Chapter Nine

1.9K 103 1
                                    



                        Pag kaalis ni Chard sa kwarto ni Dei ay dumeretso sya agad sa sarili nyang kwarto para makapaligo. Nang matapos maligo ay hinanap agad nya ang kwarto ng ama. Nang makarating sa kwarto ng ama ay nandun na din ang kuya Rd nya. Nagyakap ang magkapatid. Nag order na lang ng breakfast ang daddy nya para di na sila lumabas at makapag usap pa. habang kumakain ay nag kwentuhan sila.

                       " So RJ kumusta naman ang experience mo sa isla?" ang bungad na tanong ng kuya nya.

                       " Naku Kuya grabe. Nung una akala namin di kami makakatagal. Good thing Dei knows alot about survival. Ang galing. Nakakagulat. It was the first time that I saw ng isang babae na babaeng babae pero marunong ng ganung skills. She knows how to start a fire from scratch, knows how to cook food without condiments pero masarap ha. Basta ikaw din magugulat kung nandun ka." ang ganadong kwento ng binata.

                      " Talaga ba? Naku kung nandun ako eh baka nainlove na din ako kay Dei, eh di naging magkaribal pa tayo. Dun ka ba nainlove sa kanya? Sa mga skills nya in survival? ang tanong at biro ng kuya nya.

                      " Wala kang chance kuya. Added bonus na lang yung mga alam nyang skills. Actually I think I feel in love with her the first time I saw her sa mall di ko lang agad narealize that time." ang sagot ni Chard.

                      " Sa mall? Panong sa mall eh sa plane na kayo unang nagkita diba?" ang singit ng daddy nya.

                      " Actually I met her five years ago. Remember Dad nung sumali akong Candy Cutie sa Candy fair? Nung 2010?" ang tanong nya sa ama.

                      " Oo naaalala ko. Bakit?" ang tanong ng Daddy nya.

                      " Dun ko sya unang nakita pero di ko na sya matandaan sa dami ng nag papicture. I didn't realize this until nang makita ko ung blurred picture namin from five years ago." ang kwento ni Chard.

                      " Talaga? San mo naman nakita?" ang tanong uli ni Daddy Ricky.

                      " Yung ibang gamit sa plane napadpad sa isla pati suitcase ni Dei kasama. Nakakatawa nga eh pinagselosan ko pa yung picture na yun eh ako pala yun." natatawang patuloy ng binata.

                     " Oh tapos ano naman yung sa mall?" naaliw na tanong ng kuya nya.

                     " Nung binilhan ko ng cellphone si Riza nakita ko sya sa mall. Natuwa akong panoorin sya sa kalokohan nya. Naamaze ako kasi ang cute nyang pagmasdan. Di sya nahihiyang mag aarte sa mall. Ginagaya nya yung mga maniquin tapos nag mamake face sya. I'm used to girls na masyadong conscious sa itsura nila. Kaya natuwa ako sa kanya. Then nagulat ako nung nakita ko sya sa plane and the only free seat is sa tabi pa nya. Kaso Kuya sinungitan ako eh. Hehehe." ang pag rereminisce ni Chard.

                    " Oh eh bakit ka naman sinungitan? Baka presko ka agad?" ang tanong ng Daddy nya.

                    " Di yun Dad eh. Alam mo naman ako, never naman akong naging presko." ang sagot niya sa ama.

                    " Sabagay. Oh eh bakit ka nga sinungitan?" ang tanong uli ng daddy nya.

                    " Nagulat kasi ako na katabi ko sya at di ako makapaniwala sa swerte ko tas pareho pa destination namin. Kaso parang ang lungkot lungkot ng mga mata nya. Then pumikit sya na para bang matutulog. Sinamantala ko na tingnan sya. Eh kaso si ko namalayan na nakatitig na pala ako. Akala ko tulog na, gising pa pala. Naramdaman yung titig ko. Ayun sinabihan ako na rude daw ang tumitig." ang kwento nya.

