V-Day #7: Nichkhun and Yoonice

855 24 9
                                    

POV of Yoonice

 

Ibibigay ko ba o hindi….aish…

Oo, may ginawa akong letter para kay Luhan, aish, pero alam ko never nya ko bibigyan, sino ba ko? Di ba ako si pards? Kumpare nya, bestfriend, Tinkerbell, eh si Diane? Sya si Wendy…yung gusto ni Peter Pan, hindi ako yun…aish…ang hirap nga maging Tinkerbell. Haha relate ba kayo?? HANDS UP MGA TINKERBELLS!!! Hahahaha, magbibigay ba ko o hindi? “Hoy Yoonice, may bibigyan ka ba?” nagsimula na naman si Nichkhun oh! “Oo, bakit??” tanong ko “Kasi…wala lang…huhulaan ko ah…starts with letter L…ends with letter….asbdfghjkl” tinakpan ko agad yung bibig nya.

“OO NA! DI MO NA KELANGAN ISIGAW SA EARTH!”

 

“Hahaha, sabi ko na nga ba eh!”

 

“Psh, as if tatanggapin nya, kasi sure naman ako na si best yung bibigyan nya, hindi ako…”

 

“Pero malay mo naman…”

 

“Khunnie….stahp et…wala na, wala na kong pag-asa”

 

Aish…oo na, at least naman tanggap ko di ba? Aish…ako na malas! Ayan, lunchbreak na…ready na yung letter ko:

 

 

Dear pards,

 

Hello pards! Unexpected ba na ako yung magbibigay sayo? Whahahaha di kasi ako magaling sa ganto, hindi ako vocal sa feelings ko, alam mo yan di ba? Naalala mo nung bata pa tayo? Nung tuwing summer pupunta tayo sa beach tapos magsi-swimming, ewan ko ba kung tao ka pa kasi di ka nangingitim tas ako parang sunog pagkatapos nung araw, nakakatawa nga kasi ang likot natin, naalala mo nung nadapa ako tas binuhat mo ko? Akalain mong macho ka pala?! Ayan…siguro nga antagal na natin mag-best friends, pero alam mo ba Luhan? Habang tumatgal yung friendship natin, may weird akong nararamdaman…

 

Well, sure ako ikaw okay lang, wala lang, pare mo ko, pero ako kasi…ewan ko, parang ang weird neto, parang feeling ko…unti-unti akong nahuhulog sa bangin…este sayo, aish, nakakahiya…PARDS!! Sorry ha! Sorry kung nahuhulog na ko sayo, promise hanggang dito lang, hanggang dito na lang kasi alam kong may Wendy ka na eh, ok lang na ako yung Tinkerbell mo, masaya na ko na kahit hindi ako yung taong nagpapangiti sayo, alam ko na ako yung unang taong lalapitan mo sa problema mo. Masakit man, eto talaga yung dapat kong gawin eh, ayokong maging awkward ka sakin pag nabasa mo to…salamat sa pagpapasaya sakin, salamat sa lahat at sa friendship.

 

I LOVE YOU PARDS! HAPPY VALENTINE’S DAY!!!

 

Love,

Pards xoxo

 

Aish~pano ko to ibibigay?

 

I Love You, Wolf. (Book Two of YW-HW)*Fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon