Spring Eleven: "Butterfly"

3.6K 145 12
                                        

Spring Eleven

“Butterfly”

~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~

“Miki!”

Hindi ko alam kung sinong tumawag sa akin, pero paglingon ko ay may bulto ng taong humarang sa harapan ko. “Ugh,” mahinang sabi niya.

“Hoy, Jimenez, ayos ka lang ba?” sigaw ng isang lalaking nakatayo doon sa soccer field.

“Oo!” sagot ng lalaking nasa harapan ko.

Parang pamilyar yata ito. “Wesley?” Tiningnan ko siyang mabuti.

“Ayos ka lang?” tanong niya sa akin.

Tumango ako. “Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging maayos?”

“Muntik ka na kasing matamaan ng bola eh,” sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko. “Ha? Eh sinong—teka, ikaw? Hala! Ayos ka lang ba?” medyo natatarantang tanong ko.

Tumawa siya nang mahina. “Oo naman. Ilang beses naman na kaming natatamaan ng soccer ball. Minsan nga ay sa ulo pa eh.”

Sinuri ko siya. “Eh saan ka natamaan? Sorry!”

“Sa likod lang naman. Bakit ka nagso-sorry?”

“Kasi ako yata dapat ang tatamaan?”

Tumawa siya ulit. “Wala ‘yun. Saan ka ba pupunta at bakit dito ka pa sa gitna ng soccer field dumaan?”

“Shortcut,” nagmamadaling sabi ko. “Mas malapit kasi ito sa laboratory. May hinahabol akong prof.”

“Sinong prof? Gusto mo tulungan kitang—”

“Jimenez! Bumalik ka na rito!”

Tumingin kami ni Wesley sa lalaking nakapamewang at sumisigaw sa gitna ng soccer field. Napakamot ng ulo si Wesley. “Pinababalik na ako ni Coach. Sayang, sasamahan sana kitang—”

“Jimenez!”

Tumango ako. “Ayos lang. Paano, mauuna na ako, ha? Uy, thank you nga pala.”

Ngumiti siya sa akin. “Wala ‘yun.”

Kumaway na siya at ako naman ay nagmadaling tumakbo papunta sa laboratory. Pagdating ko doon, nadatnan ko si Riki na nakaupo sa isang mahabag table. “Nasaan si Doctor Qi?” tanong ko.

“Hindi mo ba natanggap ang text message ko, ha, Miki? Nag-text kaya ako. Sabi ko eh ako na ang nagsabi tungkol doon sa iguanang ida-dissect natin sa makalawa.”

Nagbuntong-hininga ako. “Hindi mo ba pinakiusapang palaka na lang? Para kasing naiilang ako sa iguana eh.”

“Well, sabi niya ay kapag nakahuli ka raw ng maraming paru-paro para sa butterfly exhibit niya, puwedeng palaka na lang daw ang i-dissect mo.”

“Ang daya naman! Saka bakit kailangan pang manghuli ng paru-paro? ‘Di ba puwedeng gumawa na lang siya ng butterfly garden at kusang lilipad papasok doon ang mga butterflies?”

“Haler, in the first place, hindi po papasok nang kusa at nang ganoon-ganoon lang ang mga butterflies doon, ‘no. Saka gusto yata niyang i-breed.”

“I-breed ang butterflies? My goodness. Teka, legal ba ‘yun?”

“Ayan ka na naman sa legalities mo. Lahat na lang eh tinatanong mo kung legal ba o hindi. Hayaan mo na. Legal naman siguro ‘yun.”

“Pero saan naman ako manghuhuli ng paru-paro?”

“Aba, problema mo na ‘yun. Kung ako sa’yo, mag-dissect ka na lang ng iguana para walang hassle.”

Once Upon A SpringMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon