Chapter Fifteen

1.9K 105 3
                                    

Nang matanggap ni Dei ang text ni Chard ay nagmamadali na ang dalaga na mag asikaso ng sarili. Niretouch nya ang lip tint nya at siniguro na maayos ang buhok nya. Pinanonood lang sya ng ate Nikki nya at ni Coleen. Natataranta na ang dalaga.

" Ano malapit na daw ba sya?" ang tanong ni Nikki sa natatarantang si Dei.

" Nagkita daw sila ni Kuya Nico sa station sa bayan. Naku may kasalanan pa ako." ang sagot ng dalaga.

" Buti naman at nagkita sila para di na saya mahirapan hanapin itong atin. Ang aga ha. Ano naman ang kasalanan mo?" ang tanong uli ni Nikki.

" I forgot to tell him that we own the businesses that we work for. I totally forgot to mention it. I was thinking it doesn't matter. That I'll tell him when he ask but he never did. Tapos ayun binida na ni Kuya Nico." ang sagot ni Dei.

" Naku eh di nagulat nung sinabi ni Nico?" ang tanong uli ni Nikki.

" Bakit kasi di mo sinabi?" ang tanong naman ni Nikki.

" Nagulat nga daw sya te. I felt it was insignificant na total employee lang naman tayo nila Nanay at Tatay." sagot ng dalaga.

" Sabagay. Bayaan mo na maiintindihan ka nya kung talagang mahal ka nya. Galit ba sa text?" sabi ni Nikki.

" Not really he just said he was shocked when Kuya Nico told him. Buti na lang yung gas station lang ang sinabi ni Kuya." ang kwento ng dalaga.

" Ang daldal talaga ni Kuya Nico." ang sabi ni Coleen.

" Baka ang akala nya alam ni Chard. But he should know that Dei would never boast about our businesses." ang sabi naman ni Nikki.

Natahimik na ang tatlo at nagpatuloy na si Dei sa pag aasikaso ng sarili nya. Nag apply uli sya ng paborito nyang pabango. Maya maya ay may narinig silang katok at bumukas ang pinto. Si Ate Pepe pala.

" Dei andyan na yung bisita mo. Di mo sinasabi ang gwapo pala." ang kinikilig na sabi ni Ate Pepe.

" Talaga Ate Pepe gwapo?" ang sabay na sabi nila Nikki at Coleen.

Nauna pang tumakbo palabas ng kwarto sina Nikki at Coleen. Excited silang Makita at makilala si Chard.

Nang makapasok naman si Chard sa gate nila Dei. Nagulat ang binate sa laki ng bahay nila Dei. Napakalaki ng bahay ng dalaga. Mayaman pala talaga sila. Pagkagarahe nya ay bumaba na sya ng kotse nya at nakita nya ang mga sasakyang nakapark sa garahe nila Dei. Nilapitan sya ni Nico at inaya nang pumasok sa loob.

" Tara na pre. Tinawag na siguro ni Ate Pepe sila Tatay at Dei." ang sabi ni Nico.

" Ah pre pwede bang magpatulong? May padala kasing ulam ang Lola ko. At may mga pasalubong din ako sa kanila." ang sabi ni Chard.

" Oo bah. Marami ba yan? Kailangan pa ba natin ng ibang makakatulong?" ang sagot ni Nico.

" Kaya na siguro nating dalawa." ang sagot ni Chard.

" Sige akin na yung mga pagkain." sabi naman ni Nico.

Nagtulong na nga silang dalawa na bitbitin ang mga pasalubong ni Chard. Si Nico ang nagbitbit ng malaking bag na kinalalagyan ng mga ulam at dessert na padala ni Lola Linda. Si Chard naman ang nagbitbit ng tatlong maliliit na bouquet at dalawang malalaking bouquet ng mga bulaklak at isang maliit na krton ng sweets ni Dei.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon