Chapter Eighteen: THE TRUTH

1.4K 43 9
                                    

POV of Diane

Ang lamig, sobrang lamig “Diane, Diane gising” may boses, pagmulat ko, si Luhan? “Luhan?” tanong ko “Nasa clinic ka, anong nangyari? nakita na lang kita dun sa may likod ng school na walang malay, andaming dugo na nawala sayo-ok ka lang? Hoy sumagot ka” sabi nya sakin “Oo” I nodded “Di ko maalala” sabi ko, tumayo ako pero natumba rin ako, nasalo ako ni Luhan. Napaiyak ako habang nakasandal sa kanya “Natatakot ako Luhan” sabi ko sa kanya.

“Sssh, it’s okay”

 

“Wala kong maalala…si Sehun…”

 

“Huh?”

 

“Si Sehun-“ biglang bumukas yung pinto ng clinic…si Yoonie

“Sorry” sabi nya sabay lumapit sakin

 

“Di ka makatayo ng maayos eh-“ pinaupo ako ni Luhan…nahihilo pa ko.

“Ok lang” sabi sakin ni Luhan

“Best---anyare? San ka galing? Ba’t ganun?” tanong sakin ni Yoonie

“Di ko rin alam…”

Sabi nung nurse pwede na daw ako bumalik sa dorm, aish-naguguluhan ako…naalala ko si Sehun…saka si Michelle, pero san galing yung sugat ko? Saka…bakit ganun? Pumunta muna ako sa may playground, yun yung ‘area’ ko na pwede ako magisip. “Charmaigne” narinig ko si Sehun…oo, alam ko si Sehun yun…sya lang naman yung natawag ng Charmaigne sakin eh. Tumayo na ko, pakiramdam ko natatakot ako pag lumapit pa sya. Aalis na ko, kaso hinawakan nya yung kamay ko “Sorry” sabi nya, I turned to him “Bakit?” tanong ko sa kanya “Kasi-muntik na kitang…” napahinto sya “Mapatay-sabihin mo nga, tulad ka ba nila?” tanong ko kay Sehun.

Namumuo na yung luha ko, pag naaalala ko lahat ng yon, naiiyak ako…sina mama, si papa, pareho silang pinatay ng mga hayop na yun…tapos kinuha nila yung step sister ko. Wala na silang lahat dahil sa mga halimaw na yun “Charmaigne…hindi ako normal” sabi nya

“Alam ko”

 

“Alam mo?”

 

“Yung tulad mo---yung pumatay sa pamilya ko”

 

“A-ano…”

 

“Werewolf, napansin ko yun…akala ko nakalimutan ko pero hindi…the moment your eyes turned red…lahat ng sakit dati, bumalik” sabi ko sa kanya

“Sorry”

 

I Love You, Wolf. (Book Two of YW-HW)*Fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon