Spring Thirty (The Last Spring)
“Spring”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
First day of school year. Ang bilis ng panahon. Tiningnan ko ang paligid. Maaga pa. Actually, madaling araw pa lang. mga alas singko ng umaga at sadyang trip ko lang talagang maglakad-lakad sa loob ng Arco Iris nang ganito kaaga.
Kung nasa hometown ko ako ngayon, malamang spring season na. Paborito ko ang spring season. Ito ang panahon kung saan nagigising ang mga natutulog na bulaklak. Sa tuwing panahon ng spring, nagiging makulay ang mundo. Parang nagigising ang lahat ng natutulog na kulay. Parang nagsasabog sila ng kagandahan at bagong pag-asa. Kaya sa lahat ng season, paborito ko talaga ang spring. Sana nasa hometown ko ako ngayon. Tiyak ay ngumingiti ngayon ang mga puno ng sakura.
“Anong iniisip mo?”
Lumingon ako at nakitang papalapit si Jet sa akin. Meron siyang dala-dalang bulaklak. Ngumisi ako. “Para sa akin ba ‘yan?” agad kong tanong.
Tumaas ang dalawang kilay niya. “Ba’t mo naman naisip na para sa’yo ito?” tanong niya.
Tumaas naman ang isang kilay ko. “So hindi? Para kanino ‘yan?”
“Para sa pagbibigyan ko.”
I rolled my eyes. “Seriously, Jet? Masama bang sagutin nang maayos ang tanong ko?”
“Hindi.”
“Eh bakit ayaw mong sagutin?”
“Ayoko eh.”
‘Yung totoo? Kung ganito ang boyfriend mo, hindi ka kaya ma-frustrate to the point na tinatanong mo sa sarili mo kung bakit ka pumayag na maging kayo?
Bigla akong napaisip. Sa totoo lang, hindi ko pa rin talaga lubos na maisip na kami ni Jet. Nakakapanibagong isipin ang katotohanang ‘kami’ eh. ‘Yung together? ‘Yung may relasyon kayo bukod sa pagiging magkaibigan? O magkaaway? O magkababata? Sobrang tagal naming magkakilala ni Jet. Hindi kami naghihiwalay mula pa man noon. Kaya sa totoo lang, minsan ay hindi ko naiisip ang katotohanang meron kaming ibang relasyon bukod sa pagiging magkaibigan at magkababata.
Ganoon naman talaga minsan, ‘di ba? Minsan kasi, dahil sa sobrang sanay ka nang nasa tabi mo ang isang tao, kapag nagkaroon ng pagbabago—kahit kaunti lang—sa relasyon niyo, parang hindi mo masyadong maiisip ‘yun. Parang patuloy pa rin ang kung ano man ang takbo ng relasyon niyo—even before pang magkaroon ng pagbabagong iyon.
Kung meron mang nagbago sa relasyon namin ni Jet, siguro iyon ang katotohanang meron kaming relasyon bukod sa pagiging magkaibigan o magkababata. Kumbaga eh pormal na. ‘Yung tipong alam ko sa sarili kong boyfriend ko na siya at girlfriend niya na ako? ‘Yung tipong hindi lang siya ang nagbabakod sa akin? ‘Yung tipong alam kong may karapatan na akong bakuran din siya? ‘Yung tipong alam kong hindi na maganda at tama na may iba pang lumalandi sa kanya? O lumalapit na lalaki sa akin para pormahan ako? ‘Yung ganoon.
Sa totoo lang kasi ay hindi naman ako expert sa relationship eh. Hanggang fairy tales lang ang alam ko. Sabi ko nga, hindi ko linya ang Romance Department. ‘Yung mas malalim tungkol sa fairy tales? Hindi ako expert sa ganoon.
Kaya kung minsan talaga eh hindi ko alam kung tama ba itong relasyon namin ni Jet eh. Kasi ‘di ba dapat may pagmamahal? Sinabi niyang ako ang pakakasalan niya. Sinabi rin niyang ako ang pinili niya. Pero hindi naman niya sinabing mahal niya ako. Hindi ba’t may pinagkaiba ‘yun?
Ayokong mag-assume. Sinasabihan ako ni Riki na manhid daw ako. Pero tama bang i-base lang sa actions ng isang tao ang katotohanan? Ewan ko. Sabi kasi nila, action speaks louder than words. Eh sa sitwasyon kasi namin ni Jet, merong isang manipis na linya sa mga katotohanang maaaring ginagawa lang niya iyon dahil sa pinagsamahan namin at maaari rin namang… mahal niya talaga ako. Pero kung salita naman ang pagbabasehan, well, hindi naman niya sinabing mahal niya ako, ‘di ba?
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Roman pour Adolescents“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
