Spring Five: "Trauma"

4.1K 134 9
                                    

Spring Five

“Trauma”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?”

“Pinaalis ko na ang mga bus papunta sa bayan.”

Seriously!? Inamin niya kaagad? Mukhang alam niyang nagtataka ako dahil sinabi niya kaagad kung anong ginawa niyang kalokohan. Ngumisi siya at nagkibit-balikat.

“Bakit mo naman ginawa ‘yun?” asar kong tanong.

“Nagtaka ka pa,” maarteng sabi ni Riki habang hinihipan ang mga kuko niya.

Right. Nagtaka pa ako. Gusto niya lang talagang sirain ang araw ko. “Nakakainis ka! Last day ng team building ngayon tapos pinaalis mo ang mga bus nang hindi ako kasama? At bakit hindi kayo sumama?”

“I don’t go to cheap bars,” maarteng sabi ni Riki.

“Bakit naman ako sasama doon?” tanong naman ni Jet.

“Hindi ba uso sa inyo ang salitang team? Wala kayong pakisama. Lalo ka na, Riki. President ka pa man din ng Student Government tapos ikaw pa itong wala sa last event ng team building? Nakakaloka kayo!”

“Eh I don’t go to cheap bars nga eh. Haler, probinsya ito. Liblib pa. Nagulat nga ako noong sinabing may bar daw dito eh. As in… shocked. I mean, anong ise-serve nila doon? Katas ng niyog?” Tumawa si Riki.

“OMG, ang mean mo! Ang lakas ng loob mong tumakbong presidente, pero grabe ka makapanlait!” Sobrang bratinello talaga ni Riki! Hindi ko talaga alam kung paano ko naging best friend ang baklang ito.

“Eh nanalo naman ako eh. Saka ano bang problema kung ako ang presidente? Nakikinabang naman sila sa funds ko, ah?” masungit niyang sabi.

Iyan! Wala naman talaga siyang kuwenta sa Student Government eh! Pera lang niya ang nagtatrabaho para sa kanya. At alam kong may kinalaman si Jet sa pagkapanalo niya. Malamang alam ko dahil sabi ni Jet, tutal ako naman daw ang Vice-president, ako na lang daw ang bahalang magpatakbo ng Student Government gamit ang funds na dino-donate ni Riki. Kaya lang naman tumakbong presidente si Riki eh para may maipagmalaki siya sa papa niya. Leche. Alam kong abnormal talaga ang mga tao sa paligid ko. Ako lang talaga ang normal.

“You’re both evil,” asar kong sabi.

“Excuse me, Miki, hindi ako evil. Sa pagkakaalam ko, kayong dalawa ang evil,” maarteng sabi ni Riki. “Kaya nga nagkakasundo kayo eh.”

“Kailan pa kami nagkasundo niyan?” gigil kong tanong. Umupo ako sa bamboo sofa at humalukipkip. Leche. Wala na akong magagawa. Umalis na ang bus papuntang bayan at naiwan kaming tatlo dito sa cottage ng Mount Iris. Kung susubukan ko mang lakarin papuntang bayan, baka umaga na ako makarating doon. Nakakainis talaga si Jet.

“Alam mo, Miki, kung ba naman nagising ka kaagad, ‘di sana ‘di ka naiwan ng bus?” natatawang sabi ni Riki.

I doubt it. Kahit gumising ako nang maaga, kung desidido si Jet na hindi ako pasamahin, wala rin. Napaka niya talaga. “Ewan ko sa inyo. Mga panira kayo,” asar kong sabi.

Nagbuntong-hininga si Jet. “Look, Miki, those kind of places are not good for you. We all know how you dance,” sabi niya. “And it’s wild.”

Agad akong namula. “Anong wild doon? It’s called the Art of Dancing, Jethro!”

“No. It’s the Art of Seduction,” sabi niya.

“Art of Seduction? Wow. Sa’yo pa talaga nanggaling ‘yan? At ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan samantalang ikaw itong maraming babae?” sarkastikong tanong ko.

Once Upon A SpringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon