Spring Four
“Jeans”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Ano na namang ginawa mo, Jethro!?”
“Hindi na ba talaga magbabago ang pagbati mo?” tanong niya sa akin habang nakapikit pa rin at may nakasaksak na headphones sa mga tainga niya.
“Hindi! Hangga’t ‘di ka naglalaho sa landas ko, hindi magbabago ang pagbati ko sa’yo! Ano na? Nasaan na ang mga damit ko?”
Dumilat siya at tumingin sa hawak kong backpack. Tumaas ang mga kilay niya. “Bakit sa’kin mo hinahanap? Hawak mo kaya.”
“Leche. You know what I mean. Anong ginawa mo sa mga damit ko? And FYI, hindi ko mga damit ang nasa loob nito.”
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng bus. Ang iba ay nagsimulang magbulungan na.
“Nag-aaway na naman sila. Kailangan nating lumayo.”
“Oo nga. Baka madamay pa tayo.”
Magsisitayuan na dapat sila noong biglang pumasok si Ma’am Vergel sa loob ng bus. “OK, Students, settle down!”
Akward na umupo ang ibang students na nagsitayuan. “Hindi ka pa ba uupo?” tanong ng pesteng lalaki sa akin. Tiningnan ko siya nang masama at umupo ako sa opposite side ng aisle katabi si Riki. Natutulog siya at hindi aware sa paligid. “Bakit diyan ka uupo?”
“Alangan namang sa tabi mo? Hoy, Jet, anong ginawa mo sa mga damit ko? Sinong nangsabing puwede mong galawin ang mga ‘yun? At ano itong pinaglalagay mo sa loob ng backpack ko?” asar kong tanong habang nakahalukipkip at nakatingin nang masama sa kanya.
“Damit ang tawag sa laman ng backpack mo ngayon.”
“Ngayon? Eh anong tawag mo sa mga laman nito kahapon?”
“Mga saplot na walang dangal.”
“What!?” Napatayo ako. Agad namang tumingin sa akin si Ma’am Vergel.
“Is there a problem, Miss Yamashina?”
Yes, Ma’am! We have a problem! And his name is Jethro Young!
Leche. Kung puwede ko lang sigurong isigaw ‘yun, ginawa ko na. Sa halip ay ngumiti lamang ako nang tipid at umupo na. Agad kong tiningnan si Jet. “What do you mean? Mga saplot na walang dangal!?”
Nagkibit-balikat siya. “Totoo naman eh.”
“Tigilan mo ako, Jet!” asar kong bulong. Nakakainis! Saglit lang akong nawala kahapon sa boarding house dahil bumili ako ng babaunin kong pagkain para sa trip na ito. Pagbalik ko, wala na ang mga damit ko sa cabinets! May mga damit na nandoon, pero hindi sa akin ang mga iyon! Ganoon din sa loob ng backpack ko. Wala na ang mga damit ko doon at hindi ko alam kung kaninong mga damit ang nakalagay sa loob ng backpack ko. Ang alam ko lang, hindi sa akin ang mga damit na iyon!
“Ano bang kinaiinis mo diyan? Pasalamat ka nga at pinalitan ko ang buong wardrobe mo.”
“Bakit ako magpapasalamat? Una sa lahat, sino bang nagsabing pakialaman mo ang gamit ko? You’re invading my privacy! You’re—”
“Pinalitan ko ang wardrobe mo dahil mukha kang tanga sa mga damit na ‘yun. Ang papangit. Wala ka man lang disenteng damit.”
“Excuse me? Wala akong disenteng damit? Eh anong tawag mo sa—”
“Puro shorts na masyadong maiikli. Puro palda na kaunting pagyuko mo lang eh masisilipan ka na. Puro bistida na kinapos sa tela. Anong tawag mo sa mga ‘yun? ‘Di ba mga saplot na walang dangal?”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
