Spring Twenty Three
“Deal”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
Siguro ay nagkaayos na sila. Paano ko nasabi? Eh palagi silang magkasama eh. Palagi ko silang nakikitang magkasama. So anong ibig sabihin ng bagay na iyon, ‘di ba? Malamang nagkaayos na sila.
I should be happy. Finally, I’m free.
But honestly? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Para kasing… parang hindi ako makahinga eh. Parang mabigat.
… parang wala na siya.
… parang wala na si Jet sa akin.
Then again… he’s never mine to begin with.
I was just his.
… was.
Dahil ngayon, alam kong nakalaya na ako mula sa kasunduan namin limang taon na ang nakalilipas…
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Did you try locating her?” tanong ko sa kanya. Binigyan niya ako ng isang malamig na tingin. I sighed. “Look, Jet. Kung hindi mo rin lang naman ako kakausapin, aalis na ako.”
Tumayo na ako para umalis, pero agad niya akong hinila pabalik sa upuan ko. “Stay.”
“Stay? Para ano? Para makatanggap lang ng cold stares mo? Jet, how many times do I have to say sorry?”
“May magagawa ba ang sorry mo?”
“Eh anong gusto mong gawin ko? I did everything na!” sabi ko. “Anong pang gusto mong gawin? Gusto mo bang hanapin ko siya? Fine! I’ll quit school para hanapin siya!”
Okay, I was exaggerating. Pero nakakainis na kasi! Alam ko namang mali ako eh. Pero ano pa ba ang gusto niyang gawin ko? Sinubukan ko na rin namang hanapin si Jazel eh. Humingi pa ako ng tulong sa parents ko para mag-hire ng private detectives, pero wala, hindi ko siya mahagilap. At halos araw-arawin ko na ang paghingi ko ng tawad kay Jet. Ano pa ba ang gusto niyang gawin ko?
Hindi ba niya maramdaman ang sinseridad ko? Ma-pride akong tao, pero nilulunok ko ang pride ko sa tuwing humihingi ako ng tawad sa kanya dahil may pagkakamali ako. Pero hindi lang naman ako ang mali rito eh. Oo, in the first place, ako ang nag-trigger ng gulong ito. Pero hindi ito aabot sa ganito kalalang sitwasyon kung pinakinggan lang sana kami ni Jazel.
Naiintindihan ko naman ang galit niya. Pero utang na loob. Anong mararating ng galit niya? Kung ba naman hindi siya umalis at pinalipas na lang muna ang galit niya, ‘di sana posible pang makapagpaliwanag ulit ako sa kanya. At kung ba naman hindi sarado ang utak niya…
“Wala ngang nagawa ang mga private detectives, ikaw pa kaya,” malamig na sabi ni Jet.
“Eh ano ngang gusto mong gawin ko? Jet, kilala mo ako. Hindi ko lulunukin ang pride ko kung hindi sincere ang paghingi ko ng tawad.”
Tiningnan niya ako nang matagal. “Alam mo ba kung anong ginagawa sa mga nagkakasala?”
“Ano?”
“Pinaparusahan. At alam mo ba kung anong nangyayari sa mga gumawa ng kasalanan?”
Napalunok ako. “Ano?”
“Nakakarma.”
Natigilan ako. “Pero pinagsisisihan ko naman iyon,” mahinang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Подростковая литература“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
