Spring Nineteen
“Paradox”
~*+*~~*+*~~*+*~~*+*~
“What!?”
“Oo nga.”
“At bakit ayaw mong pumasok? Natuluyan na ba ‘yang utak mo, ha?”
“Miki, basa ang mga paa ko. Mababasa ang loob ng bahay. Baka parusahan pa ako ni Sensei Muse kapag nadumihan ko ang carpet ng boarding house niya.”
“Eh anong gagawin mo sa porch?”
“Hihintayin ka. Pakikuha na lang ako ng damit. Sa porch na ako magpapalit.”
Nagbuntong-hininga ako. “Ang tigas ng ulo mo! Hintayin mo na nga lang ako.”
Ngumisi siya. “Kahit habang-buhay pa, Miki.”
“Huh?”
“Wala. Sabi ko, nagugutom na ‘ko.”
“Sige, sige. Saglit lang. Ikukuha muna kita ng damit tapos ipagluluto kita ng pagkain,” dali-daling sabi ko.
“Kung ganito ka ba naman palagi kapag napapaaway ako, makikipag-away na lang ako palagi.”
“Tigilan mo ‘ko, Jet,” nangigigil kong sabi sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng boarding house at dali-daling tinungo ang kuwarto niya.
Una ko pa talagang nabuksan ang drawer niyang puno ng… ugh, boxers at briefs. Bakit ang laki ng gamit niya? Hindi naman siya ganoon kalaki, ah? Pakiramdam ko ay umakyat papunta sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Bakit ba ito ang iniisip ko!? Damit. Damit ang dapat kong hinahanap.
Noong nakakuha na ako ng t-shirt, agad ko siyang binalikan. Hinubad niya ang suot niyang t-shirt at agad naman akong tumalikod para hindi masilayan ang… ang abs niya.
Napalunok ako. Agad akong umiling at bigla kong narinig ang mahinang tawa niya. Tiningnan ko siyang muli. “Magdamit ka naman!”
“Oo na. Teka, nasaan ang tuwalya ko?”
Halos ibato ko sa kanya ang tuwalya niya. Mabilis niyang pinunasan ang katawan niya. Inagaw ko ang tuwalya niya at pinunasan ang buhok niya. Hindi siya nagsalita, pero kitang-kita ko ang kanyang sobrang evil na ngisi. Gustong-gusto niya talagang inaalila ako.
Nagulat ako noong bigla siyang yumakap sa bewang ko. “Jet—”
“Huwag kang magreklamo. Nilalamig ako.”
“Sino ba kasing nagsabing magbabad ka sa ulan?”
Hindi siya sumagot. Hinigpitan lang niya ang pagkakayakap niya sa akin. “Ang lamig.”
“Kasi nga umuulan. Pumasok na tayo. Medyo dry ka na rin naman,” sabi ko.
“Ayoko. Gusto ko dito lang tayo.” Hinila niya ako at napaupo naman ako sa lap niya.
“Jet!” iritadong bulong ko. “This is awkward!”
“Ang alin?”
“Our position!”
Bigla siyang ngumisi. “Bakit, anong posisyon ba ang gusto mo?”
“Please, Jet.” I rolled my eyes. “Wala ako sa mood—”
“Then I can get you in the mood for it.”
Nanlaki ang mga mata ko. “We are not having this discussion,” I said firmly.
Nagbuntong-hininga siya. “Hirap, tsk.”
Kumunot ang noo ko. “Anong mahirap?”
Tiningnan niya ako nang seryoso. “Wala. Pumasok na nga lang tayo.”
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spring
Teen Fiction“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
