Spring Sixteen
“Cruel”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“What!?”
Agad akong napatayo noong ginising ako ni Riki. “I know you heard me, Miki,” nakangising sabi niya.
“Oo nga, pero… seriously?”
“Oo nga sabi. Tingnan mo, oh. Ayun siya.” Itinuro ni Riki ang isang bulto ng taong natutulog sa folding bed sa entrance ng kuwarto ko.
“Oh, my gosh.” Dali-dali akong tumayo at nilapitan si Jet. “Jethro, gising na,” mahinang sabi ko. “Bakit dito ka natutulog?”
He mumbled something, pero hindi ko iyon naintindihan. Nagbuntong-hiniga ako. Hindi ako makapaniwala. Ang isang Jethro Young ay natutulog sa folding bed? What’s happening here? “Jet, gising. Pumasok ka na sa kuwarto mo.”
“Ayoko,” he mubled sleepily.
“Ano bang ginawa mo diyan?” tanong ni Riki sa’kin.
Wala naman eh, maliban sa hinalikan ko siya kagabi. But I wasn’t about to tell that to Riki, ‘no. “Wala. Sobrang lasing lang niya talaga kagabi. Pero ang pagkakatanda ko eh sa kuwarto niya siya dumiretso kagabi,” nagtatakang sabi ko.
“Well, obviously dito siya natulog sa entrance ng kuwarto mo.”
Ginulo ko ang buhok ko. “Ano na naman ba ‘to, Jet?” bulong ko sa kanya, pero malamang ‘di siya sumagot dahil halatang antok na antok siya at tinamaan talaga kagabi. Gaano ba kasi karami ang nainom ng lalaking ito at bakit ba siya uminom? Ang weird niya, promise. Nagbuntong-hininga ako at tumayo. Kumuha ako ng blanket sa cabinet at kinumutan ko siya.
“Alam mo,” panimula ni Riki.
“Ano?”
“Hindi ko talaga alam kung anong meron sa inyong dalawa.”
Hindi ako sumagot. Kung makakalimutan ni Jet ‘yung bagong deal namin kagabi… mabuti. Kung maaalala niya naman niya, well, wala akong magagawa. Sasakyan ko na lang ang topak niya like what I have been doing through the years.
“Miki,” biglang sabi ni Riki.
“Ano ‘yun?”
“Mahal mo ba ang pinsan ko?”
Bago pa ako nakasagot, biglang nagsalita si Jet. “Malamang mahal niya ako. She’s already mine, so shut up.”
Nagkatinginan kami ni Riki. “Akala ko ba tulog ‘yan?” nagtatakang tanong ni Riki. “Ano ‘yun, sleep talk?”
“Huwag mo na ngang pansinin si Jet. Maliligo na ‘ko. Jet, alam kong gising ka na. Pagbangon mo, inumin mo ‘yung gamot na nilagay ko sa ibabaw ng table mo,” bilin ko sa kanya.
“Sige.”
Umiling ako. Hindi ko talaga alam kung tulog ba ‘to o nagtutulug-tulugan eh. Bahala siya. Siguraduhin niya lang na iinumin niya ang gamot dahil malakas ang topak niya kapag may hang-over.
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“Jet, bitiwan mo ‘ko,” asar kong bulong sa kanya.
“Bakit?”
“Kasi hawak mo ang kamay ko.”
“Eh bakit ko nga bibitiwan?”
“Kasi hawak mo nga!”
“Eh ano naman kung hawak ko?”
“Eh hindi naman kailangan.”
“Bakit?”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Novela Juvenil“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
