Spring Eighteen
“Rain”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“What!?”
“Oo nga! Kaka-text lang sa akin ng isa sa mga spies ko sa Crescent Bar!”
Agad akong tumayo. “Anong kaguluhan na naman ba ‘tong pinasok ni Jet?” reklamo ko. Dali-dali kong sinuot ang blazer kong beige at hinablot ang payong kong nakatayo sa likuran ng pintuan.
“Ewan ko! Teka, saan ka pupunta?” tanong ni Riki.
“Saan pa, eh ‘di sa Crescent Bar! Tara na!”
“Ha? Eh, Miki—”
“Ano pang hinihintay mo? Tara na sabi eh!”
“Banned ako doon,” nalulumong sabi niya.
Ginulo ko ang buhok ko at inirapan siya. Wala na akong panahon pa para alamin kung bakit banned siya doon dahil halos every month na lang eh naba-ban siya sa iba’t-ibang bars dito sa bansa.
Malapit lang naman sa boarding house namin ang Crescent Bar kaya hindi na ako nag-abalang tumawag pa ng taxi. Lalakarin ko na lang papunta doon. Ayun nga lang, lalong lumakas ang ulan noong lumabas ako.
Pero bahala na. Kailangan kong bilisan dahil sa mga pagkakataong ito, baka kung anon a ang nangyari sa halimaw na ‘yun. Lumalakas pa man din ang topak niya kapag nakainom. Bakit kasi nandoon siya!? Nakakainis talaga ‘yun!
Binuksan ko ang payong na hawak-hawak ko at sumugod sa ulan. Hindi lang ulan ang sobrang lakas kundi pati na rin ang hangin. Pakiramdam ko ay liliparin na ako anumang oras ngayon. Nagliliparan na rin ang mga dahon at talulot ng mga bulaklak sa paligid. Hindi ko na halos makita ang nilalakaran ko. Nakaka-tempt bumalik sa boarding house, pero sa mga panahong ito, isa lang ang makakapagpatino sa kalagayan ni Jet.
… at ako iyon.
Ewan ko. Mula pa man noon eh ganito na talaga. Sabi nga ni Riki, pareho lang daw kasi kami ni Jet na evil kaya nagagawa ko siyang patinuin kapag nalalasing o tinotopak. Nakikipag-deal o compromise lang naman ako kay Jet kaya tumitino siya.
Halos takbuhin ko na papunta sa Crescent Bar kung hindi lang talaga madulas ang daan. Kaya sa sobrang pagmamadali ko, nadulas pa ako sa putikan at nabasa ng tubig-ulan. Nakakairita talaga. Kung kailan naman kasi umuulan, saka pa pumasok si Jet sa isa na namang kaguluhan.
Pagdating ko sa Crescent Bar, gutay-gutay na ang suot ko at para akong binagyo—literal na binagyo. Halos halungkatin ko na ang bawat sulok ng bar, pero ‘di ko siya mahanap. Lumapit ako sa isang bouncer na halatang kanina pa bad trip.
“Kuya, nandito po ba si Jethro Young?” nagmamadaling tanong ko sa bouncer. Alam kong kilala niya si Jet dahil halos gawing pugad na itong bar na ito ng magpipinsan.
“Young? Sino doon? ‘Yun bang singkit na mukhang mestiso?” tanong ng bouncer.
Umirap ako nang palihim. “Kuya, lahat naman po sila eh mestisong singkit. I mean, ‘yung mgapipinsang Young po. Nakita niyo po ba sila? Doon po sila madalas pumwesto sa bandang kaliwang parte sa itaas,” sabi ko.
“Ah, ‘yung mga ‘yun ba? Wala na, Miss. Umalis na. Nagkagulo kasi dito kanina eh. May nagsuntukan at nag-away, pero bago pa man din namin sila naawat eh lumabas na sila.”
Ha? My gosh. “Eh saan po sila nagpunta?”
Nagkibit-balikat ang bouncer at nagpaalam na para pigilan ang grupo ng mga lalaking mukhang minamanyak ang isang babae.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Jugendliteratur“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
