Chapter Ninety-nine

1K 48 10
                                    


     Nang matapos ang kasal ay agad na nagpuntahan ang lahat sa hotel na pagdadausan ng reception ng kasal. Sina Dei at Chard ay umakyat muna sa hotel room nila para magretouch si Dei. Masaya silang pumasok sa kwarto kung saan naghihintay ang make up artist ni Dei.

     " Sabihin mo na kasi Mahal kung saan tayo magpupunta after this." natatawang sabi ni Dei.

     " Its a surprise. Mamaya malalaman mo rin. Yun yung regalo sa atin ni Mr. T." natatawa ding sabi ni Chard.

     " Dei, halika na upo ka na muna dito para maretouch na kita. Naghihinatay na daw sila sa ibaba." sabi ng make up artist.

     Umupo naman si Dei sa upuan sa harap ng vanity. Humila naman ng upuan si Chard at umupo na paharap kay Dei at hinawakan ang kamay nito.

     " You would be happy dun sa pupuntahan natin. Excited na nga ako eh." sabi ni Chard.

     " Naman eh! Ang kulit eh. Just make sure na magugustuhan ko yang surprise mo na yan." sabi ni Dei.

     " Of course. Don't worry, confident ako na magugustuhan mo ito. Kabisado ko lahat ng gusto mo and what would make you happy." sabi ni Chard sabay halik sa kamay ni Dei.

     Nakarinig sila ng buntung hininga mula sa make up artist at bigla silang napatingin dito.

     " Hhhaaayyyy.... Sana oil!" sabi ng make up artist na ikinatawa ng bagong kasal.

     " Grabe kayo. Nakakainggit naman kayo. Sana makakilala din ako ng kagaya mo Chard. May mga kagaya mo pa kaya?" sabi nito. 

     Natawa na lang ang dala sa sinabi ng make up artist. Ipinagpatuloy na ang pag aayos kay Dei. Maya maya ay kumatok na ang organizer ng kasal nila para icheck kung tapos na sila. Nang masigurong tapos na sila ay lumabas na ang bagong kasal at pumunta na ng reception hall. 

     Nang pumasok sila sa reception hall ay agad na hinila si Dei ng mga abay nya at pinaupo sa isang upuan na nakaharap sa stage. Nakatalikod si Chard at naglapitan ang mga groomsmen nito at bestman. Hinubad nila ang suot na coat nito at nagulat si Dei nang hinila nila ang manggas ng white long sleeve polo ni Chard at may abala naman sa harap nito na binubukas ang ilang butones ng polo nito. Nang matapos nilang ihanda si Chard at pumunta na ang mga ito sa pwesto nila. 

     Maya maya ay biglang tumugtog ang kanta na laging sinasayaw ni Chard kay Dei pag sila lang dalawa kaya di maiwasan ni Dei na matawa. Tumugtog ang "Twerk it like Miley". Ang maharot na tugtog na laging sinasayaw ni Chard kay Dei pag nakakatuwaan nitong landiin ang dalaga.

     Todo bigay si Chard na nagsasayaw habang nakatitig ng matiim kay Dei. Di naman matigil ang tawa ni Dei at pamumula sa ginagawa ng asawa. Naiisip nya ang pag sasayaw ni Chard pag sila lang ang magkasama. Di rin matigil ang hiyawan at palakpakan ng mga bisita sa sayaw ni Chard.

     Ekasaktong natapos ang sayaw at nakaluhod na si Chard sa harapan ni Dei. Tinulak naman sya ni Dei at ang dalaga naman ang tumayo. Nagsilapit naman ang mga abay nya at tinakpan sya ng mga ito para makapag costume change. Napalitan ang skirt ng gown ni Dei ng isang maiksing maiksing short. Nang matapos mag costume change ay nag umpisa ng tumugtog ang kanta na isasayaw nila. Si Chard naman ang naupo sa dating pwesto ni Dei at nakade kwatro na pinanood ang misis nya na sumasayaw. Isang mabilis per sexy na sayaw ang sinayaw ni Dei kasama ng mga abay nya. Napalunok si Chard sa titig ni Dei sa kanya. Pinagpapawisan ang binata sa pagkasexy ng sayaw ni Dei. Tahimik naman ang mga bisita kumpara kanina na sila Chard ang nagsasayaw. Lahat ay concentrated manod sa mga girls. 

     Nang matapos ang kanta ay eksatong nakahawak si Dei sa balikat ni Chard. Tumayo si Chard at niyakap si Dei at nagpalakpakan ang mga bisista. 

     '  Lagot ka sa akin mamaya. Ginalit mo si Junjun buti na lang napatahimik ko.'  bulong ni Chard.

     ' Nagustuhan mo ba sayaw ko? May continuation pa yan mamaya.'  bulong din ni Dei.

     ' Dapat lang. Magbihis ka na baka itakbo na kita. ' bulong din ni Chard.

    Lumayo muna si Dei para isuot uli ang pang ibaba ng gown an suot nya. Nang matapos si Dei ay pumunta na sila sa lamesa nila at nag umpisa na ang program. Nagbigay ng mensahe ang mga magulang at ninong at ninong nila. Maya maya ay lumapit si Mr. T sa kanila.

    " Di na ko magtatagal, I need to go. May flight pa ako papuntang U.S. at may event si Celeste dun. But before I leave I want to give you my gift." sabi nito.

    Nakangiti lang si Chard dahil alam na nya kung anoang malaking regalo sa kanila ni Mr. T. Nagtataka man si Dei ay tahimik lang sya. May lumapit kay Mr. T na isa sa mga tauhan nito at may inabot na envelop. Nakangiti itong tumingin kay Dei.

     " I know this place is very memorable to the both of you at nang malaman ko na kilala ko ang may ari nito I made a proposal na he agreed to. And since di naman iba ang turing ko kay Chard naisip ko why not give this to you as a wedding gift. Chard already knows about this and already made some preparations. Here is the title to the island kung saan kayo nastranded nung nawala kayong dalawa. I bought the property for your wedding gift. Don't worry Dei mura lang naman ang pagkakabili ko dahil kakilala ko ang may ari and he was looking for a buyer na rin so don't worry about the price. and just like what I said parang anak ko na rin si Chard. So I hope you enjoy your honeymoon there." paliwanag ni Mr. T.

    Laking gulat ni Dei kaya nayakap nya si Mr. T. Napaiyak sya sa sobrang saya.

    " Sir maraming salamat po. " sabi ni Dei.

    " Don't thank me iha. Its my pleasure. So pano mauuna na ako. Enjoy ha. And after your honeymoon we'll talk about business." sabi ng Mr. T.

    " Yes sir. Thank you po uli. And ingat kayo sa byahe." sabi ni Chard.

    " Ninong na diba?" sabi ni Mr. T na nakatawa. 

    " Oo nga pala Ninong. Ingat po. " ang sagot ni Chard.

    Tumalikod na si Mr. T at umalis na ito. Napatingin si Dei kay Chard at nakangiti lang ang asawa nya.

     " Sabi ko sa iyo magugustuhan mo eh." sabi ni Chard sa misis nya.

     " Nakakainis ka talaga. Pero thank you." sabi ni Dei sabay hilig sa balikat ni Chard at hinalikan naman nito ang noo ni Dei.

     " One month tayo dun para masolo kita ng matagal." sabi nito na kikindat kindat kay Dei na umani ng kurot sa tagiliran na ikinatawa lang nya.

     " Ang harot harot mo talaga." sabi ni Dei.

     " Only for you Love." sabi ni Chard at narinig nila ang kling kling ng mga baso sign na hinihiling ng mga guest na magkiss sila na inindulge naman ng bagong kasal.

    Nagpatuloy pa ang program ng kasal at kahit excited n ang dalawa na masolo ang isa't isa ay tiniis nila para sa mga bisita nila. Bukas ng umaga sila pupunta ng isla at sa gabing yun ay dun muna sila sa hotel matutulog.


***********************************************************************************************



After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon