Chapter Thirty-eight

1.9K 87 5
                                    



            Nag almusal na ang pamilya Faulkerson kasama si Dei. Masayang pinag mamasadan ni Daddy Ricky ang buo nyang pamilya habang kumakain. Kung buhay pa sana ang sawa nya ay mas lalong masaya dahil buong buo ang pamilya nila. Nag bigla syang may naalalang itanong kay Chard. 

            " Rj anak pupunta ba kayo dung ngayon?" ang mahiwagang tanong ni Daddy Ricky.

            Napatingin si Dei kay Chard. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga. Ngumiti lang s kanya si Chard.

            " Opo Dad. I want Dei to meet her." ang sagot ni Chard sa ama.

            " Who?" ang tanong ni Dei.

            " Its a surprise." ang sagot ni Chard.

            " Okay." ang naisagot na lang ni Dei.

            " Oo tama yan. I'm sure matutuwa syang makilala si Dei." ang sagot ni Daddy Ricky.

            " Yes Dad. So love after we eat magbihis ka ha. We're going somewhere bago dumating sina Nico." ang sabi ni Chard.

            " I'm done. Pwede na ba akong magbihis? Tito okay lang po ba?" ang sabi ni Dei.

            " Sige iha para makabalik kayo agad." ang nakangiting sagot ni Daddy Ricky.

            " Thank you po." ang sagot ni Dei.

            Tumayo na ang dalaga at umakyat sa kwarto na inilaan sa kanya. Nang makapasok ang dalaga ay agad itong lumapit sa bag na dala dala nya kagabi. Hinanap nya ang sindress na ibinilin ni Chard na dalhin nya dahil may pupuntahan daw sila bago mamasyal sa Pagsanjan. Kinuha nya ito at inihanger. Mabuti na lang na ang klase ng tela at design nito ay di na kailangang plantsahin. Tinanggal nya ang pagkakatali ng basa pa rin nyang buhok at inilugay ito para suklayin. Nang masuklay nya ang buhok ay pinabayaan nya na itong matuyo ng kusa. Kinuha naman nya ang make up kit na dala nya. Nag apply ang dalaga ng kaunting makeup na mukang natural lang. Nagapply ng liptint. Muli nyang tiningnan ang sarili sa salamin. Nang okay na sa kanya ang nakita ay naupo na sya sa kama. Hinihintay na lang nya na katukin sya ni Chard.

            Habang naghihintay si Dei ay naisip nya kung sino ang ipapakilala sa kanya ni Chard. Excited na kinakabahan sya kung sino man ito. Maya maya ay nakarinig sya ng mahinang katok sa pinto nya. at ang boses ni Chard.

            " Love ready ka na ba?" ang tanong ni chard sa kabilang side ng pinto.

            " Yes I'm ready." ang sagot ni Dei sabay bukas ng pinto.

            Nagulat si Chard pagbukas ni Dei ng pinto. Npakasimple ng ayos ng dalaga pero napakaganda nito. Bagay na bagay kay Dei ang yellow sundress na suot nya. Ang buhok nito ay medyo wavy. Pati ang make up nito ay bagay na bagay dito.

            " Huy! Are you okay?" ang pabiglang tanong ni Dei sa natulalang si Chard kaya nagulat ito.

            " Ha? Ano.. Ano kasi nagulat ako sa iyo." ang sagot ng binata.

            " Bakit ka naman nagulat?" ang natatawang tanong ni Dei kay Chard.

            " Ang ganda ganda mo kasi." ang sagot ni Chard sabay haplos sa pisngi ni Dei.

            " Ay sus nambola pa. Tara na nga. Wag mo na akong bolahin sasama naman ako sa iyo eh." ang natatawang sabi ni Dei.

            " Hindi kita binobola alam mo yan. I'm just saying the truth. And ganda ganda ng girlfriend ko." ang sabi ni Chard.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon