Spring Fifteen
“Beast”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Miki!”
I snapped out of my reverie. “Ano ‘yun, Riki?”
“My gosh. Anong ginawa mo sa pinsan ko? Bakit nababaliw ‘yun ngayon?”
“Ngayon lang? Palagi naman siyang nababaliw. Teka, nasaan ba siya at anong nangyari sa kanya?” Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama. Pagkatapos ng hibang na eksena ni Jet noong isang araw, mas lalo siyang lumala. As in… lumala. Hindi lang pamemeste ang ginawa niya kundi pagbubuntot na sa akin to the highest level. Muntik na siyang maglatag ng banig sa loob ng kuwarto ko. Kulang na lang talaga eh sumabay siya sa akin kapag naliligo ako. Eew. Please lang.
“Sagad na kasi eh! I mean, alam mo ba kung anong ginawa niya, ha? Pumunta siya sa admin at nag-propose ng panibagong rules and regulations ng Arco Iris University. Isa doon ay bawal kang kausapin ng kahit sinong lalaki maliban sa mga professors at bading!”
“What!?” Ginulo ko ang buhok ko. “Anong nangyari!? Pinatulan ba siya ng admin!?”
“Kino-consider ng admin ang proposal niya dahil kapag hindi raw pumayag ang admin, ipu-pull out daw niya ang shares niya sa buong Arco Iris University!”
Nanlambot ako at napaupong muli sa kama. Nakakapanghina. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Jet at nagkakaganyan siya. Dahil ba binanggit ko si Jazel noong isang araw? Dahil sobrang nangungulila na siya kay Jazel? “Anong reaction ng board?” nanghihinang tanong ko.
“Ayun nga eh! Ang masaklap eh tinawanan lang siya ni Ryuu! Kilala mo si Ryuu, ‘di ba? Ang pinakamatanda sa aming magpipinsan.”
“Don’t tell me, papatulan ni Ryuu ang proposal ni Jethro!?”
“Ewan ko! At ang masaklap din eh ayos lang sa iba pa naming mga pinsan ang lecheng proposal niya!”
OMG. Alam kong puro weirdos ang magpipinsan, pero ang patulan ang kahibangan ni Jet? My gosh. “Nasaan si Jethro?” asar kong tanong.
“Nasa Crescent Bar, kasama sina Ryuu.”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
Ugh. Ayoko talaga sa lugar na ‘to. Ang ingay eh. Tapos ang dami pang nagsasayawan na parang mga nasisiraan na ng bait. Wasted. Okay, ‘di naman ako against sa sayawan o sa pagpa-party, pero na-trauma lang yata ako sa mga possible catfights at rambols na puwedeng mangyari sa loob ng bar.
Hindi na ako nahirapan pang hanapin si Jet at ang mga pinsan niya. Malamang. Nandoon sila sa sulok kung saan pinagkakaguluhan sila ng mga babae. “Excuse me, excuse me! Padaan nga!” sabi ko. Tiningnan ako ng mga babae from head to foot.
“Bakit ka ba nakikisiksik, ha, Girl?”
“Oo nga. Go away.”
Aba, ako pa ngayon ang tinataboy nila? Fine. “Jethro Young!” sigaw ko. “Nandito ako at magpakita ka sa akin kung ayaw mong mabingi sa boses ko!”
Wala pang sampung segundo noong biglang may humigit sa bewang ko. “You!” sigaw ko sa kanya.
“Bakit nandito ka?” nakangising tanong niya. “Nami-miss mo na kaagad ako? Babalikan naman kita eh. Ikaw pa rin naman ang uuwian ko.”
Leche, nakainom yata. “Puwede ba!? Amoy alak ka! Ang baho!”
“Hindi naman eh,” sabi niya. “Halikan pa kita ngayon.”
Aba’t lasing na nga yata talaga! Hinampas ko siya. “Tumigil ka na! Tara na!”
Narinig kong nagtawanan ang mga pinsan niya. Tiningnan ko sila nang masama. “Sinusundo ka na ng asawa mo, ‘Tol.”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Fiksi Remaja“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”