                  Natawa ang daddy at kuya nya sa sinabi nya. Nahampas sya ng kuya nya sa balikat.

                  " Eh pasaway ka pala eh. Bakit mo nga naman tinitigan? Magagalit nga yun. Tapos nakapikit pa ng tinitigan mo." natatawang sabi ng kuya nya.

                  " Di ko natiis kuya eh. Para bang may magnet sya at hinihila nya yung mata ko patingin sa kanya." ang sagot ni Chard.

                  " Naka naman oh, nainlove ka lang eh may pamagnet magnet ka pang nalalaman no? Mantalang nung di ka pa naiinlove balewala sa iyo yang ganyan. Pag nag pakita ng motibo ang chicks at type mo, sugod agad." ang natatawang comment ng kuya nya.

                  " Ganun ba ako ka chikboy nuon?" ang tanong nya sa kuya at bumaling sa ama.

                  " Hindi naman anak. Di ka naman chickboy. Di ka lang seryoso. Para bang you date a girl just for the sake of having a date. Di mo iniinvolve ang feelings mo. Kaya masaya ako at nakilala mo si Dei. May ibang kislap at saya akong nakikita sa iyo." ang sagot ng daddy nya.

                  " Ako rin Dad happy ako na nakilala ko si Dei. Para bang nasa kanya na lahat ng hanap ko sa isang babae na hindi ko akalain na hinahanap ko pala." ang sabi naman ni Chard.

                 " I'm happy for you. Sana si Dei na ang hinahanap mo." ang sabi ng ama nya.

                 " Sya na yun Dad. Sya na yun." ang sagot ni Chard na siguradong sigurado sa sarili.

                 " Pero alalahanin mo RJ bata pa si Dei. Ilang taon na nga ba sya?" ang tanong ng kuya nya.

                 " 21 kuya." ang sagot nya sa kuya nya.

                 " Bata pa nga. For sure marami pang gustong gawin sa buhay nya yan. Ikaw alam kong marami ka pang gustong marating." ang sabi uli ng kuya nya.

                " Di ko naman sya pipigilan kuya sa kung anong gusto nya eh. I'll support her all the way." ang sagot ng binata.

                " Speaking of gustong marating. Nung nag crash yung plane kinontact kami ng boss mo. Ang sabi eh kung mahahanap ka daw namin ay you are welcome to comeback. Your job is still yours." ang report ng daddy nya.

                " Eh pano kung di nyo na ako nahanap Dad? Sila naman ang nagpapunta sa akin doon in the first place." ang tanong ng binata.

               " Sabi nila we will be well compensated daw kasi work related daw yung travel mo. Medyo nainsulto nga ako sa sinabi nila. Pero pinabayaan ko na lang kasi alam ko na makikita ka pa rin namin." ang sagot ni Daddy.

              Natahimik si Chard sa narinig. Tinapos na nila ang almusal nila at maya mya ay tumawawag na sya sa lola nya. Nang marinig ng lola nya ang boses nya ay nag iiyak ito sa telepono. Pero nung sinabi nya na mamaya ay magkikita na sila ay napayapa na ito at excited nang makita sya. Tinapos na nya ang tawag at lumabas na cla ng hotel room ng ama para makapag check out at hintayin ang mag aamang Dei, Tatay Teddy at Nico sa lobby ng hotel. Di naman nagtagal ay bumababa na rin sila Dei. Agad na lumapit si Chard sa dalaga at humalik sa pisngi nito. Namiss nya agad ang dalaga sa saglit nilang paghihiwalay paano na lang kung nasa Manila na sila at nasa kanya kanyang trabaho?

             Lumabas na sila ng hotel at pumunta sa airport kung san nandun ang chopper na mag uuwi sa kanila sa Manila. 


***********************************************************************************************


hi guys, please don't forget to vote kung magustuhan nyo. and please read also Paradise Love my first story. 

thank you and enjoy reading.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon