Chapter Eighty

1.4K 92 8
                                    



          The next two weeks were Dei and Chard's vacation. Nakabalik na sila mula sa bakasyon at halatang hata na well rested na ang dalaga. Aad silang dumiretso ng Bulacan para dun na magstay para sa nalalapit na kasal ni Coleen that will happen in a few days. Magulo ang bahay nila Dei na nadatnan ng dalawa. Si Dean ang sumundo sa kanila mula sa airport. Naabutan nila na nag lalast fitting ang mga abay kaya agad na pumunta si Dei sa isa sa mga guest room para isukat ang gow na susuutin nya.

        " Wow Dei dumating ka na pala. And you're looking good girl." Ang sabi ng bestfriend ng kapatid nyang si Laine.

       " Thank you girl. Siguro naman after two weeks na walang ginagawa eh magmumukha na akong well rested." Sagot ni Maine.

       " Ows? Maniwala ako s iyo na wala kang ginawa. Lalo na at ang gwapo gwapo ng kasama mo. Sure ka na wala kang ginawa?" Panunukso ni Laine.

       Nagtawanan ang mga kadalagahan na nandun at nakarinig.

      " Ane be. Syempre meron." Pabebeng sagot ni Dei.

      Biglang nagtawanan ang mga abay ni Coleen.

      " Aba at anong pinagtatawanan nyo ha?" Ang biglang sabi ng kapapasok lang na si Coleen.

     " Wala sithy. Bastos kasi itong bestfriend mo. Malisyosa." Natatawa pa ring sabi ni Dei.

     " Aba anong malisyosa doon sa tinanong ko? Tinanong ko lang naman kung may nangyari sa bakasyon nyo ni Chard. Malay ko ba kung anong nangyari. Pwedeng kumain kayo ng kung ano ano o kaya nag ano ano kayo. Ganoon." Pilya ang ngiting sabi ni Laine.

     " Oh kita mo na?" Sabi ni Dei dahilan para magkatawan uli ang lahat.

     Nakisali naman sa tawanan si coleen hanggang sa naging isang masayang event ang pagsusukat nila ng mga gowns nila. Mamaya ay bumaba na ang lahat sa garden para magmeryenda. Nandoon ang ibang kapatid ni Dei at syempre nandun din si Chard.

     Biglang kinalabit ni Laine si Dei.

     " Dei meron bang kapatid si Chard? Pakilala mo naman ako oh." Bulong ni Laine kay Dei.

     " Syempre meron. Isang lalaki at dalawang babae. Kanino mo ba gustong ipakilala kita?" Pagbibiro ni Dei.

     " Syempre dun sa lalaki. Anong palagay mo sa akin tomboy?" Sagot naman ni Laine.

     " Ah sa kuya nya? Kaso may girlfriend na si Kuya RD eh." Sagot ni Dei.

     " Ganon? Pakilala mo pa rin ako. Magbebreak naman yan." Sabi ni Laine.

     " Sige sa wedding namin ipapakilala kita. Pero girl wag umasa ha." Natatawang sabi ni Dei.

    Lumapit agad si Dei sa mga magulang at nag mano. Pagkatapos ay lumapit naman kay Chard.

    " Musta ang fitting?" Tanong ni Chard paglapit ni Dei sa kanya.

    " Okay lang naman. It just needs some adjustment. I gained some weight since the last fitting eh. Ikaw kasi eh. Kung ano ano ang ipinapakain mo sa akin dun ayan tumaba tuloy ako." Reklamo ni Dei.

    " Di ka naman tumaba eh. You lost alot of weight kasi nung nakaraan and now you gained it back lang." sabi naman ni Chard.

    " Oo nga Menggay. Bumalik na yung dating katawan mo. Diba sabi ko sa iyo malaki ang ipinayat mo? Napabuti sa iyo ang bakasyon nyo." Comment naman ng nanay ni Dei.

    " Okay lang naman po Nay kaso lang sayang kasi yung sa akin lang ang ipapaulit imbes na okay na mga damit." Sagot naman ni Dei.

    " Naku Dei wag mong alalahanin yun. That's what we're paying for. Kailangan nilang ayusin ang trabaho nila at kailangan satisfied tayo. Malay mo sa wedding nyo sya ang kunin nyo." Sagot naman ni Mike ang mapapangasawani Coleen.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon