun?" ang sabi ni Dei.

                  " Oh diba? Kahit ikaw nagulat." ang sabi ni Nikki.

                  " Well actually Ate I wanted to give them a chance baka nagsipag bago na. Yun pala they've gotten worse. Lalo na si Derrick." ang sabi ni Dei.

                  " Parang para sa akin si Patricia ang lumala." ang sabi ni Coleen.

                  " I don't know ha. Kasi before bully lang si Derrick pero ngayon parang may pagka maniac na rin. Si Patricia dati na talagang maarte at di magpapalamang. She always wanted all the attention. She always wants to be the best in everyone's eyes. Kaya no shock from there." ang sabi ni Dei.

                  " Oo nga pala ano magkatulong lagi si Nico at si Derrick na ibully ka noon. Naalala ko pa yung ginawa nila sa chocolates mo na pinalitan nila ng bato dahil ayaw mo raw mamigay." ang nagingiting sabi ni Nikki.

                  " Oo Ate five yata ako nun. Pano ako mamimigay eh inubos na nila yung dalawang supot tapos pinagalitan na ako ni Nanay kasi kuha daw ako ng kuha baka masira daw ang ngipin ko. But the truth was sila yung umuubos." ang sabi ni Dei.

                 " Hay naku Dei mukhang may crush sa iyo si Derrick. Kasi sa ating tatlo ikaw lang naman ang ginanun nya at ngayon kung tingnan ka para kang huhubaran. Naku mag iingat ka dyan sa tao na yan." ang sabi ni Coleen.

                " Naku sithy wag kang mag alala di na ko papatalo sa kanya. At kay Patricia wag syang ano, di ko sya aatrasan. HHHHaaaaayyyy... Buti na lang susunduin ako ni Chard bukas. Makakaiwas ako sa dalawang yun." ang sani ni Dei sabay higa sa kama nya. Napangiti sya nang maalala si Chard.

               " Ako excited na sa linggo. Isasama ko si Mike para naman di ako mainggit sa inyo ni Chard mo." ang sabi naman ni Coleen.

               " Oy Nicomaine, dalawang gabi kang duon matutulog sa kanila, baka naman ehem. Alam mo na baka bumigay ka ha." ang natatawang sabi ni Nikki.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon