Chapter Ninety

1.2K 86 7
                                    


         Last few days na at kasal na nila Dei at Chard. Di sila magkasama ng araw na yun dahil may bachelorette party si Dei at bachelor party naman si Chard. Ang mga kapatid at mga kaibigang babae ni Dei ang nag organized ng bachelorette party at ang mga kaibigan naman ni Chard ang sa bachelor party nya. 

        Maaga pang nagasikaso ang mga girls dahil spa day sila the whole day at pagkatapos ay mag pupunta sila sa bar ng isa nilang friend na ipinasara ng gabing yun para sa bachelorette nya at lahat ng mga naging friends nya ay pupunta. 

        On the way sa spa ay nag ring ang cp ni Dei. Napangiti sya nang makita nyang si Chard ang tumatawag.

        ' Hi Mahal,' bati ni Dei.

        ' Hi Love, nakaalis na kayo?' tanong ni Chard.

        ' Paalis pa lang. Kayo on the way na ba?' sagot ng dalaga.

        " Ano ba yan!? Ilang oras pa lang kayong nagkakahiwalay tawag agad? Grabe naman yan." comment ni Coleen na lumapit kay Dei nang makitang may kausap ito sa cell phone.

        " Ssshhh... wag kang ano Coleen ganito ka rin, wait lang mahal ha naiinggit si Coleen eh." natatawng sabi ni Dei.

        " Naiinggit ka dyan di kaya." sabi nito sabay kuha din ng cp nito at tawag kay MIke na asawa nito.

        ' Okay lang love, magenjoy ka dun ha. Update me lagi ha.' sabi ni Chard.

        ' Opo sir, ikaw din ha mah enjoy ka. Don't worry about me kasama ko mga kapatid at kaibigan ko. Enjoy yourself, this will be the last time na makakasama ntin sila ng single tayo." sabi ni Dei.

        ' Opo mam, I love you.' sabi ni Chard.

        ' I love you too.' sabi ni Dei at inend na nila ang call. 

        Sa parte naman ni Rj binakbakan sya ng tukso nina Je at Sam.

        " Grabe pare ibigay mo na lang muna ito sa amin. Di mo talaga matiis na di tawagan si Dei no?" react ni Je.

        " Ilang araw na lang ikakasal na kayo. Last chance na naming makakasama kang single tapos sya pa rin talaga kausap mo. Huy, kami muna uy." sabi naman ni Sam.

        " Kayo naman chineck ko lang naman kung nakaalis na sila eh. Maiinitidihan nyo rin ako balang araw." natatawang sabi ni Chard.

        " Ay naku sobrang in love ka talaga kay Dei. Dati dati pag bro time kahit my syota la kang paki sa girl, ngayon kulang na lang iwan mo kami. Nakakatampo na eh." sabi ni Je.

        " Kaya nga pakakasalan ko na diba? Wag na kayong magtampo. Gaya nga ng sabi nyo ngayon lang nangyari ito sa akin. Kaya suportahan nyo na lang ako." sabi ni Chard.

        " Kaya nga kami nanadito diba? Kaya nga natin ginagawa ito in support sa buddy namin na mag aasawa na? All out support kami sa iyo pre, gustong gusto namin si Dei para sa iyo kasi pati kami mahal nya. Kung ibang babae yun baka inilayo ka na nya sa amin. Swerte din kami na si Dei ang mapapangasawa mo. Kasi kahit mga siraulo kami alam namin na importante din kami sa kanya." sabi naman ni Sam.

        " Oo naman mahal din kayo nun. Minsan nga gusto kong magselos pag pinapaalala nya na sbihan kayo pag may cake sa bahay eh." sabi ni Chard na may malapad na ngiti sa labi.

        " Siraulo! Di namin aagawin si Dei sa iyo. Pero pre irresistable talaga mga luto ni Dei. Yung tipong diet ka at nag gigym ka pero pag nakita mo mga luto nya kakalimutan mo yun at di ka na lang mag gigym at kakain ka na lang ng kakain. Ganun ka addictive ang mga luto ng mgapapangasawa mo." sabi ni Je.

        " Don't worry guys nag aaral na sya ng mga guilt free foods. Alam nyo na ayaw nya ring tumaba ako kaya kailangan yung mga di nakakataba na food ang ipakain nya sa akin." sabi ni Chard.

        " Bro frequent sex lang yan, para ka ng naggym ng ilang oras." pagbibiro ni Je.

        " Walang problema sa part na yan. Kung pwede lang nga maya't maya eh kaso kawawa naman si Dei. Kilala nyo naman ako." natatawang sabi ni Chard.

        " Oo na ikaw na pinakamalibog sa ating tatlo. Gago ka baka buntis na si Dei kaya inaapura mo ha." sabi ni Sam na tumatawa.

        " Oy marunong ito. Di pa buntis si Dei, wala pa kaming plano na mag baby.  Saka yang mga ganyan pinag paplanuhan yan. Gusto ko munang ienjoy namin ni Dei na kami lang dalawa. At saka marami pa kaming plano." sabi ni Chard.

        " Tara na tumataas na ang araw. Wala na tayong mahuhuling isda nyan. May gimmick pa tayo mamayang gabi." sabi ni Je sa dalawa.

        At lumakad na nga sila. 

        Nkarating naman ng maayos sa spa sina Dei at inumpisahan nila manicure at pedicure. Para pinareserve nila ang spa dahil sila lang ang tao nung araw na yun. Well sa dami nila malamang di na kailangan ng spa na kumuha ng ibang customer. Sampu silang pumunta dun at panay tawana at kwentuhan lang ang ginawa nila.

       " Excited ka na ba Dei?" tanong ni Janeeva sa dalaga.

       " Ang tanong saan excited si Dei sa kasal ba o sa sex?" tanong naman Maryse sa dalaga.

       Biglang namula si Dei.

       " Syempre sa sex sya excited. Ikaw ba naman magkaroon ng mapapangasawa sing gwapo at macho kagaya ni Rj eh. Ewan ko na lang. Shirtless chard is to die for how much more kung all the way?" pilyang sabi ni Kamille.

       Na lalong nakapagpamula ng mukha ni Dei na ikinatawa lang ng mga ate nya.

       " Wait a minute. Wait a minute." sabi ni Kamille na tinititigan ng maigi ang reaction ni Dei.

       " Oh my God Nicomaine Dei Mendoza! Oh my God!" natatawang sabi ni Maryse.

       " Hahahahah si Nicomaine di na virgin! Nakatikim na ang prim and proper namin!" ang natatawang sigaw ni Kamille na nuon ay nagpapalinis ng kuko sa paa.

       " Ay naku girls matagal na. Maldives days pa. Huli na kayo sa balita. Sa palagay nyo papayag ba si Chard na dun sya natutulog sa apartment nito ng di pa sila nagsesex?" natatawang sabi ni Janeeva.

       " Oh my God talaga. Nagbago ka na Nicomaine!. Nagkaboyfriend ka lang nagkaganyan ka na. At bakit si Janeeva lang ang may alam nito ha?" tanong ni Maryse.

       " Eh kasi lagi kayong wala. Pag tinetext ko kayo di kayo available. Kaya di kayo updated. At saka ikaw na rin ang nagsabi na macho at gwapo si Chard. Di ko matiis eh." pulang pulang sabi ni Dei.

       " Ang landi landi mo!" sabi ni Kamille sabay kurot ng bahagya sa tagiliran ni Dei dahil sya ang pinakamalapit dito.

       Nagtawanan naman ang mga nakarinig. Nag enjoy sila sa maghapong spa at bonding. Sina Chard naman ay busy sa fishing activity nila. Panay rin ang palitan ng text ng dalawa through the day at napagusapan nilang magpatay ng cp sa gabi para maenjoy nila ang kanikanyang party at magkikita na lang kinabukasan para ipakita ang mga pictures.


***********************************************************************************************


Hi guys, sana magustuhan nyo ang prelude ng bachelor at bachelorette party nila Chard at Dei.

 Please don't forget to vote and comment.


After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon