Chapter Seventy-one

1.9K 99 11
                                    


   
      " Dei bumaba na daw kayo para makakain." sabi ni Nico na biglang sumulpotsa likod nilang dalawa.

      Lumingon sila mula sa pagtanaw nila sa Taal lake.

     " Sige Kuya bababa na kami. Let's go." sabi ni Dei.

    Tumango lang si Chard at kinuha na ang kamay ni Dei para alalayan sya nito sa pagbaba. Nang makapunta sila kung saan nakaset up ang pagkain ay nagkakagulo ang lahat. Sabay sabay nagsasalita. Maingay ang pamilya nila na paminsan minsan ay nagtatawanan. Napangiti sina Dei at Chard sa eksenang naabutan nila. Halatang masaya ang mga pamilya nila.

    " Oh eto na pala yung dalawa eh." sabi ng Daddy ni Chard nang masulyapan silang nakatayo lang sa may pinto.

    " Umupo na kayo dito at kanina pa namin kayo hinihintay." sabi ni Nanay Mary Ann sa dalawa.

    Lumapit ang dalawa sa dalawang bakanteng upuan at umupo na. Kumuha na sila ng makakain at nagsimula nang kumain.

    " Rj, gusto sana naming malaman kung kelan nyo ba plano ang kasal nyo?" bungad ng Lolo ni Chard.

    Napalingon si Chard kay Dei na tumingin din sa kanya at hinihintay ang sagot nya.

    " Gusto ko po sana na iopen muna itong resto at kung okay kay Dei after na ng kasal iopen yung coffee shop para makapag focus kami sa wdding preperations namin." sagot ni Chard.

    Bumaling naman ang paningin ng lahat kay Dei.

    " Okay lang naman sa akin Mahal. Kasi malapit na rin naman iopen itong resto pero, pwede ko namang iwan kila Kuya yung construcion nung building diba? So pwede ko na rin paumpisahan yung coffe shop para afterng wedding yung interior na lang at mga gamit yung aasikasuhin namin nila Ate Nikki at Coleen." sagot ni Dei.

    " Okay din sa akin yun. Kung si Nico muna ang incharge sa construction at after the wedding na yung ibang details. Ayokong stress ka habang nagpeprepare ng wedding natin." sagot ni Chard.

    " So this year nyo na rin gustong magpakasal?" tanong ng tatay ni Dei.

    " Opo sana. Baka po kasi magbago pa ng isip eh." kumakamot sa ulo na sabi ni chard na ikinatawa ng lahat.

    " Hala ang daya mauuna ka pa sa akin magpakasal!" reklamo ni Coleen.

    " Di ko na kasalanan kung di ka pa niyayaya ni Mike. Mabagal sya eh." sabi naman ni Dei.

    " Coleen   wag ka ng  magreklamo. Ako nga di na umiimik dito eh." sabat naman ni Nico na ikinatawa ng lahat.

    " Lalo naman si RD." sabi naman ng lola ni Chard na ikinapula ng pisngi ng binaggit.

    " Teka pamanhikan na ba ito?" tanong ni Tatay Teddy.

    " Naku hindi pa Pareng Teddy. Iseset natin sa ibang date ang pamamanhikan namin. Gusto ko eh sa bahay nyo sa Sta. Maria kami pupunta." Sagot naman ni Daddy Ricky.

    " Ah okay. Akala ko pamanhikan na ito eh. Okay lang naman sa amin." sagot ni Tatay Teddy.

    " Tay, kailangan munang mag usap nina Menggay at Chard sa mga gusto nilang mangyari sa kasal nila. Pabayaan muna natin sila." sabi naman ni Nanay Mary Ann.

   " Okay na sige na." sagot ni Tatay Teddy.

   Napangiti na lang sina Dei at Chard sa exchange ng mga magulang nila. Hinawakan ni Chard ang kamay ni Dei at pinisil. Gumanti rin ng pisil ang dalaga.

   Di naman nagtagal ay natapos na ang hapunan nila. Nag paalam na sila sa isa't isa at nauna nang umalis ang pamilya ni Dei. Malapit lang ang kila Chard kaya nagpahuli na ang pamilya nya.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon