Chapter Two: Lucky?? Not really.

2.1K 46 19
                                    

 

POV of Lucky

 

After Twenty-five years

 

Hello ako si Lucky! Tatay ko nga pala si Luhan, hindi po ako yung bida! Pero may role pa rin ako sa story. May kapatid po ako, si Faith, kaso namatay sya nung 18 kami dahil sa sakit nya. Si mama naman, nagtatrabaho pa rin, bata pa lang ako nung namatay yung papa ko kaya onti lang ang alam ko sa kanya at isa na rito eh PURE BLOOD SYA NA WEREWOLF. Bale half werewolf na ko. Bilang anak ng pureblood eh ako ang leader ng NWA hangga’t hindi pa napapasa yung pureblood rights. May asawa ako at buntis na rin sya sa panganay namin.

 

“Hay naku Lucky-naisip mo na ba kung ano yung pangalan ng anak natin?” tanong ng asawa ko.

“Hindi eh”

 

“Luhh magisip ka kaya” sabi nya

“Eh kung Luke na lang, hahaha”

 

“Sige sige! Para L din”

“Whahaha see? Matalino ako!”

Umuwi na kami sa bahay, pinauna ko na si misis kasi dumaan pa ko kay mama. Pagpunta ko kay mama, as usual, busy sa trabaho nya. “Mama hello” nagbless ako tapos kiniss ko sya sa cheeks “Haay-kumain ka na ba?” tanong nya sakin, I nodded “Sina tito Chen ba may balak na sumali sa business?” tanong ko, she shook her head “Wala kang maaasahan sa Jongdae na yun” sabi nya lang.

“Mama, napagdesisyunan namin na Luke na lang ipangalan sa baby namin”

 

“Okay rin yun”

 

“Mama-di ba po pwede ipasa yung paigiging pureblood?”

“Oo”

 

“Mama, sana naman wag mapasa sa anak ko”

“Sana nga anak-“

 

“Mama aalis na po ako”

POV of Otor

Nanganak ng malusog na batang lalaki ang asawa ni Lucky. Gaya ng pinangarap nya ay hindi napasa sa anak nya ang pagiging pureblood. Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat at limang dekada ngunit wala pa ring pinagpapasahan ang pagiging pureblood. Makalipas ang isandaang taon eh wala pa rin. Halos hindi mo na malalaman kung sinu-sino ang mga kadugo ni Luhan sa dami ng mga taong lumipas. At habang walang pinuno ay nananatiling tago at alerto ang NWA dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang pinuno.

Magsisismula ang panibagong henerasyon sa isang bahay ampunan.

POV of Someone

 

Malamig na, December na kasi eh-naglalaro ang mga bata sa may sala ng ampunan, “Naku Jade wag kang tatakbo, baka madapa ka” sabi ko kay Jade. Ang ingay nila, nakakatuwa, pero natahimik lahat nung may kumatok. Maaga pa, mga 5 ng umaga, gising na rin yung mga bata kasi aalis kami ngayon. Binuksan ni sister Mary yung pinto “Diyos ko-ipasok mo ang bata, malamig sa labas” sabi ni sister at pinasok na ang bata-isang cute na batang lalaki sa basket at may sulat.

Sister,

 

Pasensya na po kung iiwan ko dito ang bata-sana po alagaan nyo sya. Sana po Han ang ipangalan nyo sa kanya dahil sa bukangliwayway ko sya iniwan. Maraming salamat po.

 

“Hello Han, natatakot ka ba?” kinarga ko ang bata, mga 3 buwan pa lang sya at ampula pula nya dahil sa lamig sa labas.

“ATE!! PATINGIN KAMI” sinilip nila si Han at kinarga

“Ang cute nya ate! Para syang anghel!”

“Alagaan nyo si Han ah-sya ang bago nating baby” sabi ko sa kanila.

Hindi na namin natuloy ang pag-alis, sa halip ay inalagaan namin si Han. Natuwa ang mga bata kay Han, may parte sa kalooban ko na gustong gusto ko sya angkinin at alagaan na lamang ngunit hindi pwede, hindi ko sya mabubuhay mag-isa. Kaya laking tuwa namin ng may mabalitaan kaming gustong mag-ampon kay Han. Sina Mr at Mrs Lu. “Mrs. Lu, si Han po-5 months old po” sabi ni sister at inabot ko si Han sa kanila. Hahanapin kita Han, wag kang mag-alala.

“Sige po, ay kay gwapong bata-Chinese din! Sige po sister ia-adopt namin si Han, Han Lu…ang cute” sabi ni Mrs. Lu

“Maraming salamat po Mrs. Lu”

“Whaa babye Han!” sabi nung mga bata sa walang kamalay-malay na bata.

Iyakin si Han, umiyak sya nung kinatga sya nina Mrs. Lu, kiniss ko sya sa noo-sana maging maganda ang buhay mo Han. Napamahal na sakin si Han dahil sya ang unang baby na pinalaki ko sa orphanage. 15 pa lang ako, dito na ko tumira matapos mamatay ang mga magulang ko dahil sa mga BAMPIRA. Maniwala kayo sakin, totoo ang sinasabi ko.

POV of Otor

Pinalaki ng pamilyang Lu si Han ng maayos, nabibigay sa kanya ang luho at pera, maayos na tahanan at maraming kayamanan ngunit may kulang pa rin sa pagkatao ni Han na hindi mapaliwanag. Sino nga ba ang mga taong walang awa na iniwan ang bata sa bahay-ampunan? At ano ang kinalaman ni Han sa mga kamatayan na balita sa paligid mula nang ipinanganak sya?

A/N:

 

Hello guys? Ok lang ba yung chapter?

 

VOTE.COMMENT.FOLLOW.SHARE??

I Love You, Wolf. (Book Two of YW-HW)*Fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon