Spring Two
“Name”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?” singhal ko sa kanya.
“Ganyan ba talaga dapat ang pagbati mo sa akin tuwing umaga? Masyado naman yata akong espesyal sa’yo. Ako lang kasi ang binabati mo ng ganyan eh.”
“Eh ikaw lang naman ang miyembro ng Kingdom Animalia na daig pa ang hayop!”
“Parang timang naman ‘yung sinabi mo. Nagda-drugs ka ba?”
Sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Mabuti nang buhok ko ang sinabunutan ko dahil kung siya pa ang sasabunutan ko, baka ubusin ko na ang lahat ng hibla ng buhok sa ulo niya.
“Hindi! Overdosed na nga ako sa umay diyan sa pagmumukha mo tapos magda-drugs pa ako? Mag-isip ka nga!”
“Bakit napasok ang pagmumukha ko rito?”
“Alam mo, Jet, ‘di ka pa talaga puwedeng mamatay,” sarkastikong sabi ko.
Ngumisi siya. “Bakit? Dahil ‘di mo kayang mawala ako?”
“Gago! Hindi ka pa puwedeng mamatay kasi ang sama-sama mo! Marami ka pang pagdadaanang pagdurusa sa mundong ito!” sigaw ko sa kanya.
“Hindi pa ba ako nagdurusa sa tuwing sumisigaw ka?”
“Eh ‘di umayos ka kung ayaw mo akong sumigaw!”
“Maayos naman ako.”
“Maayos!? Kung maayos ka, bakit pinakialaman mo na naman ang diskarte ko!?”
“May diskarte ka?”
“Naman, Jet! Hindi mo man lang ba naisip na gusto kong pumunta sa event na ‘yun?”
“Ano naman ang gagawin mo doon?”
“Kailangan ko pa bang sabihin ‘yun?”
“Oo.”
“Buwiset.”
Nagkibit-balikat siya. “Bahala ka.”
Umupo ako sa tabi niya at humalukipkip. “Alam mo naman, so sasabihin ko na lang ulit. I hate you.”
Imbes na magalit o mainis siya, lumapad lang ang ngisi niya. “Tapos?”
“Makarma ka sana.”
“Ang pagkakaalam ko, ikaw ang nakakarma,” nakangising sabi niya.
Ayoko na siyang kausapin kaya’t tumayo na ako. Wala rin naman akong mapapala sa pakikipagtalo sa kanya. Nangyari na eh. Wala na akong magagawa. Palagi namang ganito. Basta siya ang gumawa ng isang bagay, final na ‘yun. ‘Di ko na mababago ‘yun. At sa pagkakataong ito, sinabi lang naman niya sa kaklase naming birthday celebrant na hindi ako pupunta sa birthday niya. Leche. Nakakainis. Sayang ang event na ‘yun. Sayang talaga.
Agad naman niya akong hinila paupo noong nagsimula na akong maglakad. “Ano ba!?”
“Gusto mo ba talagang pumunta doon?”
“Kung oo, may magagawa ba ako? Final na ang guest list nila. At hindi naman ako pa-VIP para magbago ang isip till the last minute. At mamayang gabi na ang event,” badtrip kong sagot.
“Anong pangalan ko, Miki?”
“Huh? Ganyan ka na ba ka-tanga para tanungin pa sa iba ang sarili mong pangalan?”
“Ayaw mo yatang pumunta sa event na ‘yun eh.”
“Sinabi ko ba? Tigilan mo nga ako, Jethro Young.”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
