POV of Luhan
“Gusto mo ng maraming souvenier baby?” –Suho
“Hihihi, answeet mo naman liit” –Hara
“Maka-liit, mas matangkad ako sayo”
Totoo? Palabas pa lang kami ng plane eh nilalanggam na sila! Eto namang katabi ko naka-headset! “Hoy Dada…kausapin mo kaya ako, OP na ko” sabi ko, kinalbit ko nga “A-ano?” tinanggal nya yung headset, mga 11 kami nakarating dito at…sira-sira yung paligid, puro mga volunteers din yung nandito. “Ayan, kayong dalawa sa stress debriefing ah…tulungan nyo sila pasayahin yung mga bata” sabi samin ni sir.
Bale:
Krissha at Lay –Medical
Daphne at Sir Jihoo–Feeding program
Yoonice at Nichkhun–livelihood
Michelle at Sehun-Relief goods distribution
Ako at Diane –Stress debriefing
Winter at Siwon –restoration
“MAGLILINIS LANG KAMI?” reklamo ni Winter
“Well kasama nyo yung ibang volunteers”
“Asar naman”
“Yehey mga bata” sabi ni Diane sakin
“Masaya ka na nyan”
“Dun muna tayo sa camp site natin para maka-settle na tayo ar sisimulan pa natin lahat” sabi ni sir, sumakay kami sa jeep, first time ko sa jeepney!!
“Astig” sabi ko kay Diane
“Ay pinapabigay pala ni Dean, nakalimutan ko ibigay sayo kahapon” may inabot na envelop si Siwon kay Diane, may pulang seal. Agad na nagbago yung expression nya.
Aish~ano kaya yun? Curious tuloy ako ngayon. Masaya yung jeepney experience ko kasi tawanan lang kami na parang baliw. Well mga 45 minutes ride yun… andaming mga bata na nanlilimos sa daan at talagang sirang sira yung mga bahay. Nakarating kami sa isang site na puro volunteers lang, dun nilagay yung dala namin tapos by group din yung tents namin. “Ayan, so sunod na sakin yung sa repacking, tapos sa kanila yung sa stress debriefing, sa livelihood…” ayun dun kami sa babae. “Hello, ako si Ate Zhey, mga bata yung papasayahin natin ha?” sabi nya.
“Ah Diane po, saka Luhan” pakilala ni Dada
“Ahh okay, sige dun tayo”
Pumunta kami sa isang open field, may mga bata dun na nakaupo, yung iba umiiyak, yung iba nag-uusap. “Hello, may bisita tayo…sina Kuya Luhan at Ate Diane, sila yung bago nating kalaro” sabi ni Ate Zhey, nagpalakpakan silang lahat. “Kayo muna dito, kukunin ko lang yung pagkain nila, pa-color nyo muna yung coloring books” sabi nya. Kinuha namin tapos binigay sa mga bata. May isang bata na tahimik dun sa corner. “Ayan, kulayan muna natin yan ha-tapos laro tayo pagbalik ni Ate Zhey, ok lang ba yun?” tanong ni Diane sa kanila “OPO” sagot nila sabay nagkulay sila. Linapitan ni Diane yung tahimik na bata, kaya naman sinundan ko sya.
BINABASA MO ANG
I Love You, Wolf. (Book Two of YW-HW)*Fin*
Hayran KurguHistory Repeats Itself~With a Twist.