Spring Fourteen
“Knight”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Miki!”
Lumingon ako at nakitang tumatakbo si Wesley papalapit sa akin. “Saan ka pupunta? Tutulungan na kita.”
Nilahad niya ang magkabilang kamay niya para kuhanin ang hawak kong mga libro. “Kaya ko na ‘to,” sabi ko while giving him a weird look. Kaya ko naman na kasi ang mga librong ito. Hindi ko naman bubuhatin ang mga ito kung hindi ko kaya. Ano ako, tanga?
“Sige na. Minsan na nga lang kita matulungan eh.”
Wala na akong nagawa dahil naagaw na niya sa akin ang mga libro. Nagkibit-balikat na lang ako. “Sige, ikaw ang bahala. Salamat.”
“Saan ka ba pupunta?”
“Sa gym.”
“Sa gym? Eh bakit may dala-dala kang libro at bakit dito ka sa quadrangle dumaan? Mas malapit doon sa field, ah?”
“Galing kasi ako sa library. Hiniram ko ‘yang mga librong ‘yan at doon ko babasahin sa gym.”
“Bakit sa gym ka magbabasa?”
“Nandoon si Jet eh.”
He gave me a weird look. “Hindi ko talaga alam kung paano mo natatagalan ‘yang si Jet,” sabi niya. “Sobrang imposible kaya ng lalaking ‘yun.”
“Alam ko. But if you can’t fight it, then deal with it. Besides, sanay na ako sa topak niya kaya hinahayaan ko na lang.”
Umiling siya. “Ngayon alam ko na kung bakit binabakuran ka ni Jet.”
“Huh?”
“Wala. Tara, ihahatid na kita sa gym. Baka—”
“Takte!”
“Pigilan niyo, pigilan niyo!”
Nanlaki ang mga mata ko noong may mga lalaking nagsusuntukan habang papalapit sa amin. Sobrang bilis nga mga pangyayaring kaguluhan at hindi ko namalayang muntikan na nila akong masagi. Muntikan lang dahil agad akong inakbayan ni Wesley at inilayo sa mga nagrarambol. “Anong nangyayari!?” tanong ko. Susundan ko na dapat ang mga nagrarambol, pero pinigilan ako ni Weslely.
“Miki, sandali lang—”
“No, I have to see what’s going on.”
“Pero madadamay ka.”
“Ayos lang. I’m a Student Government officer, after all. At tungkulin kong panatilihin ang peace and order sa loob ng unibersidad.” Lumapit ako sa mga nagsusuntukang lalaki. “Hey, stop it! Stop it!”
Hinawi ko ang crowd at nag-make way naman sila para sa akin. “Tama na ‘yan!” sigaw ko.
Hindi tumigil ang mga nagsusuntukan. My gosh. Paano ko pa sila mapapatigil? Napakagat ako ng labi. Alam ko na.
Pinakawalan ko ang isang nakakabingi at matinis kong tili.
“Argh! Shit!”
“Takte!”
“Aray! Ang tainga ko!”
“Potek!”
Biglang tumahimik at tumigil ang mga nagsusuntukan. Nagpamewang ako. “Anong nangyayari sa inyo!? Anong rambol ‘to!?” sigaw ko sa kanila. Napangiwi sila dahil sa lakas ng boses ko. Oh, well. I’ve always been told na nakakabingi talaga ang boses ko. Pero minsan, it comes in handy naman. Katulad na lang sa mga ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
