Spring Seventeen
“Tickle”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“What!?”
Agad akong napatayo. Hinihingal si Riki habang pinapaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay. “Oo nga! My gosh! Tara na, Miki!”
Inulan ko siya ng mga tanong habang tumatakbo kami papuntang gym. “Bakit? Paano? Kanina pa ba? Anong nangyari? Paano nangyari ‘yun? Bakit—”
“Miki! Hindi ko alam, okay? Nakatambay ako sa gym at hindi naman ako nakatingin sa court dahil nagsu-surf ako sa tablet ko tapos biglang nagsigawan ang mga players! At ayun, nakita ko na lang na nakahandusay sa sahig si Jet!”
OMG. Dali-dali akong tumakbo at pagdating ko sa gym, may crowd na namuo sa gitna ng court. “Excuse me! Padaan po!” nagmamadaling sabi ko. Hindi ako pinansin ng mga babaeng nakaharang. Nasagi pa ako sa tagiliran. “Ouch.”
Nagpatuloy ako sa pakikipagsiksikan hanggang sa makita ko si Jet na nakahiga sa sahig habang hawak-hawak ang binti niya. “OMG, anong nangyari sa’yo?” dali-daling tanong ko. Nasagi ko na ang mga nakaharang sa harapan ko at agad akong lumapit kay Jet.
“Miki,” bulong niya sa’kin noong umupo ako sa tabi niya.
“Anong masakit?” natatarantang tanong ko. “Anong nabali sa’yo? Anong nangyari? Teka, bakit nandito ka pa? Nasaan ang medics? Nasaan ang—”
“Miki, calm down,” nakangising sabi niya sa akin. My gosh, nagagawa pang ngumisi ng abnormal na ‘to.
“Paano ako kakalma eh mukha kang kakatayin diyan sa sahig!?” I snapped at him.
Mas lalong lumapad ang ngisi niya. “Kailangan lang palang ma-aksidente ako sa laro, makita ko lang na nagkakaganyan ka.”
Tiningnan ko siya nang matalim. “Puwede ba, Jethro? Wala ako sa mood para makipagbiruan!” sabi ko. Tumingin ako sa crowd. “Bakit walang nagdadala sa kanya sa clinic? Nasaan ang medics!?”
“Bawal igalaw kaagad. Baka mas mapasama pa,” sabi ni Kurt.
“Alam ko! Eh gaano katagal pa ba siyang nakahandusay rito? I mean, call the medics, for heavens’ sake!” sigaw ko sa mga teammates niya. Nataranta naman silang nagturuan kung sino ang tatawag ng medics. Leche. Ano ba naman ‘tong mga players na ‘to? Ang tatapang sa court tapos ‘di na alam ang gagawin kapag may isang na-injure.
“Jet,” mahinang sabi ko. “Saan masakit?”
Tinuro niya ang kaliwang binti niya na kanina pa niya hinahawakan. Dahan-dahan ko namang hinawakan ‘yun. “Dito ba?”
“Takte, Miki,” biglang bulong niya.
Agad kong inilayo ang kamay ko. “Bakit? Sobrang sakit ba?” nag-aalalang tanong ko.
“Oo, pero—”
“Ano?”
Tumango siya at pinalapit ako sa kanya. “Huwag mong hawakan.”
“Huh? Bakit?”
“It… tickles.”
Agad akong umupo ng tuwid. Pakiramdam ko ay uminit nang husto ang mukha ko. “Jet!” saway ko sa kanya.
“Oh, oh, layas na, layas na. The show’s over,” biglang sabi ni Riki habang pinapaalis ang mga nakikiusisang estudyante.
Dumating na ang mga medics at nilagay si Jet sa stretcher. Dali-dali naman akong sumunod sa kanila habang dala-dala nila si Jet papunta sa clinic.
![](https://img.wattpad.com/cover/10056589-288-k472108.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”