Chapter Fifty-four

2K 102 5
                                    

        Napansin ni Dei na may masayang ngiti sa labi ni Chard habang nagbibihis sila kaya napapangiti na rin nya. Di pa rin maalis sa isip nya ang pinagsaluhan nila kanina sa banyo.  Nagulat sya na pwede pala ang ganung posisyon at enjoy din pala.  Halatang marun9ng ng mga posisyon si Chard.  Naalala nga pala nya na chickboy ito bago sya nakilala.  Pero sabi ng binata na simula nang makilala sya nito ay wala ng appeal ang ibang babae dito.  flattered naman sya.

          Nang matapos magbihis si Dei ay umakto syang lalabas na pero ang pasaway na Chard ay pinigilan sya sa kamay. Napatingin tuloy sya sa binata.
          " Bakit? " takang tanong ni Dei.

          " Wag na kaya tayong lumabas?  Dito na lang kaya tayo?  Maglabing labing na lang kaya tayo? " ang naka puppy eyes na sabi ni Chard kay Dei.
 
           Biglang hinampas ni Dei ang braso ni Chard.

           " Pasaway ka.  Ano tayo honemooners?  Tara na let's explore outside.  Mamaya na yang labing labing na yan. " ang sabi naman ni Dei.

            " Pwede naman eh.  Advance honeymoon. " ang sagot ni Chard na pilyo ang ngiti.

            " Gusto mo iwan kita? " pananakot ni Dei.

            " Eto na eto na.  Pero mamaya ha.  Labing labing tayo ha.  Sabi mo. " ang sabi ni Chard sabay akbay kay Dei.
 
            
             " Ha?  When did I say that? " pagkakaila ni Dei.

             " Kanina bago tayo lumabas ng kwarto. " sagot naman ni Chard.

             " I can't remember. " pagkakaila pa rin ng dalaga na pigil ang ngiti.

              " Hala grabe sya oh.  Nakalimutan agad?  Sige na love.  Mamaya ha labing labing. " pakiusap ni Chard.

              " Ang cute mo. " sabi ni Dei sabay haplos ng pisngi ni Chard.

              " Sige na ha mamaya?" ang nakangusong paglalambing ni Chard.

              " Pag good boy ka papayag ako." ang nakangiting sagot ni Dei.

              " Hala ang daya  oh. Sabi mo kanina meron pa eh." ang pamaktol na sabi ni Chard.

              " Ay naku Ricardo umayos ka nga. Puro labing labing na lang ba ang nasa isip mo? Dapat pala di ako pumayag eh." ang sabi naman ni Dei.

              " Oy hindi ganun yun ah. Di lang yun ang nasa isip ko. Masaya lang ako at syempre nag eenjoy ako. Ikaw ba hindi?" tanong ni Chard.

              " Nag eenjoy din." ang sagot ni Dei.

              " So meron nga mamaya?" pilyong tanong nanaman ni Chard.

              " Mahal why so kulit?" natatawa nang tanong ni Dei.

              " Love why so kulit din?" natatawa na rin si Chard sa palitan nila.

              Nang mga oras na yun ay nasa may beach side na sila at naglalakad. Maraming tao ang nagsasun batihing pa rin kahit mababa na ang araw. Sari saring lahi ang nandun. Maya maya ay pareho silang nagulat nang biglang may humawak sa kamay ni Chard.

              " Richard? Is that really you? Oh my God I can't believe it." ang sabi ng isang puti na humawak sa braso ni Chard.

              Nilingon ni Chard ang babae at sandaling kinilala at nagliwanag ang mukha ng binata nang makilala ito. Si Doi naman ay nakakunot ang noo na tiningnan ang babae na nakahawak pa rin sa braso ni Chard.

After Paradise ( a sequel to Paradise Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon