Spring Twenty Six
“Flower”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“So seryosohan na talaga ‘yan?” tanong ni Riki sa akin.
“Ang alin?”
“Ang relasyon niyo ni Jet.”
“Ba’t hindi mo itanong sa kanya?”
“Eh kasi sa’yo ko tinatanong. Come on, Miki. I’m your best friend since nasa sinapupunan ka pa lang ng mama mo. Huwag ka nang maglihim sa’kin. Tell me, mahal mo na ba siya?”
“Anong klaseng tanong naman ‘yan, Ricardo?”
“Matinong tanong. Ba’t kasi hindi mo na lang sagutin, ‘di ba?”
“Wala akong dapat sagutin,” sabi ko.
“OMg, I’m so suko na talaga,” exasperated niyang sabi. “Simpleng tanong, hindi mo masagot!”
“Eh kasi, ano ba ang isasagot ko? Oo? Hindi? Eh malay ko ba? Hindi ko alam eh. Alangan namang pilitin ko ang sarili kong sagutin ang isang bagay na hindi ko naman alam kung anong sagot?”
“Naman! Sige, ganito na lang. Gusto mo ba siya?”
“Hindi.”
“Hindi mo siya gusto?” he asked, surprised. “ So ayaw mo sa kanya?”
“Hindi.”
Kumurap siya. “Huh? Anong hindi? Hindi mo ayaw sa kanya o ayaw mo sa kanya? Ang gulo naman! Hindi mo siya gusto pero hindi mo rin ayaw sa kanya? Aba, ano ba talaga?”
“Ewan ko.”
“Ano ba ‘yan, Miki!? Nakaka-frustrate ka po!”
“Eh kasi ‘yung mga tanong mo naman, nakakabobo!”
“Anong nakakabobo sa mga tanong ko? Look, Miki. It’s simply gusto mo siya o ayaw mo sa kanya. Walang in between. Yes or no lang. Walang maybe.”
“Puwede ba ‘yun?”
“Oo! Dahil there is only black and white. Walang gray. Walang in between.”
“Eh anong magagawa ko kung hindi oo at hindi rin hindi ang sagot ko?”
Napasabunot siya sa buhok niya. “I’m going crazy!”
“Eh bakit kasi pinag-iinitan mo pa kami?”
“Eh kasi nga fan ako ng loveteam niyo!”
“Excuse me? Loveteam? Kilabutan ka nga.”
“Actually, kinikilabutan nga ako eh. Sobrang hooked ako sa kuwento niyo kaya ako kinikilabutan.”
“Baliw,” sabi ko. “Diyan ka na nga. Uuwi na ako.”
Hindi na niya ako pinansin dahil masyado siyang naging abala sa pagdo-drawing nga animation namin ni Jethro. Ang lakas ng topak ng baklang ‘yun. Hindi ko talaga alam kung paano ko naging kaibigan ‘yun eh.
Pero…
Napaisip ako sa mga tinanong niya sa akin.
Gusto ko ba si Jet?
O ayaw ko ba sa kanya?
Hindi ko alam eh. Kung gusto ko siya, ano naman ang magugustuhan ko sa kanya? Dahil ba guwapo siya? Matalino? Maganda ang pangangatawan? Atleta? Ugh. Maraming ganoon dito eh. Sa pamilya pa nga lang nila, laganap na ang ganoon. Magugustuhan ko siya dahil doon? No way. Hindi ako ganoon. I mean, I acknowledge those naman—‘yung mga physical and mental abilities niya. Prinsipe nga sa panlabas na anyo. Pero hindi ako ‘yung tipong maa-attract dahil doon.

BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Ficção Adolescente“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”